H: Chapter 25

822 26 0
                                    

— 25 —


"Ba't ang tahimik mo?" Nilingon ko si Greta na nag-lalagay ng lipstick. Binaba niya ang hawak at napatingin sa 'kin.


"Uh kasi, 'di ako sanay-"


"Masanay ka na Tina." She patted my shoulder. "From now on, magkaibigan na tayo at maasahan mo ako." Ang tanging nagawa ko lang ay ang ngumiti sa kaniya.


"O-Okay..." I said. This girl...


"Kuwentuhan mo naman ako dali." She shifted on her seat and faced me.


"Me?" She nodded. "A-Ano naman?"


"Sa buhay mo, kahit ano basta tungkol sa 'yo." Tumikhim ako at napa-ayos ng upo.


"Uh." Ano ba ang sasabihin ko? "Well, I have a boyfriend-"


"May jowa ka na?" Biglang tanong niya sabay tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan akong tumango bago sinalubong naman ako ng mga tanong.


"Sino? Taga saan? Anong edad? Guwapo ba? May kapatid? Reto mo naman ako." Nabigla ako sa huling sinabi niya at agad niya man itong napansin.


"I mean kung may kapatid siya. Alam ko naman sa'yo yun e, 'di ako mang-aagaw 'no!" She said and leaned back on her seat. "'Yun nga lang, ako 'yung inagawan."


'Di ko alam at hindi ko naman sinadyang mapatanong pero, "Bakit?"


"Mahabang kuwento pero paikliin na lang natin. 'Yung boyfriend ko, latest ex, at 'yung ex best friend ko, magkaklase habang ako'y nalayo sa kanila." Tahimik akong nakikinig sa kaniya.


"Mahal na mahal ako ng boyfriend ko at s'yempre, mahal ko rin siya." Aniya at tumango tango lang ako. "Sobrang saya namin at okay naman kami ng best friend ko kaya lang, noon 'yon."


"Why?" I asked.


"Kasi nang nalayo na ako sa kanila, 'dun na sinubok ang pagmamahalan naming dalawa." Huminga siya ng malalim. "Nagtagal kami ng 5 years, pero sa isang iglap, napalitan agad 'yon. Hulaan mo kung sino."


Napakunot noo akong sumagot, "'Yung best friend mo?"


"Bingo! Pero correction, ex best friend." Naging blanko ang aking expresyon. "Habang wala ako, ayun, free time nilang maglambingan."


"Tangina, akalain mo 'yun? Ang 5 years niyong relasyon, 5 years ha! Pinalit lang sa isang taong naging importante rin sa'yo." Napahalkhak siya. "Ang ganda ng laro nila." Napatahimik ako. Grabe naman.


"Pero okay na ako ngayon. Handa na akong mag landian ulit." Aniya at bahagyang tumawa. "Nga pala, anong pangalan ng jowa mo?"


"Max." Tipid kong sagot at tumango siya.


"Kapangalan ng ex ko! Anong spelling? Baka ex ko 'yan ha!" Kinabahan naman ako.


"M-a-x." I spelled out and I didn't even breathe while saying it.


"Ay hindi, M-a-c-k-s 'yung sa 'kin." Nakahinga ako ng maluwag. Hay, thank god.


HatidWhere stories live. Discover now