H: Chapter 12

770 36 5
                                    

— 12 —


As days, weeks, months and even a year has passed by of Max's courtship, many things happened. More times and dates together, cornier and daddy jokes from him and more surprises. He's patiently waiting for me but I'm still confused—more like I'm not that ready to commit.


"They say courtship is the way to test a man's patience. Kaya 'wag madaliin ang lahat ng bagay."


"Only decide if you're ready."


Mom's words are powerful. I guess, I need more time.


I'm so bored sitting inside the classroom. No teacher, no class. No Viv, no fun. Absent siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit. I texted her, but she only replied 'emergency sa bahay'. I'm usually staring straight at the whiteboard when my phone vibrated.


Max:

May klase kayo?


I quickly typed in.


Ako:

Nope, wala si Sir. Kayo?


Mabilis naman siya nagreply sa 'kin.


Max:

Wala rin, wala si Ma'am eh. Baka nagsama na ang dalawang 'yon.


A smile crept on my lips.


"Ang iba ngiti-ngiti lang d'yan." Napa-angat ako ng tingin kay Yasmin na nakangisi. Nginitian ko lamang siya at binalik ang atensyon ko sa cellphone.


Max:

May gagawin ka ba mamaya?


Napa-isip naman ako kung meron nga ba, pero parang wala naman.


Ako:

Wala naman, bakit?


Max:

May pupuntahan tayo.


Ako:

Saan naman?


Hindi na siya nagreply pagkalipas ng ilang minuto hangang nagdating na ang susunod naming guro.


Saan naman kaya kami pupunta?


Nang natapos na ang lahat ng klase namin sa buong araw, agad akon tumungo sa restroom para ayusin ang sarili ko. Paglabas ko, naglakad na ako papunta sa classroom ni Max at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko na may kausap siyang babae. Napatigil ako sa kinatatayuan ako at tiningnan lang sila sa malayuan.


"Max, gusto pa kita. Bumalik ka na sa kin." Pagmamakaawa ng babaeng hind in pamilyar sa 'kin at baka nasakabilang section. Napahawak siya sa bisig ni Max at nanlaki ang nga mata ko nang lumuhod ito sa harapan niya.


"Ano ka ba Melissa?" Ani ni Max ay pilit siya pinapatayo dahil marami na ang nakapansin sa kanila.


"M-Max please... bumalik tayo sa dati-"


HatidWhere stories live. Discover now