"Kape?"
Inalok ni Ynna ang dala niyang paper cup na may lamang dark coffee. Alas otso na nang gabi pero panay higop pa rin siya sa dala niyang baso. Hindi niya pa nga siguro 'yan nilagyan ng asukal.
"I don't drink coffee." I shook my head, laughing a little.
"Ikaw bahala. Antukin ka pa naman." She laughed back.
Pinagmasdan ko lang siyang sumimsim sa kape niya. She's wearing a light grey sweater and a pair of maong pants. She partnered those with a brown flat sandals. So simple yet so elegant.
Nandito kami ngayon sa vending machine sa loob ng cafeteria dahil bigla siyang nag-aya mag kape. Naka night shift kasi kami ngayon at dahil madalas kaming dayuhin sa ER kapag hatinggabi kung kailan dapat masarap ang tulog namin, wala kaming magawa kundi ang panatilihing dilat ang mga mata namin.
And that's an advantage for me since I became an insomniac, I guess? Plus the fact that it's raining again due to the bad weather according to that shitty weather forecast, it's also a great chance of me staying awake all my life.
Nagtaka ako nang tumigil siya sa pag-inom ng kape at curious na napatingin sa akin. Tatanungin ko sana siya kung may mali ba sa damit ko o kung may dumi ba ang mukha ko nang bigla siyang magsalita.
"Ba't ka nga pala nawala kagabi? Did you go somewhere?" Sumingkit ang mga mata niya.
Nanginig ang labi ko at paulit-ulit na napalagok sa sariling laway. Bahagya kong iniwas ang tingin sa kaniya para mag-isip kung ano na namang kasinungalingan ang sasabihin ko.
"I-I fixed something up." I awkwardly smiled at her. Hindi ko nga alam kung nahalata niya 'yun dahil mas nakunot ang noo niya, nakahawak ang thumb at index finger sa baba niya na parang nag-iisip.
"Ganoon ka dalas? Weekly ba 'yan?" She slightly scratched her head after. "That's odd. Sabay pa kayong nawawala noong 4th year resident sa neuro department."
Ilang segundo rin siyang natahimik, malalim na nag-iisip kaya nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Tumingin siya sa akin na parang may napagtanto kaya mas lalo akong kinabahan.
"Are you two dating?!" Madrama siyang napatakip sa bibig niya.
Kaagad akong napailing at magsasalita na sana para depensahan ang sarili nang may isang babaeng first year resident ang natatarantang nagbukas ng pinto sa entrance ng cafeteria.
Palingon-lingon siya sa paligid na para bang may hinahanap, hindi na inaalintana ang tingin ng karamihan sa mga pasyente at doctor na kumakain sa direksyon niya.
Nagkatinginan kami ni Ynna nang mapansin naming dali-dali siyang nagtatatakbo papunta sa may vending machine kung saan kami nakatayo. Pawisan na siya nang huminto sa harap at nagsisitayuan na ang mga buhok niyang nagulo na parang sinabunutan.
BINABASA MO ANG
Rain of Nightmares (Medical Series #2)
General FictionStephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past happened. But just when she's about to forget everything, along with the fact how she loves rain, an...