"Peryahan? Ano ka, bata?"
Napahalukipkip ako, nakatingin ng diretso sa mga mata niya at hindi makapaniwalang sa peryahan kami napadpad.
"Masaya naman, e!" He reasoned out. "Wala ka kasing social life!"
"Paano kapag umulan? Paano kapag nagkaroon ako ng panic attack?!" Tinuro ko 'yong makulimlim na langit. "Pag 'yan bumuga ng tubig, lagot ka sa'kin."
"Tara na nga!" He chuckled, ignoring my question.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago hinila sa kung saan-saan. Napakarami naming pagpipiliang rides pero mas inuna niya 'yong ferris wheel.
Nagtaka siya nang umatras ako nang makarating kami sa bilihan ng ticket. Sinubukan niya akong hawakan pero para akong bata na tumakbo palayo sa pila.
Takot akong tumingin sa kaniya, pailing-iling pa. I tried to walk away from him pero nahabol niya pa rin ako. Hinawakan niya ang baba ko para titigan ang mukha kong halos hindi na maipinta dahil sa kaba at takot.
"I'm afraid of heights." I tried to reasoned out.
Ganito rin ang ginawa ni CJ sa'kin noon. Ginusto niyang mag zip line kami pero halos himatayin na ako dahil sa takot. The memories of fear and my phobia---they were together!
I was taken aback when he laughed at my face before messing my hair. Pero mas lalo akong nagulat nang pinag-ugnay ang mga kamay namin.
Napaiwas ako ng tingin lalo na't siya lang ang mukhang walang pakialam sa ginagawa niya. My heart's beating too fast that I don't even know if he's hearing it or not!
Oh my God, Cyril Jan, why are you doing this?!
"Tara?" He looked at me, giving me his sweetest smile. "Don't worry. I'm just here. You're going to overcome it."
I pushed my tongue in my left cheek to hide my smile as I slowly nodded. Nagpahila nalang ulit ako sa kaniya papunta sa pila ng ferris wheel kahit na hindi matanggal 'yong magkahalong kaba at hiya sa kalamnan ko dahil sa ginagawa niya.
Sumakay na kami sa isang spot pagkatapos magbayad. Umupo siya sa harap ko kaya pilit ko siyang inaabot kapag tumataas na kami.
I closed my eyes, screaming at the top of my lungs when it started to roll upside down. Halos malukot ko na nga ang dress shirt niya dahil sa higpit ng hawak ko. Muntik pa akong maiyak dahil sa kaba.
"AYOKO NA! BABA NA PLEASE. TAMA NA! MANOOOONG!!!!!!" Nawalan na yata ako ng hiya kahit na nakikita kong patawa-tawa si Cy habang nakahawak lang sa kamay ko, pinapakalma ako.
Naramdaman ko lang 'yong hiya at pagod nang makababa na kami. Hindi na sana ako papayag pero hinila niya na naman ako roon sa may horror house.
BINABASA MO ANG
Rain of Nightmares (Medical Series #2)
General FictionStephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past happened. But just when she's about to forget everything, along with the fact how she loves rain, an...