32

564 25 15
                                    


"Love, it's raining outside. Tsaka may shift pa tayo. Later, okay?"


I can't help but to laugh when Ynna rolled her eyes at LJ. The latter forgot about their anniversary and now promised her to eat dinner outside. Kaso malakas 'yong ulan kaya pinipilit siyang 'wag nalang muna.


"Then I'll have dinner myself." Ynna rolled her eyes again.


My laugh bursts out more when she turned her back on LJ. Mabilis siyang naglakad, pilit na hindi pinapansin ang pagtawag ng fiancee niya.


"Tangina, kung hindi lang talaga kita mahal." Napabuntong-hininga si LJ bago ito sinundan papunta sa cafeteria.


Naiwan akong mag-isa sa entrance ng hospital dahil hinihintay ko pa si Cy. We decided to have dinner together for a bonding and for a new start. May sasabihin din daw kasi siya sa'king importante and he wants it to be at the restaurant we keep on visiting back in the days.


My smile won't fade from my lips. Dati, kahit kaunting ambon lang, naiinis na ako. Though Cy makes it a little calmer, but what I'm feeling right now's the best: Rain makes me smile especially that I'm waiting for the man I love.


Patingin-tingin lang ako sa labas ng hospital nang maaninag ko na ang pigura ng isang lalaking bumaba sa sasakyan sa 'di kalayuan. Nakasuot siya ng white dress shirt at maong pants na pinaresan ng white sneakers. Pamilyar pa 'yong black folding umbrella na dala niya.


"Hi baby." Bati niya nang makalapit na sa akin. Binaba niya 'yong payong at hinawakan ang pisngi ko para mahalikan ang noo ko. "I'm sorry. Traffic, e. Naghintay ka ba?"


I shook my head, smiling. "Hindi naman gaano katagal. Nakakwentuhan ko naman sina LJ kanina. Nag-away pa nga sila ni Nana."


"Talaga?" He chuckled as on the thought of it. "'Tong si Ynna talaga mahilig mag-amok."


"Payong ko 'yan no?" Sumingkit ang mata ko nang dumapo ito sa payong na nakatayo sa sahig ng entrance.


"Oo." Tumawa ulit siya kaya napailing nalang ako.


Sumakay na kaagad kami sa sasakyan niya. Pumasok ako sa may shotgun seat at umikot naman siya para sumakay sa may driver's seat. 


Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa makarating kami sa restaurant. Inayos ko muna ang suot kong dirty white plaid puff dress dahil medyo nakunot na.


"Kailan alis niyo?" He was asking about the field trip when we started eating.


"Tomorrow. 3 AM daw sabi ni Dra. Ayen." I answered, biting the chicken skin of my favorite korean spicy chicken.


"Take care, okay? I'll be on the site, too." He gave me a cute smile when he noticed my almost glaring stare. "It's true this time. Promise."


Rain of Nightmares (Medical Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon