09

544 35 8
                                    


"Where's my paint brush?!"


Napasinghal ako kay Cy habang nanginginig. My paint brush is missing! Bigay sa'kin ni CJ 'yun! Mawala na lahat ng gamit ko 'wag lang 'yon! Anything that he gave to me--it can't be thrown or be gone. It's too precious!


"Hey, chill." Lumapit siya sa akin galing sa lababo at umupo para maging magkapantay kami. Nakaupo na kasi ako sa higaan, paiyak na dahil sa kaba at takot.


Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. He smiled at me before nodding slowly. "Na misplace mo lang 'yon. Kapag nagsimula na tayong maglinis, mahahanap mo 'yon okay?"


"Paano kapag hindi?" Hindi ko na napigilang mapasimangot. It felt weird dahil hindi naman kami close pero bakit ako ganito sa kaniya?!


"Stop the negativity." He smiled again.


Sinundan ko siya nang tingin nang tumayo siya at inabot ang cellphone sa dala niyang black back pack. Inilabas niya roon ang isang maliit na speaker bago dinukot ang cellphone niya sa bulsa ng bag.


"Let's play some music. Pang pawala ng stress." Sandali niya akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa cellphone, may kung anong kinalikot.


Matapos ang ilang segundo ay tumunog ang 'We could Happen' ni AJ Rafael sa speaker. Bahagya niya pang nilakasan ang volume sa saktong hindi naman masakit sa tenga. Inilapag niya 'yon sa coffee table katabi ng bag at cellphone niya.


"I hold the door please come in," Lumapit siya sa akin at inalok ang kamay. Mabilis ko naman itong inabot, bahagya nang napapangiti dahil sa ginagawa niya.


"And just sit here for a while," Kinuha niya 'yong walis sa gilid ng small grey refrigerator ko. Ginawa niya 'yong mic, nakahawak pa rin ang isang kamay sa akin. "This is my way of telling you, I need you in my life."


Tumawa ako dahil feel na feel niya pa 'yong kanta. Kumalas nalang ako sa pagkakahawak sa kaniya at kinuha ang mga canvas sa baba ng higaan para i arranged ito sa may cabinet. Sunod ko namang inalis sa box ang mga damit ko para mailagay sila sa hanger. Puro mga retro dresses lang naman 'yon.


"I've been thinking 'bout you lately~" Hindi ko na mapigilan ang sariling sumabay sa chorus at kinuha ang paint brush sa gilid, ginawa na rin itong microphone. 


"Maybe you could save me from this crazy world we live in~" Lumapit kami ni Cy sa isa't-isa, sabay na kumakanta sa chorus, dinadama na para bang kami ang mga vocalists ng isang banda. "And I know we could happen, cause you know that I'll been feeling you~"


"I know you want me too~" Natapos 'yong kanta na hingal na hingal kami dahil sa pagsabay. Puro tawanan pa kami dahil para kaming mga baliw na may sariling stage.


But I can't deny that he has a good voice. Pwede nga siyang maging soloist or vocalist ng isang banda, e. Naaalala ko na naman si CJ sa kaniya. He loves too sing too, and has a good voice.

Rain of Nightmares (Medical Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें