25

480 32 10
                                    


"You're what?"


Napakurap ako, hinihintay siyang sumagot. Niluwagan ko ang pagkakahawak sa braso niya para matingnan siya ng maayos. Am I hearing it right?


"I'm jealous." Inulit niya nga! Napabusangot siyang tumingin kay LJ na parang batang inagawan ng candy. "I'm jealous of LJ."


Napaubo ako, hindi makapaniwala sa narinig. I know he's a bit off but I didn't know that he's this honest! Well, he's not Cy if he's not like this.


This demon's trademark's like becoming a childish demon.


"Hey are you okay?" Nabaling ang tingin niya sa akin, diretsong hinagod ang likod ko sa pag-aakalang nasamid ako sa sarili kong laway.


"Yes." I nodded, holding my chest. I just didn't see that coming. That shook me.


Napakamot si LJ sa batok niya, hindi na alam ang sasabihin. "U-Uh. I actually like someone but it's not her." Tinuro niya ako. "Issa is like my younger sister and believe me or not, dude, hindi ko ipagpapalit 'yong babaeng mahal ko kahit kanino."


"Sabi ko lang naman nagseselos ako. Hindi ko naman sinabing aagawin mo." Cy chuckled to ease the awkwardness. "As if naman papayag akong maagaw si Ste--"


"Ano na naman 'yan, Cyril Jan?!" 


Nagulat kaming lahat nang biglang tumama ang kamay ni Ynna sa batok ni Cy. Napalakas pa yata kaya medyo napadaing 'yong isa. Hindi naman siya nakailag dahil bigla nalang dumating si Ynna.


Nakasuot pa siya ng surgical uniform na sinapawan ng doctor's gown. Nakalugay 'yong buhok niyang hanggang dibdib na may kulot sa hulihan. Nakangiti niyang inasar si Cy kaya napailing nalang ako.


Babatukan sana siya pabalik ni Cy nang mahinto bigla 'yong gago. Dumapo ang tingin niya kay LJ at may kung ano siyang nakita dahil mabilis siyang umakbay sa akin, hinawakan pa 'yong kamay ko.


"Baby, kain tayo? Nagutom ako, e." Ngumiti siya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan.


Kunot-noo akong napatingin sa kaniya bago dumapo kay Ynna na hindi na halos mapakali. Napatingin din ako kay LJ na hindi na maipinta ang mukha dahil sa kung ano mang dahilan.


"We should invite the--"


"Tara na. Gutom na ako." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong madala sa pagkakahila palabas ng hospital dahil sa akbay niya. Mag-protesta pa sana ako pero hindi na nakapagsalita dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.


Nang makalabas kami, diretso ko siyang sinapak sa braso. "Ano bang problema mo?!"


"Ikaw, napakamanhid mo. Nagselos bigla si LJ sa akin dahil sa ginawa ni Nana!" Lumaki pa 'yong mata niya habang pinapagalitan ako.


Rain of Nightmares (Medical Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt