1

47.6K 835 140
                                    


IPINARADA ni Bobbie ang sasakyan sa parking area ng K. Esmeralda Building sa Pasong Tamo. Hindi alam ng kasintahang dadaan siya ngayon sa opisina nito at umaasa siyang naroon pa ito. 

Nag-beep ito sa kanya kanina habang nasa klase pa siya na hindi sila magkikita ngayon dahil may mga rash passport and travel tickets na inaapura at malamang na gagabihin.

Iginala niya ang paningin sa mga sasakyan sa parking lot ng ten-storey building at nagbaka-sakaling makita ang sasakyan ng nobyo. But that was foolish. Maraming sasakyan ang nakaparada roon at ano ang malay niya kung nasa basement naka-park ang kotse ni Derick.

Limang linggo na lang at graduation na. Tiniyak ng dean kanina sa kanya ang pagiging cum laude niya. Tuwang-tuwang itinawag niya iyon sa ina na isang propesora ng graduate studies sa isang kolehiyong pambabae. At ngayo'y nagmamadali siyang sabihin kay Derick ang magandang balitang iyon. At kung hindi ito makakapunta sa kanya mamayang gabi, malamang na bukas na sila magkikita at hindi siya makapaghintay.

Sinulyapan niya ang kaliwang daliri at napangiti siya. Kagabi lang ay ibinigay sa kanya ni Derick ang singsing na iyon na siya nilang engagement ring. He made it formal makalipas ang anim na buwan.

Ipinagpaalam siya nito sa mama niya kahapon ng gabi na kakain sila sa labas. Pumayag naman si Mrs. Fajardo pero may pahabol ito nang nasa kotse na sila.

"Be sure to come home before midnight, Cinderella," biro ni Mrs. Fajardo.Natawa siya. "Sure, 'Ma."

"Nagbibiro lang ba ang mama mo?" tanong ni Derick nang nasa daan na sila.

"Birong-totoo," nakangiting sagot niya. "Naging overprotective ang Mama sa akin mula nang mamatay ang Papa two years ago. Kung hindi nga marahil dahil sa akin ay baka hindi naka-recover ang mama, though hindi na siya humahawak ng manibela. "Magkasama sila sa sasakyan nang maaksidente, my mother survived."

"But you're almost twenty-one. Hindi ba dapat na independent ka na at hindi iyong tila batang hinihintay kung ano'ng oras ng pag-uwi?"

"I don't really mind, Derick," malambing niyang sabi na inihilig ang ulo sa balikat nito. Habang daan ay may kinuha si Derick sa glove compartment na munting kahita at iniabot sa kanya. "Para sa iyo."

"A-ano ito?" Magkahalong galak at kaba ang nasa dibdib. Hindi mahirap hulaan kung ano ang laman niyon.

"Buksan mo," nakangiting wika ng lalaki na bahagya lang lumingon at nag-concentrate sa pagda-drive.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon at agad na sinalubong siya ng kislap ng solitaire na nag-reflect sa ilaw ng sasakyan.

"Oh, it's beautiful, Derick."

"Natutuwa ako't nagustuhan mo ang engagement ring ko sa iyo, Bobbie," wika nito na kumislap ang mga mata.

"I–I like it, Derick, thank you..." nag-uumapaw sa galak ang dibdib niya habang nakatitig sa engagement ring.

"Here, let me put it on," ani Derick nang sandaling magpula ang traffic light sa intersection. Inabot ang kamay ng kasintahan at isinuot sa daliri nito. "There," wika nito nang maisuot na at saka binalikan ang manibela. "Bagay sa iyo."

She was smiling at his handsome profile. Matanda sa kanya nang labing-isang taon si Derick. Nakilala niya ito last summer nang mag-OJT siya sa mismong kompanya nito sa loob ng dalawang linggo. Manager si Derick ng Delgado Travel and Tours office na pag-aari ng isang socialite na si Mrs. Vivian Delgado. Sa loob ng dalawang linggo niya roon ay dalawang beses niya itong nakita at tuwina'y dumederetso sa private office ni Derick. Ni walang binabati ang babae sino man sa mga empleyado.

Si Derick ang epitome ng dream man niya. Neat and clean and sophisticated. Laging naka-long sleeves at slacks, kung hindi man nakabarong-Tagalog o nakaamerikana. And a perfect gentleman. Balewala sa kanya ang mga taong agwat nila. Isa iyong plus sa relasyon nila. 

Preferred niya ang older men, mature, at responsable. At isa pa sa naka-impress sa kanya ay hindi siya niligawan ni Derick sa opisina. Dinalaw siya mismo nito sa bahay nila at nakipagkilala sa mama niya. At hindi niya pinatagal ang panliligaw nito, bago natapos ang OJT period niya'y mag-boyfriend na sila. Bagaman sa office ay employee-employer relationship ang turingan nila.

"Saan mo ba gustong kumain tayo?" ang tanong niya nang tinatahak na nila ang kahabaan ng EDSA. Marami na silang dinaanang kilalang restaurant at nagtataka siya kung bakit nilampasan ng binata iyon.

"Sa apartment ko," lingon nito sa kanya. Nanghahalina ang ngiti. "Nagbilin ako sa maid ko kanina bago ako umalis na magluto."

Alanganing ngiti ang isinagot niya at sumandal. May bahagyang agam-agam sa dibdib. This is such a beautiful night at hindi niya gustong sirain. Minsan kasi'y nagyaya na roon si Derick at tumanggi siya. She's twenty-one at nagka-boyfriend na rin naman siya. She only stopped entertaining suitors nang mamatay ang papa niya. Hindi niya gustong isipin ng ina na nag-iisip na siya ng seryosong relasyon dahil baka maisip nitong mag-aasawa na siya. At nang magpakita ng seryosong intensiyon si Derick ay napatunayan niyang balewala ang mga iniisip niya dahil open pa ang mama niya sa panunukso sa kanya rito.

At ngayon sa ikalawang pagkakataon ay nagyaya si Derick sa apartment nito. Hindi niya kayang isiping magagalit ito sa kanya.

"Here we are," nakatawang wika nito. Lumabas ito ng kotse at umikot sa tabi niya. Binuksan ang pinto at inakay siya palabas.

Ipinasok nito ang susi sa pinto ng apartment at nang mabuksan ay kinapa ang switch ng ilaw. Hinila siya nito papasok sa loob.

"Feel at home, honey. Mi casa y su casa. Ayon sa mga Espanyol." pinaupo siya at lumakad ito patungo sa adjacent dining room at mula sa ref ay may kinuhang champagne. "Sweet wine for a sweet lady." bahagya pa nitong ikiniling ang ulo at inabot sa cupboard ang mga kristal at binitbit pabalik sa sala.

Nagsalin at ibinigay ang isa sa kanya. Naupo sa tabi niya at inakbayan siya. "Why are you so stiff, Bobbie?" malambing nitong sabi at saka hinagkan siya sa leeg.

Tumikhim ang dalaga. "N-nasaan ang maid mo?"

"Hindi stay-in si Manang Linda. Bukas na uli ng umaga ang balik niyon." Inisang lagok nito ang laman ng baso at inilapag sa mesa. "C'mon, huwag mong pag-initin sa kamay mo ang champagne. Sip it." Itinaas nito ang kamay niya patungo sa bibig. She was forced to sip a little. "There's my girl... hmnn..." niyakap siya at ipinaharap dito at hinagkan sa mga labi.

Nagpaubaya ang dalaga and obligingly responded. Lumalim ang halik ni Derick and she could hear his ragged breathing. Pagkatapos ay naramdaman niyang bumaba ang kamay nito sa dibdib niya. Still, nagpaubaya siya. Nang dumako ang kamay nito sa likod niya at gagapin ang zipper ng damit niya'y kumawala ang dalaga.

"Derick..." wika niya na hinabol ang paghinga. "Please, baka kung saan umabot ang ginagawa nating ito..."

"And what's wrong with it? Mahal natin ang isa't isa. We're engaged and soon we will be married."

"If it is that soon, walang dahilan para hindi tayo makapaghintay, 'di ba?" lohiko niyang sagot sa marahan subalit determinadong tinig.

Huminga nang malalim ang binata at muling nagsalin ng alak. "Hindi ka ganoon ka-old-fashioned, Bobbie. I can see that—"

"Yes," agap niya. "Pero may mga bagay akong pinaniniwalaan na ang sex ay ginagawa lamang ng mag-asawa."

Mula sa isip niya'y lumitaw ang sinabi ng ina: "Being pure on your wedding day is what makes wedding night worth remembering by, Bobbie."

"I hope you understand, Derick..." nakikiusap ang tinig niya.

Tumango ang lalaki kasabay ng malalim na buntong-hininga. "Of course," at sapilitang tumawa ito at tumayo. "Let's see kung ano ang niluto ng maid ko," pagkatapos ay niyuko siya. "Wanna help?"

"Sure." gumanti siya ng ngiti at tumayo. Bagaman alam niyang naging iba ang atmospera ay nagpapasalamat na naging maunawain ang nobyo.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon