2

20.8K 679 43
                                    


ALAS-sAis na at wala nang gaanong tao sa building. Nag-uwian na marahil ang ibang empleyado. May anim na tao ang lumabas sa elevator mula sa itaas at mag-isa lang siyang pumasok. Wala na rin ang elevator boy. Diniinan niya ang buton ng fifth floor. Naroon ang Delgado Travel and Tours International.

Bumukas ang elevator sa fifth floor. May sumakay na dalawang empleyado ng ibang opisina paglabas niya. Halos deserted na ang pasilyo. Lumakad siya patungo sa opisina. Nakahinga nang maluwag nang makitang may ilaw pa. Naroon pa marahil ang nobyo at nagtatrabaho kasama ang sekretarya nitong si Myleen.

Itinulak niya ang pinto. Bukas. Bakante na ang mga mesa ng mga empleyado. Nag-uwian na marahil. Lumakad siya patungo sa mesa ni Myleen na nasa tabi ng pinto ng pribadong silid ni Derick. Malinis na ito. Ibig sabihin ay umuwi na rin ang babae. Derick must be working alone.

She smiled. Gusto niyang sorpresahin ang binata. Dahan-dahang pinihit niya ang pinto at unti-unting iniawang at pagkatapos ay bahagyang sumilip.

Subalit siya ang nasorpresa sa halip.

Si Derick, nasa ibabaw ng executive desk nito and on top of someone na hindi niya makilala dahil natatakpan ng lalaki ang katawan at mukha ng babae. Parehong nasa carpet ang damit ng mga ito. Kung hindi marahil abala ang dalawa sa paghingal at pagpapalitan ng obscenities sa isa't isa ay baka narinig ng mga ito ang malakas niyang pagsinghap.

Namanhid ang buong katawan niya sa nakita. Hindi niya matandaan kung paano niya naisara ang pinto. Ang alam niya'y patakbo siyang lumabas ng opisina na kung hindi siya naka-rubber shoes ay baka gumawa ng ingay.

She didn't know she literally stopped breathing dahil halos habulin niya ang paghinga paglabas niya ng opisina. Ilang sandali muna siyang sumandal sa dingding sa pasilyo na tila galing sa isang nakakahapong pagtakbo.

Nang isang empleyado ang lumabas mula sa ibang opisina ay saka pa lang siya tila natauhan. Nasa mga mata nito ang kuryosidad sa pagkakatingin sa kanya. Lumakad siya patungo sa elevator kasunod ito. Nang bumukas ang elevator ay sumakay siya. Bahagya pang nagtaka kung bakit hindi sumakay ang empleyado gayong nag-iisa siya sa elevator.

Isinandal niya ang sarili sa elevator wall subalit tila siya nauupos na kandila at naupo sa sahig. Gusto niyang umiyak pero walang luhang gustong sumungaw. Nang bumukas ang elevator ay agad siyang tumayo at wala sa loob na lumabas. Ilang hakbang ang ginawa nang matantong wala siya sa ground floor. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan at hinabol ang elevator subalit nagsara na ito.

Nilinga niya ang paligid and groaned aloud nang matantong nasa tenth floor siya. Sa katapat na pinto ilang hakbang mula sa elevator ay ang logo ng opisina ng may-ari ng building. K. Esmeralda & Co.

Papanhik ang elevator kaya marahil hindi sumakay ang empleyadong kasabay. Marahas ang ginawa niyang diin sa mga buton upang muling pumanhik ang elevator subalit tila tukso na humihinto ito sa bawat floor pababa.

Sama ng loob, shock, at galit ay sama-samang nasa dibdib ng dalaga.

"Damn!" malakas niyang usal at sinipa ang pinto ng elevator. "Damn all men to hell!"

"You're singing a lonely song, sweetheart, that I want to cry along." isang amused na tinig ang narinig niya mula sa likuran. "Who broke your heart?" dugtong nito.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon