7

19.1K 644 61
                                    


"HINDI ko alam na may itinatago ka sa silid mo, Romano."

Agad na lumingon si Bobbie na hindi pa halos nagbabalik sa huwisyo ang isip. Gusto niyang magalit sa sinabi ng lalaki. But what she saw really took the breath out of her again. Nakatayo ang lalaki sa nakabukas na pinto at kaswal na nakasandal sa hamba nito.

So disconcertingly male. Ang kulay at anyo, tila iyong mga Indian sa sine. Romano is tall but this one is taller, six feet two. Big too. In crew cut hair. She finds Michael Jordan attractive but her favorite NBA player is nothing compared to this man.

His face hard and cruel, like unpolished granite. His smile cynical, but his eyes, though bitter, hid tenderness. At hindi marahil kasingguwapo ni Romano but this big man is devastatingly attractive. At natitiyak niyang hindi ito Pilipino.

"Meet my cousin, Aidan," pakilala ni Romano. "Aidan, this is Bobbie."

"Pleased to meet you, Bobbie." Aidan gave her a friendly faint smile at nakalimutan na niyang hindi niya gusto ang sinabi nitong itinatago siya ni Romano sa silid.

She opened her mouth to speak nang mula sa loob ng silid ay lumabas si Lenny. "What's the commotion, guys?"

"And that's another of my cousin extraordinaire, Lenny," patuloy ni Romano. "This is Bobbie."

Umangat ang kilay ni Lenny. Pinaglipat-lipat ang tingin kay Romano at sa kanya, then shrugged his shoulders and smiled at her.

"How do you do, Bobbie?"

She was speechless. This one's younger, as tall as Romano only this one is dark. Very handsome. Kung naisip niyang hindi nagpapagupit si Romano'y lalo na ang isang ito na umabot na sa batok ang buhok. With ebony eyes. And she didn't think there's a woman who can resist that smile.

Gusto niyang kurutin ang sarili at baka nananaginip lang. She must be in mythical Olympus and now had the chance of meeting the gods. She was staring at the three so-good-looking men, sa magkakaibang paraan.

Yumuko si Romano nang makita ang admiration sa mukha niya at bumulong. "Forget them. You're mine."

"Go to hell!" ganting-bulong niya subalit ang buka ng bibig at ang apoy sa mga mata niya'y sapat na upang matawa si Lenny. Si Aidan ay ngingiti-ngiti lang.

"She wasn't taken by your charm, Romano." Si Lenny, still smiling.

"Nice meeting you, guys," aniya at isinara na ang pinto.

"WHO was that sexy little thing? Cameron Diaz?" Si Aidan na isinara na rin ang pinto sa silid nila nang pumasok si Romano.

"Sinabi ko na ang pangalan niya, 'di ba?" sagot ni Romano at pabagsak na humiga sa kama ni Lenny, iniunan ang mga braso.

Si Lenny ay nagbukas ng personal ref at kumuha ng canned beer. Initsa ang isa kay Aidan na sinalo nito sa isang kamay.

"Plain Bobbie," patuloy ni Lenny, popping up the canned beer. "Malayo siya sa tipo mong babae, pinsan. Not a raving beauty na siyang trademark mo but got a nice butt. Sexier than that of Cameron Diaz." Nanunukso ang ngiti nito.

"She must be Jade's friend. She's using my twin's personalized gift certificate." pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Would you believe, napagkamalan niya akong maintenance man." tumawa ang binata at ikinuwento ang unang pagkakita nito kay Bobbie sa Manila at kanina sa restaurant.

"She wasn't taken by your charm when she thought you're a building maintenance man. At nang malaman niya kung sino ka, may nabago ba?"

Nakangising umiling si Romano. Hindi niya gustong sabihin sa mga pinsan kung paano siya nakita nitong hubo't hubad. "And I'm warning you, guys. I saw her first, so back off."

"Huh!" si Aidan na tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Ang akala ko ba'y ang isa para sa lahat at ang lahat para sa isa." Lihim nitong kinindatan si Lenny na ngingiti-ngiti at nagdududang pinagmamasdan ang pinsan na nakatitig sa kisame. "Wait till the gangs are all here and give her the chance to choose. Bukas pa ang dating ni Anton." ang tinutukoy nito'y ang anak ni Nathaniel at Jasmin na darating bukas galing Texas para sa anibersaryo ng kasal nina Nathaniel at Jasmin.

"Not this time," wika ni Romano sa pormal na tono.

"Meaning gusto mong solohin ang babaeng iyon?" Si Lenny uli. Nakatago ang ngiti sa mga labi.

"Her name's 'Bobbie,' call her that," nairitang wika niya sa paggamit ni Lenny ng babaeng iyon.

"And you're... serious with her?" tantiya ni Aidan na pailalim na tinititigan si Romano habang umiinom ng beer.

Hindi gustong sagutin ni Romano iyon pero alam niyang nakatinging pareho ang mga pinsan at naghihintay ng sagot niya.

"The usual," he said unemotionally. "A casual affair."

Pumuno sa silid na iyon ang tawa ni Lenny at itinaas ang kamay kay Aidan para sa high-five. Iiling-iling si Aidan na tinanggap ang kamay ng kapatid.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon