6

21.7K 693 126
                                    

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Romano nang mula sa rooftop ay may hindi sinasadyang matanawan sa ibaba patungo sa pantalan.

"Sino ang tinitingnan mo diyan?" si Lenny na nahinto sa pagbaba ng hagdan at nagtaka sa pagkakadikit ng mga kilay niya. Si Aidan ay tuloy-tuloy.

"A familiar sexy walk," he said thoughtfully at inalis na ang tingin sa nakita at sumunod sa pinsan.

"Ang linaw ng mga mata mo pagdating sa magagandang babae," naiiling na usal ni Lenny.

"Look who's talking!" natatawang sigaw ni Romano.

Pagdating sa fourth floor ay pumasok si Lenny sa silid nila ni Aidan. Si Romano ay sa silid niya. Pagkapasok ay basta na lang inihagis sa couch ang knapsack at muling lumabas.

BAHAGYANG naghabol ang hininga ni Bobbie nang makarating sa Kristine by the Sea sa tuktok ng talampas. Nangingiting nilingon ang pababang hagdang bato. Hindi biro ang pumanhik. 

Kung may phobia ka sa height ay baka matakot ka pero sulit naman dahil sa excitement.

May mga nabububungang mesang kahoy at log chairs sa tabi ng talampas na nahaharangan ng adobeng pader. At bagaman hantad sa araw ay hindi mainit dahil sa naglalakihang mga puno sa may gilid ng cliff na siyang kumakanlong sa araw.

Humawak siya sa may pader at tinanaw ang ibaba ng dagat. Bahagya pa siyang nalula. Kay tarik at matatalim ang mga bato sa ibaba. Nagngangalit ang mga along humahampas sa batuhan. Napahugot siya ng paghinga at umatras. Inayos ang buhok na nililipad ng malakas na hangin. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga mesang kainan at ipinasyang sa loob ng restaurant kumain.

Sinalubong siya ng isang waiter at nginitian. Iginiya siya papasok. Ang main restaurant ay parang old Spanish house ang istraktura or it could have been. Bukas ang paligid ng restaurant bagaman may mga sliding window na yari sa capiz. Marahil upang kung umulan ay hindi aabutan ng anggi ang mga kumakain.

Sa pinakagitna ng restaurant ay isang mahabang mesa at nakalatag doon ang mga pagkain. All seafood. Mula sa malalaking ulang hanggang sa hipon at pusit. Itinuro niya sa waiter ang gusto at bumalik na siya sa mesang napili.

Ang mga mesa ay yari sa solidong kahoy. Ang mga silya ay tila logs na nilagyan ng armrests for comfort. Walang kuryente dahil bukod sa wala siyang nakikitang kawad mula sa hotel ay may mga nakasabit na malalaking coleman sa pinakagitna ng bawat mesa.

Dahil nasa tabing-bintana ang mesang pinili niya'y kitang-kita ng dalaga ang kabuuan ng karagatan. Ang mga seagull sa himpapawid, ang maliliit na mga bangka na marahil ay mga native sa lugar na iyon. At sa likurang bahagi naman ng restaurant ay ang malalaking puno at gubat. She wondered where it lead kung papasukin niya ang gubat.

She was fascinated by the whole place. She took her time eating at pinagsawa ang sarili sa panonood sa kagandahan ng paligid nang isang tinig ang gumulantang sa kanya.

"We've met again, sweetheart."

Napatingala siya and for the second time she was looking up into those mocking brown eyes. Sa katanghaliang tapat, napagtanto niyang light brown ang kulay ng mga mata nito. Spanish mestizo.

"Ikaw!"

Ngumisi ang binata. "Hindi ko madesisyunan kung ano ang aking iisipin. Ako ba ang sumunod sa iyo dito o inunahan mo ako sa pagdating..." hinila nito ang silya sa tapat niya at naupo. "Pero mas makatwirang isiping inunahan mo ako dahil hindi ko naman alam na pupunta ka rito..."

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" naiirita niyang sabi, at sinikap balewalain ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso sa pagkakita rito uli. "At sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang maupo diyan?"

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon