14

18.8K 580 59
                                    


INIABOT ng binata ang isang helmet sa kanya. "First time?"

Alanganin ang tango niya. "Do you think it's wise na diyan tayo sumakay? Gamitin natin ang kotse ko, Romano."

"I'm a good driver, sweetheart," paniniyak ng binata at isinuot ang sariling helmet. "And this is a good bike."

"I'm sure it is," duda niyang sagot at iniangkas ang sarili sa likod ng malaking Harley Davidson.

"Iyakap mo ang mga braso mo sa akin nang mahigpit and it's gonna be alright," lingon nito sa kanya. At hindi man sabihin ay alam niyang nanunukso ito dahil naiilang siyang iyakap ang mga braso niya sa baywang ng binata.

Nang paandarin nito ang motorsiklo ay tumindi ang takot na nadarama ng dalaga. Hindi matiyak kung tamang sumama siya sa lalaking ito at sa ibabaw pa ng motorsiklo.

Inikot ni Romano ang motorsiklo at pinatakbo. Napalunok siya at yumakap nang mahigpit. Mabilis ang takbo subalit maingat. Pero kinakabahan pa rin siya. Kung gaano kamapanganib ang lalaking ito'y may palagay siyang ganoon din ang motorbike. May pakiramdam siyang si Romano at ang bike ay iisa. Ipinikit niya ang mga mata at yumakap dito nang mahigpit, ang pisngi'y idinikit sa likod ng binata. Feeling him.

Hindi nagtagal ay nasa K. Esmeralda Building na sila. Iilan lang ang sasakyang nakaparada sa parking lot dahil karamihan sa mga opisinang umookupa sa building ay walang pasok.

Bumaba siya ng motorsiklo. Tinulungan siya ni Romano na tanggalin ang helmet sa ulo niya.

"I wished we have far to go," tukso nito. "I like the feel of your arms wrapped around me and your breast on my back. I only wish you were riding me instead of my bike..."

"Romano!" saway niya. Hindi gustong aminin sa isip na kung ano-anong sensual na bagay ang naiisip niya kanina habang nakaangkas siya sa likod.

Tumawa ang binata. Matapos itayo ang bike ay hinawakan siya sa kamay at dinala sa loob ng building at pumasok sa elevator. Pinindot nito ang P para sa penthouse at close. Pagkasara ng elevator ay hinapit siya ni Romano mula sa likod.

"Matagal ang pagpanhik hanggang penthouse, let's keep ourselves busy," at saka hinagkan nito ang batok niya.

Banayad ang ginawang pagsinghap ni Bobbie kasabay ng pagpikit ng mga mata. Ang mga kamay niya'y mabuway na inaalis ang mga braso ng binatang nakapulupot sa kanya.

"Romano, please..."

"Stop struggling half heartedly," matabang nitong tudyo. "Gusto lang kitang yakapin. Malamig sa loob ng elevator."

Nairita siya dahil alam ni Romano na naapektuhan siya sa mga ginagawa nito. Gusto niyang kumawalang tuluyan sa pagkakayapos nito mula sa likod ngunit aminin man niya o hindi, masarap makulong sa mga bisig nito.

Pagbukas ng elevator ay kumawala siya at naunang lumabas. Sinalubong siya ng malakas na hangin na napahinto siya sa paghakbang. Open air ang paligid maliban na lang sa tila apartment na nakatayo sa gitna ng building. At naririnig niya ang hindi kalakasang musika mula sa loob. Neil Diamond's It's a matter of Love.

Hinawakan siya ni Romano sa siko. "Halika sa loob." Inakay siya nito patungo sa nakabukas na pinto. Natuon sa kanila ang ilang pares na mga mata. "Hi, guys."

"Hello..." halos sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Pumasok sila sa loob. Dalawa sa mga naroon ay kilala niya. Si Aidan at Lenny. Pero ang tatlong babae at isang lalaki ay noon lang niya nakita.

"Kilala mo na si Lenny at Aidan, 'di ba?" ani Romano sa kanya.

"Hello, again." si Lenny na nginitian siya. Ganoon din si Aidan na sumaludo. Gumanti siya ng ngiti sa mga ito.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon