3

21.3K 644 61
                                    


MARAHAS ang paglingon ni Bobbie. She was too angry at hindi niya namalayang may ibang tao sa paligid. She found herself looking up into a pair of mocking eyes na hantaran ang ginagawang pagsusuri sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik. Nakasandal ito sa nakasarang pinto ng pribadong opisina ng Building Administrator. Nasa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.

Matalim ang tinging itinuon niya sa lalaki subalit ni hindi ito natigatig. He was surveying her lazily na tila ba may karapatan itong gawin iyon. In black leather jacket. Nakabukas ang jacket at sa ilalim ay isang puting kamiseta at nakaimprenta roon ang logo ng K. Esmeralda Building. Must be one of the maintenance men ng building o supervisor kaya.

Hindi niya matiyak kung undersize ang sport shirt, nabanat ito nang husto showing obvious muscled chest. Nakapailalim sa hindi nasisinturunang maong na marahil sawang-sawa na sa kaiikot sa washing machine o kakukuskos sa batya. A maintenance man, she decided.

Must be about twenty-two or twenty-three. Tall and fair. The way he stood there, he obviously thought he was the gods gift to women. Oh, well... hindi dahil wala itong karapatang mag-isip nang ganoon. Kind of attractive kung type mo ang mga ganitong uri ng lalaki. Rugged and rough looking. At walang pakialam kung hindi nakaayos ang buhok na nakaligtaan yatang dumaan sa barber shop. O parlor, dahil doon na rin nagpapagupit ang mga kalalakihan ngayon.

May palagay siyang lalo lang nagpa-amuse sa lalaki ang ginawa niyang pagsuri dito. Hindi na nito itinago ang nakakalokong ngiti.

"Ano ang nangyari, sweetheart?" tanong nito. "Pinagtaksilan ka ba ng boyfriend mo? I'll tell you what—" kunwa'y nag-isip ito bago: "Iwanan mo ang lover mo at ako ang ipalit mo sa halip. We'll sure have a good time together."

She had to give him ten out of ten sa lakas mang-asar. Whyever not. Ang mga ganitong uri ng mga empleyado'y talagang bastos ang karamihan. Walang finesse. Kapag nakakita ng babae'y sisipulan at iinisin. At ang kahuli-hulihang nasa isip niya ngayo'y ang makipaghuntahan sa isang antipatikong building man.

Gaano man kaguwapo.

Hindi niya type ang ganitong uri ng lalaki. Presko, rough, sobra ang tiwala sa sarili, maloko. Name it.

Isang matalim at malamig na tingin ang isinagot niya. Tumalikod at muling diniinan ang elevator. Alam niyang nakasunod ng tingin ang lalaki sa kanya. Nararamdaman niya ang mga titig nito sa kanyang likod. At sa pagkakatitig nito'y para bang wala siyang suot. Muli niyang pabagsak na diniinan ang up-button.

Banayad na tumawa ang lalaki. "Don't rush. We can talk."

Hindi siya sumagot. Muling diniinan ang buton.

"Hey, pipi ka ba or just plain snob?" wika uli nito.

"Hindi ako nakikipag-usap sa mga estranghero."

"I'm Romano."

Who cares, ang isip niya. Damn elevator.

"What have you got against me?" Unti-unting humakbang si Romano patungo sa kanya habang nagsasalita. "Pustahan tayo, mas guwapo ako kaysa sa boyfriend mo. Wala akong bad breath... kompleto iyan at—" he gave a broad smile and showed hard white teeth.

"Wala akong pakialam sa mga katangian mo," agap niya sa nagyeyelong tinig. "And can't you recognize dismissal when you heard one?" Inikot niya ang mga mata sa paligid.

Sila lang yata ang tao sa palapag na iyon. Kung anuman ang balak gawin ng lalaki sa kanya'y wala siyang magagawa at walang makakarinig sa kanya. At hindi imposible iyon. At pagkatapos ay baka hatakin siya nito sa rooftop at saka ihulog para malinis. A would be perfect crime.

Ang inis sa mukha'y nahalinhan ng takot sa morbid thoughts niya.

Nahalata yata ng binata ang pag-aalala sa mukha niya'y humakbang paatras ito.

"Relax. You don't think I'll rape you here, do you?"

"N-no, of course." bahagya siyang nautal. Ibinaling uli ang atensiyon sa elevator. "Please, pumanhik ka na."

Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang lift. Mabilis siyang pumasok at agad na pinindot ang ground floor at close subalit pinigilan ni Romano ang pinto at sumunod sa kanya. Isiniksik niya ang sarili sa sulok sa tabi ng pinto. Mula sa ilalim ng mga mata niya'y nakikita niya ang pagtitig nito sa kanya. Nakadama siya ng matinding self-consciousness sa pailalim nitong tingin.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang muli niya itong sulyapan. Sa liwanag na nanggagaling sa ilaw sa elevator ay napagmasdan niya nang husto ang lalaki and she thought he looked familiar. Ipinagkibit niya iyon. Siyempre sa building na iyon nagtatrabaho ang lalaki at tiyak na nakikita niya iyon doon sa panahong nag-OJT siya. Hindi nga lang niya marahil napag-uukulan ng pansin.

Nang muling bumukas ang elevator ay nagmadali siyang lumabas at alam niyang kasunod niya si Romano. Nagulat pa siya nang sabayan siya sandali at bulungan.

"Think about my proposition, sweetheart," wika nito nang sumara ang elevator. Sinuyod siya ng tingin sa loob ng maliwanag na elevator. "Ditch your lover and take me up instead. I'll stay for a couple of days more."

"Yeah, tapos na ang kontrata mo sa agency."

May dinukot ito sa bulsa ng jacket at iniabot sa kanya. "Here's my card kung hindi mo ako makita rito. You see, I can be a very faithful boyfriend," muling bulong nito.

Isang palsipikadong ngiti ang ibinigay niya rito at inabot ang card. At pagkatapos ay binitiwan din sa mismong harap ni Romano at saka tumalikod. Inaasahan niyang magagalit ito kaya binilisan niya ang lakad patungo sa parking lot. Kung sabagay, ano ang magagawa nito sa kanya sa harap ng mga security guard at mga tao. Nakakailang hakbang na siya nang magkalakas-loob na lumingon. Nakasunod ito ng tingin sa kanya, naka-freeze sa mga labi ang nakakalokong ngiti at saka nag-salute.

Nagpupuyos ang dibdib ni Bobbie sa inis na ibinalik ang tingin sa parking. This is just her lucky day! Ang makatagpo ng lalaking walang magawa.

At matuklasan ang kataksilan ni Derick!

Kataksilang naganap wala pang beinte-kuwatro oras mula nang ibigay sa kanya ang engagement ring nila.

Sukat doon ay muling nagbalik sa dibdib ang matinding sama ng loob dito. If only she could cry para gumaan ang dibdib niya. Pero anumang pilit niyang maiyak ay walang luhang tumulo. Mas higit ang galit sa dibdib niya.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon