17

18.7K 648 47
                                    

MATAGAL nang tapos ang awitin ay nanatiling nakaupo sa stool si Romano at nakatingin sa kanya.

Tumikhim si Bobbie. "N-naninibago ako sa iyo..."

"I'm leaving, Bobbie..."

Nagdikit ang mga kilay niya. "L-leave where?"

"Texas."

"W–when..." hindi niya makontrol ang panginginig ng tinig. Parang may biglang dumagan sa dibdib niya.

"Tomorrow," sagot nito at muling sinimsim ang alak. "Hindi natuloy noong isang linggo ang mga pinsan ko. Sabay-sabay kami sa makalawa."

"Why so sudden?" She felt like bursting into tears. Dinala sa bibig ang kopita ng alak. Pagkatapos ay muling ibinaba. "P-papasok ka rin ba sa marines? O sa SEAL?"

Umiling siya. "Maghihisterya ang mommy. Pero kailangang ipagpatuloy ko ang master studies ko. Dad will retire a couple of years from now. Inihahanda niya ako para palitan ang pamamahala sa Kristine Steel."

Lumakad ito patungo sa dalaga. Naupo sa tabi niya.

"Hey." iniharap nito ang mukha niya. "I like to see your eyes sparkle pero hindi dahil may pinipigil kang luha."

Hindi siya makapagsalita. Sumasakit ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak. Kinabig siya ni Romano sa dibdib nito.

"I–I'll... miss you," she choked on her tears.

Hinagkan ng binata ang ibabaw ng ulo niya and whispered, "Me, too." Muli nitong itinaas ang mukha ni Bobbie and kissed her lips.

She kissed him back... with so much longing and passion. Hungrily kissing him as he kissed her. Tasting the sweetness of each other's lips. Then he pulled back.

"Hey... hey..." inilayo siya nito nang bahagya. "Ano ang ibig sabihin niyan?"

"A-ano ba ang dahilan kaya mo ako dinala dito?"

Hindi ito sumagot. Inihilig ang sarili sa sandalan at isinubsob siya sa dibdib nito. "Alam mo ang sagot doon," bulong nito. Sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya. "Pero hindi kita gustong dayain, Bobbie. Hindi ko mapapanagutan kung anuman ang mangyayari sa atin ngayon. Bukas ay hindi mo na ako makikita." Niyuko siya sandali nito and caressed her cheek softly. "I have responsibilities with my parents and with the company. I couldn't turn my back. I was made to realize that it was my legacy from Don Leon, my great grandfather. I couldn't fail... my cousins couldn't fail either..."

She was trying hard not to sob by biting her lip. Why is fate so unfair? Bakit kailangang matutuhan niyang mahalin si Romano at mawala rin lang?

"Besides," patuloy nito. "You won't give yourself to me the way I want it, Bobbie. Mayroon pa ring tiyak na reservations and there would be regrets later. Hindi ganoon kadali isinasantabi ang matinding paniniwala at pagpapahalaga sa sarili. And lord, I really admire you for that. At hindi ko gustong dalhin sa dibdib ko ang alalahaning kasusuklaman mo ang sarili mo dahil sa akin..."

She swallowed painfully. "Bakit kung gayon nagpunta tayo rito?"

"I want to hold you for a couple of hours." His voice in a husky whisper. "And talk... and get to know each other. And like the song... who knows when we'll meet again this way."

SA loob ng mahigit na dalawang oras ay naroon lang sila. Nag-uusap ng mga walang kakuwenta-kuwentang bagay tungkol sa isa't isa. They kissed. They touched. Pero hanggang doon lang. Nagbibiro at nanunudyo si Romano. Natatawa, naiinis at umiiyak siya.

Marahil ay nasisiraan na siya ng bait. Hindi niya kayang paniwalaang ganoon lang kadaling mahalin si Romano at mawala rin nang higit na mabilis. At kahit gusto niyang sabihin ditong mahal niya ito'y wala rin namang silbi. Ni hindi rin niya naririnig iyon mula sa bibig ng binata.

Romano was just honest. Damn honest.


ALAS-ONSE na nang ihatid siya nito sa kanila.

"Good-bye, Bobbie," bulong nito at pinisil ang palad niya. Pulled her and kissed her softly. "I'll write...through internet. And if you want to see me, go to my Dad's office. There's a videophone there where we can both see each other thru the audio-visual system. I will leave instructions."She sniffed at huminga nang malalim mula sa bibig. Nagbabara ang ilong niya. "Good-bye, Romano..."

Lumabas siya ng kotse at nasa itaas na siya ng driveway nang muli siya nitong tawagin.

"Do you want me to see me off tomorrow?" tanong nito.

"Yes!"

May iniabot ito sa kanya. "Show this to anyone at NAIA, papapasukin ka nila sa loob hanggang sa tarmac. We'll be there."

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pass na iyon. At hindi umalis sa driveway hanggang sa mawala sa tingin niya ang kotse ng binata.

Pinagbuksan siya ni Mrs. Fajardo. "Ginabi na kayo, hija..." nagdududang sabi nito.

She smiled faintly. "I'm okay, 'Ma. Nag-usap lang kami."

"Natitiyak mo?"

Suminghot siya at yumakap sa ina. "Aalis siya bukas patungong Amerika, 'Ma."

"It has ended just like that..." banayad na wika ng matandang babae. "Go on living, Roberta Lou. Life isn't a bed of roses... and speaking of roses, pumanhik ka sa silid mo at naroon ang regalo sa iyo ni Romano."

Tumango siya at kumawala sa ina. Pinahid ng palad ang luha. Ni hindi siya umiyak nang mawala si Derick na sa buong pinagsamahan niya'y walang ginawa kundi ang tiyakin sa kanyang mahal siya nito at pakakasalan.

Si Romano na sa buong panahong pagkakilala niya rito'y wala ring sinabi kundi ang makatalik siya. And yet, here she is, like the song... just like a willow we would cry an ocean when love was lost and sweet devotion...

Tinakbo niya ang hagdan, hindi niya gustong humagulhol na naririnig ng ina. Binuksan ang silid upang mapako lamang sa may pinto dahil wala siyang madaanan.

The whole room is filled with roses! Iba't ibang kulay ng rosas. Crimson... yellow... white... pink...orange... name it. Thousands of roses! From ceiling to floor... from wall to wall!

"Oh, Romano... Romano..."

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon