11

19.1K 659 102
                                    


KRISTINE steel. Ang kompanya ay nasa loob ng isang humigit-kumulang isang ektarya at kalahating lupain na nababakuran ng matataas na pader. A typical steel company. At nasa isang bayan sa Bulacan.

Ibinigay niya ang student ID niya sa security guard at matapos siyang bigyan ng visitor's pass ay pinapasok na ang kotse niya. Bumungad sa kanya ang isang malawak at kongkretong pavement. 

May mangilan-ngilang forklift siyang nakikita na gumagala. Limang daang metro mula sa gate ay isang two-storey building. Must be the office dahil may mga nakaparadang sasakyan sa parking lot sa di-kalayuan dito. At isandaang metro pa uli mula sa gate ay isang metal covered one-storey building. Napakalaki. Iyon ang itinuro ng guwardiya na foundry at doon siya pupunta. Ilang delivery trucks ang naroon. Ang iba'y puno ng bakal ang likuran.

Dahan-dahang umuusad ang sasakyan niya patungo roon. Ibinaba niya ang salamin. She saw some uniformed male employees. Mga nakakamiseta ng navy blue at may tatak na Kristine Steel. May mga grasa ang maong. Some curious eyes darted her way.

Ipinarada niya ang kotse sa parking at bumaba. Hindi pa niya naisasara ang pinto ng kotse niya'y natanawan na niya ang parating na kotseng itim. Mabilis ang takbo nito na tila nasa racing track at sa isang iglap ay iniliko na nagpagiik sa mga tire sa semento.

At presto! Eksakto sa parking space, walang labis-walang kulang. BMW, midnight black. Nagbukas ang pinto at lumabas ang isang malaking lalaki.Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya. "Have we met before?"

"Y-you're A-Aidan?" nauutal niyang sabi. Kinakabahan. Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito?

"O, yes!" Aidan snapped his fingers. "Ikaw iyong ipinakilala sa amin ni Romano noong gabing dumating kami sa hotel. Bobbie, right?"

Tumango siya. "I'm—working on my research at ito ang kompanyang ibinigay ng professor ko. Kararating ko lang."

Makahulugang hinagod ng tingin ni Aidan ang dalaga. Naka-denims na hapit at body fitting knitted blouse na halos mag-ugpong lang sa waistline ng jeans nito. Very sexy.

"Magkakagulo sa foundry..."

"What?" aniya.

Aidan smiled faintly. "Sino ang kausap mo dito?"

Dinukot niya sa shoulder bag ang card. "A certain Mr. Piñon. I was told he is the Foundry Supervisor."

"He was."

Nangunot ang noo ng dalaga. "Was?"

"He retired a year ago. Puwede mong kausapin ang humalili sa kanya. Come, sasamahan kita." Humakbang ito patungo sa building.

"May note ako rito mula sa professor ko," habol niya dahil hindi makaagapay sa malalaking hakbang ng lalaki. "It's for Mr. Piñon, do you think—"

"You won't be needing that," agap ni Aidan na amused na niyuko siya. "Students are welcome here always."

"W-what are you doing here, anyway?"

"I work here."

"You work here?" hindi makapaniwalang bulalas niya. This man's Romano's cousin. Equally rich.

"Here we are," ani Aidan na hindi pinansin ang pagkamangha niya. "Hey, buddy!" malakas nitong tawag sa isang lalaking nakatalikod kasama ng ilang empleyado. Pare-pareho ang suot na mga kamiseta. Navy blue na may logo ng kompanya at maong. "May naghahanap sa iyo."

Lumingon ang tinawag. At napahugot ng paghinga si Bobbie. "Romano?"

"We meet again, sweetheart," nakangising wika nito na nag-alis ng guwantes na maong.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon