18

33.1K 819 307
                                    


"STILL awake, Romano?" si Emerald na nababaan ang anak sa music room, nakahiga sa couch at nakatitig sa kisame.

"Hindi ako makatulog, Mommy..."

Naupo si Emerald sa katapat na sofa. "Pag-alis mo ba bukas ay maiiwan mo ang puso mo?"Napangiti siya roon. "Napakalalim naman yatang Tagalog niyan, Mom."

Gumanti ng ngiti si Emerald. "Nararamdaman ko kung may suliranin ang aking kambal, Romano. Sa palagay mo ba'y maipagkakaila mo sa akin iyon? I carried you nine months... and nurtured you both with my breasts."

Huminga nang malalim ang binata. "Oh, we're still young, Mom. Maybe we'll meet again. And if the feelings are still there... well—" nagkibit ito ng mga balikat.

"Is she someone special?"

"Very."

"Not one of those women?"

"Never."

Ngumiti si Emerald. "I want to meet her someday."

"Yeah, someday." may kinuha ito sa tagilirang mesa at iniabot sa ina. "She graduated cum laude today. I thought of giving that to her tonight but changed my mind. Ayokong umasa siya..."

"Life is nothing without hope, Romano," wika nito na tinititigan ang nasa kamay. "You may fail sometimes but don't let hope desert you. At tiyakin mo sa sarili mo kung gusto mo itong ibigay sa kanya. Ang mga lalaki sa pamilya natin ay hindi nagbibigay ng pangako kung hindi rin lang nila kayang tuparin." tumayo na ito at lumakad patungo sa pinto.

"Goodnight, Mom."

"'Night, son."

SA loob ng master bedroom ay nag-alis ng salamin sa mata si Marco at inilapag sa side table kasama ng librong binabasa.

"So, may problema ba sa anak mo?" Inabot nito si Emerald na pumailalim sa comforter at humilig sa dibdib ng asawa.

"Nothing," tahimik niyang sabi. Nang maramdaman ang mga labi ng asawa sa noo'y tumingala siya. Itinaas ang kamay at hinaplos ang mukha nito. "Thank you so much for loving me, Marco... thank you for giving your time at isakripisyo ang farm para pamahalaan ang Kristine Cement na dapat ay ako ang gumawa."

"I love you, Emerald," bulong ni Marco. "What else could I give and offer to the most wonderful woman I've met in my lifetime but my love and support." He kissed the top of her head. "And thank you so much for giving me the twins, sweetheart."

"Pagkabalik ni Romano," she said thoughtfully. "Let's go back to the farm, Marco, and spend the rest of our days there, tulad ng pangarap at plano mo noon pa mang una tayong magkakilala." 

Iniyakap niya ang mga braso sa dibdib ng asawa. Feeling the warmth and security na hindi kayang pantayan ng yamang minana niya mula kay Don Leon Fortalejo.

NAIA.

Palabas na ng departure area sina Aidan, Lenny, at Anton. Si Romano'y nanatiling nakatayo sa gitna at nakatingin sa entrance papasok ng departure area.

"Last call na, Romano." si Aidan na huminto sa paglakad.

Matamlay na binitbit niya ang bagahe at sumunod sa pinsan. Kasama na sila ng ilang pasahero na naglalakad sa tarmac. "I wish Uncle Bernard allowed us to use the private jet," hinagpis ng binata. Pagkatapos ay muling lumingon sa departure building.

"Hindi siya papapasukin ng mga security guard," lingon ni Lenny sa kanya.

"I gave her Dad's pass," sagot niya.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon