10

18.6K 600 13
                                    


DUMAPA sa unan niya si Bobbie. Nagpupuyos sa galit ang dibdib. Hindi niya kayang tanggapin sa sariling totoo ang mga sinabi ni Romano. Iniiwasan niya ito dahil natatakot siya. Natatakot siyang hindi niya kayang paglabanan ang sariling damdamin...ang sariling katawan.

"I hate you, Romano!" Pinagbabayo niya ang unan. "Bakit kailangang magtagpo ang landas natin? Oh, I hate you!"

Kung paano siya nakatulog ay hindi niya alam. Subalit nadesisyunan niyang bumalik na sa Maynila kinabukasan, araw ng Lunes. Kung tutuusin ay dalawang araw pa lang siya sa isla dahil maraming oras ang ginugol niya sa dagat sa pagtungo roon. Maaari pa siyang magparaan ng isang araw pero para ano? Ang taong siyang dahilan kung bakit nasa Paso de Blas siya'y naroon din. At naging komplikado pa dahil kay Romano.

Ilang sandali pa'y nasa Esmeralda Port na ang dalaga. Kailangang abutan niya ang unang flight pa-Maynila sa kabisera. Hindi siya maaaring magbarko tulad ng ginawa niyang pagtungo sa isla. Labing-pitong oras iyon humigit-kumulang. Nagpasalamat siya na may lantsa oras-oras na umaalis ng Esperalda Port patungo sa mainland.

Pasakay na siya sa lantsa nang lumingon siya sa hotel. May tila malaking kamay na dumaklot sa dibdib niya sa ginawa niyang pag-alis na iyon. Kasama na ang panghihinayang. Kung para sa naputol na bakasyon o para sa tao ay hindi niya matiyak. Umuusad na ang lantsa nang muli niyang inikot ng tingin ang paraisong hindi niya gaanong nagalugad. Pinanghinayangan niyang hindi tinanggap ang alok ni Romano na ipakita sa kanya ang buong isla.

Will Romano miss her when she's gone? O isa lamang siya sa mga bakasyonistang nakatuwaan nito? A rich man's game to while away his time.

"C'MON, brother." si Jade na hindi mapigilan ang pinaghalong hagikgik at pagtataka. "Your burning lines again para lang itanong sa akin kung sino-sino ang pinagbigyan ko ng GC ko?" 


Ikalawang tawag na iyon ng kapatid. Una'y itinanong nito sa kanya kung may kakilala siyang Bobbie. O, Roberta Lou Fajardo. Pero wala siyang natatandaang may kaibigan o kakilala siya sa ganoong pangalan na napagbigyan niya ng personalized gift certificate niya.

"Dammit, Jade, hindi ako nagbibiro. She left the hotel four days ago at wala siyang address sa registry."

"And who is this mysterious lady na napagtripan ng kapatid ko?" tukso ng dalaga. "I've never known you chase girls, Romano, darling..."

"Shut up at mag-isip ka. She's about twenty...twenty-one. Shoulder length wavy hair. Fair and—"

"Romano... Romano..." naiiling na wika ng Jade. Hatinggabi sa Amerika at heto ang kambal niya at pinupuyat siya dahil lang may hinahanap na babae. "Paano kong matatandaan kung sino ang mga nabigyan ko?"

Napaungol ang binata sa frustration. "Do me a favor, Jade, isipin mo kung sino ang huling pinagbigyan mo ng personal GC mo bago ka umalis ng Pilipinas at tawagan mo ako, okay?"Umikot ang mga mata ng dalaga. "Okay..." ibinaba nito ang telepono.

"May problema si Romano?" naghihikab pang tanong ni Julianne.

Muling pumailalim sa comforter si Jade at matabang na sumagot. "The usual."Napangiti si Julianne at tumagilid upang bumalik sa pagtulog.

LIMANG araw mula nang umalis ng isla si Bobbie ay dumating sa kanila si Derick.

"You didn't even say goodbye." may tampo sa tinig nito nang maupo siya sa katapat na sofa. 


"Tumawag akong minsan sa iyo dito pero ayaw kang ipakausap ng mother mo."

"My instructions. At wala akong makitang dahilan kung bakit kailangan kong magpaalam sa iyo, Derick," marahang sabi niya. "Niliwanag ko ang lahat sa ating dalawa bago ako umalis ng isla. It's over."

"Don't be too hasty to end up this relationship, Bobbie," pakiusap ng binata. "Sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan ay wala akong natatandaang pinagtalunan nating malaki maliban nitong huli at humihingi naman ako ng tawad sa iyo."

Nagbuntong-hininga siya.

"Please, honey," patuloy nito. "I know I've hurt you. I'm so sorry. But don't burn the bridge between us. Alright, hindi na tulad sa dati ang lahat. Manunuyo akong muli, but please, give me the chance, Bobbie."

"Hindi ako nangangako, Derick, pero pag-iisipan kong maigi ang lahat ng ito."

"That's more than enough." isang ngiti ang pinakawalan ng binata. May dinukot sa bulsa at inilagay sa palad niya. "Please put this on your finger back." nang akma siyang magsasalita ay inagapan ni Derick. "No commitments, no promises. Pero 'pag nakikita ko iyan sa daliri mo'y mabibigyan ako ng pag-asang maibalik sa dati ang lahat."

Nang makaalis ang binata'y tinitigan niya ang solitaire sa palad niya.

"Search your heart, Bobbie..." si Mrs. Fajardo mula sa likuran niya. "Madaling magpatawad, pero kung nagawa ni Derick ang ganoong kataksilan sa sumunod na araw matapos ang formal engagement ninyo, paano kung kasal na kayo?"

"I AM giving you this company para sa research paper mo, Bobbie." si Mrs. Enriquez, isa sa mga professor niya. Iniabot nito ang isang calling card. "Ito na lang ang kulang mo at wala ka nang problema sa graduation mo."

Inabot niya ang card at binasa. Agad ang pag-angat ng ulo niya. "Kristine Steel!"

"Yes, hija?" Nagsalubong ang mga kilay ng matandang propesora sa bulalas niya.

"This steel company and the... Kristine Hotel and Resort in Paso de Blas, are they—"

"I really have no idea. But definitely magkaibang management," agap ng propesora.

"W-wala ho bang ibang steel company, Ma'am?"

Umiling ang propesora. "Kilala ko ang Foundry Supervisor. Makakatulong siya sa research mo tungkol sa paggawa ng mga bakal. Si Mr. Piñon. That's his calling card. His son was my student a couple of years ago. At marami na akong naipadala sa kanyang estudyante."

Hindi siya kumibo. Magkaibang management. Bagaman hindi imposible ay natitiyak niyang hindi maliligaw si Romano sa Kristine Steel. Ano ang gagawin ni Romano sa kompanya ng mga bakal? Hindi niya kailangan ang pambubuska at panunukso nito sa mga panahong tulad ngayon. She didn't suffer a broken heart but her morale is at its lowest level.

"You have two days to complete that report, Bobbie," untag ni Mrs. Enriquez sa iniisip niya. 


"Nariyan ang note ko sa likod ng card."

"Yes, Ma'am."

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon