12

18.4K 562 34
                                    


KUNG kailan siya huminto sa pagpiglas ay hindi niya alam. Ang alam niya'y musika sa pandinig niya ang sinasabi ng binata. Ang pinakamagandang papuring narinig niya sa buong buhay niya.

"Stupid?" patuloy nito. Bumalik ang amusement sa tinig. "Definitely not," sinabayan nito ng iling. "Would jump into my bed?" Tumikhim ang binata and in a very provocative voice: "Would you?"

Nagising sa pagkakatulala si Bobbie at tinabig ang mga braso ni Romano. "Hell will freeze over!" Dinampot nito ang notebook sa mesa at shoulder bag at mabilis na tumalikod.

Natatawang sinundan ng tingin ni Romano ang dalaga.

Mabilis na inilabas niya ng gate ang sasakyan. Ilang sandali pa'y nasa expressway na siya. Nagpupuyos pa rin sa galit.

Bakit nga ba hinahayaan niya si Romano sa mga ginagawa nito sa kanya? Takot siyang sagutin iyon. Hindi niya gustong malaman ang sagot.

Romano is a complex man. Hindi niya kayang pakibagayan. Siguro nga'y patatawarin niya si Derick at magsimula silang muli. Marahil pagkatapos ng graduation ay mapag-uusapan na nila ang kasal. Hindi ba't iyon naman ang plano nila?

NAGULAT pa si Bobbie kinabukasan nang sa last subject niya kay Mrs. Enriquez nang hapong iyon ay batiin siya nito.

"Very good, hija," wika ng propesora na binuklat-buklat ang clear folder sa harap. "Hindi ko maisip kung paano mong natapos kaagad ang research mo. At kompleto pa sa lahat ng detalye. Binasa ko nang pahapyaw kaninang tanghalian iyan..."

Tumikhim siya. Hindi alam kung ano ang iisipin. In fact, gusto niyang humingi ng extension sa propesora sa paggawa ng research sa steel factory. Pero nakatunghay siya sa isang folder na ayon dito'y isinabmit niya.

Romano.

HINDI rin niya inaasahang datnan niya si Romano sa kanila pag-uwi galing university. Tinitigan niya muna ang nakaparadang motorbike sa gilid ng daan bago ipinanhik sa driveway ang kotse niya. Sabi ng katulong ay nasa swimming pool ang bisita niya. Lumakad siya patungo sa gilid ng bahay. Nakatayo ito sa gilid ng pool. In his usual leather jacket. Sa ilalim ay ang navy blue shirt na uniporme sa foundry.

"Hi," nakangiting bati ni Romano.

"A-ano ang ginagawa mo rito?"

"Silly question." itinaas nito ang kamay at hinaplos ng likod ng kamao ang pisngi niya.Natilihan siya sa dampi ng kamay nito sa balat niya at agad umatras. His lips twisted in a mocking smile habang hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Sana'y hindi siya nito tinititigan nang ganoon... kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Isa na rito ay ang nangyari sa kanila noong huling gabi niya sa hotel. At nag-iinit ang buong katawan niya sa kaisipang iyon.

"Why don't you relax, sweetheart," tudyo nito. "I won't rape you."

She sniffed. "Kung... titigan mo ako'y tila iyon ang gusto mong gawin." He laughed softly.

"Salamat nga pala sa ginawa mo. Nagustuhan ni Mrs. Enriquez," matabang niyang idinagdag.

"Piece of cake." nagkibit ang binata. "Anyway, ipararating ko sa sekretarya ng daddy ang pasasalamat mo."

Umikot ang mga mata niya. At sa seryosong tinig ay, "Ano ang ginagawa mo dito, Romano?"

Muling nagkibit ng mga balikat ang binata. "Manliligaw. Hindi kita mapaamo sa paraan ko, di sa paraang gusto mo. Iyong tulad ng ginagawa ni Derick."

"You can never be like him. He's never rude... he's a perfect gentleman and—"

"A two-timer," tudyo nito. Nang akma siyang sasagot ay inawat siya ng binata. "Aw, forget it. Kaya ako nandito ay para ligawan ka at suyuin. I just don't know how. But let me try... for a start, let's dance."

"Dance!" bulalas niya. "Are you crazy? Walang tugtog..."

"Let's pretend there's music," nakangising sabi nito. Marahan siyang isinayaw nito na tila may musika. "But then I can sing," wika nito makaraan. "I know a very romantic song by the King. Gusto ng mga parents ko iyon. Listen..."

It's now or never... come hold me tight

Kiss me, my darling. Be mine tonight.Tomorrow will be too late. It's now or neverMy love won't wait...When I first saw youWith your smile so tender My heart was capturedMy soul surrendered

"Oh, you didn't smile," bulong ng binata at pinutol ang pagkanta. "Nevertheless, I was bewitched..." at saka muling nagpatuloy sa pag-awit.

Inikot-ikot siya nito sa may swimming pool. Muntik-muntikanan siyang matapilok sa tiles kung hindi mahigpit siyang hawak ng binata.

Just like a willow, we would cry an ocean

If we lost true love and sweet devotionYour lips excite me, let your arms invite mefor who knows when we'll meet again this way...

"Stop this, Romano... you're crazy!"

Pero hindi huminto ang binata na tila may musika pa rin sa paligid. "That's my parents' song. They like Elvis Presley's version, it's sexy and romantic. Do you feel romantic? Do you like it this way?" he teased.

Hindi mapigil ng dalaga ang mapangiti. Huminto ang binata and gazed at her thoughtfully. "Iyan ang kauna-unahang ngiting nakita ko sa iyo. And it really makes me feel good, Bobbie."

Umiwas siya ng tingin. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginamit nito ang pangalan niya. Truth is, she didn't like her name. Pero sa kauna-unahang pagkakataon din, she appreciated it.

She was about to say something nang may bumusina sa driveway. Napalingon ang dalawa. Alam niyang si Derick ang dumating. Kabisado niya ang tunog ng busina nito.

Lumakad siya patungo sa driveway. Pinatay ni Derick ang makina ng kotse at lumabas.

"Hello," nakangiting iniabot nito sa kanya ang kulumpon ng malalaking rosas. "Para sa iyo." Nawala ang ngiti nito sa mga labi nang makita sa likuran niya si Romano. "May bisita ka?"

Nilingon ng dalaga si Romano upang ipakilala.

"Tatawagan kita," sabi nito bago siya makapagsalita. Sinulyapan ang mga rosas sa kamay niya. 

"See you," wika nito sa malamig na tinig. Dinaanan ng tingin si Derick at saka lumakad palabas ng gate.

Hindi niya ito iniwan ng tingin hanggang sa makaalis ang motorbike.

"Who was that?" si Derick. "Pamilyar sa akin ang mukha..."

"Romano de Silva."

"Of course," marahang bulalas nito. Pagkatapos ay nagdududang tinitigan si Bobbie. "Their family owns K. Esmeralda Building. At ang akala ko ba'y wala kang kilala sa mga big boss ng hotel?"

"Kailan ko lang siya nakilala," depensa niya. "At hindi ko agad nalaman kung sino siya."

"Kaya ba napakadali mong tapusin ang relasyon natin dahil sa kanya?" akusa nito. "Si Romano ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang kalimutan ang naging kasalanan ko sa iyo?"

"W-walang kinalaman si Romano sa atin, Derick..." naguluhang wika niya. Bahagyang nakadama ng guilt. Si Romano nga ba ang dahilan at hindi niya gustong ibalik sa dati ang relasyon nila ni Derick?

"How long have you been seeing each other?" nang-uusig nitong tanong.

"I met him in the island at hindi ko iniisip na makita siya dito ngayon." Hindi na niya kailangang sabihing nagkita na sila nito sa Kristine Steel.

Huminga nang malalim si Derick at isinuklay ang kamay sa buhok. "I'm sorry, honey," wika nito sa mababang tinig. "Nagseselos ako. Mula nang makilala kita'y wala akong natatandaang nag-entertain ka ng ibang lalaki. At hindi mo maiaalis sa aking magselos. His family is very rich. One of the richest."

"Hindi ako tumitingin sa financial asset ng isang tao, Derick," aniya rito. "Alam mo iyan..."Hinawakan ni Derick ang magkabilang balikat niya. "Patahimikin mo ang puso at isipan ko, Bobbie. Kalimutan na natin ang lahat at kakausapin ko ang mama mo tungkol sa ating kasal... please."

Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Bahagi ng isip niya'y sumasang-ayon. Kaya naman nang ipasuot nitong muli sa kanya ang engagement ring nila'y hindi siya tumanggi.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon