13

17.3K 570 6
                                    

SABADO ng hapon. Pagbaba niya'y naulinigan niyang may kausap ang mama niya.

"Heto na pala si Bobbie." si Mrs. Fajardo na tumingala sa hagdan. "Halika, hija, at may bisita ka."

"Good afternoon," bati ni Romano.

"H-hi."

"Ipinagpaalam ka sa akin ni Romano, hija. May tea party sa bahay nila and he wants you to come."

"Pero, 'Ma..." protesta niya. Wala siyang balak sumama sa lalaking ito. "Akala ko ba'y nagpapasama kang mag-grocery."

Iwinasiwas ni Mrs. Fajardo ang kamay. "Ano ang ginagawa ni Manang Linda." ang tinutukoy nito'y ang matandang katulong nila. "Sige na, hija..." iniwan na siya nito.

Hinarap niya si Romano. "Wala akong balak sumama sa iyo, Romano."

"Sandali lang tayo," wika nito sa kaswal na tinig.

"Wala akong kakilala sa mga kaibigan mo." Patuloy siya sa pagtanggi. "At hindi ako sanay makihalubilo sa mga kaibigan mong mayayaman."

"Kilala mo si Lenny at Aidan. And it's only a small get-together, sweetheart. Isa pa'y ipinagkatiwala ka na sa akin ng mama mo. Meaning, kung tatanggi ka ay kaya kitang buhatin at isakay sa motorsiklo ko."

Napilitan siyang pumayag. "Ano ang isusuot ko?"

Hinagod siya ng tingin ni Romano. In her tight jeans and body hugger. "You're looking sensational. Let's go."

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon