8

21K 656 81
                                    


HATINGGABI na'y hindi pa rin makatulog si Bobbie. Hindi na siya natuloy maligo sa dagat at nag-order na lang ng hapunan sa silid niya. Naroong ibaon ang mukha sa malambot na unan, naroong tumagilid. Gustong kalimutan ang nangyaring halik sa kanya ni Romano. Hindi niya maintindihan kung bakit may pakiramdam siyang nalalasahan pa niya iyon sa mga labi niya. 

And everytime she thought of the way he kissed her, nananayo ang mga balahibong-pusa niya sa batok.

Derick didn't have that effect on her. Ilang beses na rin naman siyang nahagkan nito. And to think Romano wasn't even her type. Hindi siya kailanman nagka-crush sa mga ganoong tipong lalaki.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang tumunog ang telepono sa tabi niya. Napapitlag pa siya sa hindi inaasahang ring. Dinampot niya iyon sa ikalawang ring.

"Hello..."

"Hi."

Her heart started to thump violently. Kahit hindi sabihin ay alam niya kung sino ang nasa kabilang linya.

"W-w-what do you want?" Lumunok siya dahil halos walang tinig na lumabas sa bibig niya.

"Did I wake you up?"

"No... I mean, yes!" oh, dear! "At nakakabulahaw ka!"

He chuckled. "Your voice matched your body. Sexy. What are you wearing? No... no. Don't tell me, let me guess. A very flimsy night gown and just an inch below your... hmn..."

"This is an obscene call!" Napabangon siya nang wala sa oras. "And you know it's illegal!"

"Don't hang up, sweetheart. Tatawag din ako uli," warning ng binata na tila nahuhulaan ang gagawin niya. "At wala akong sinasabing masama."

"Walang sinasabing masama?" she groaned. "You're crazy, Romano. Please, ibababa ko na ang phone. I wouldn't have you saying obscene things to me. Huwag ninyo akong pagkatuwaang magpipinsan! Kabisado ko ang mga tulad ninyo..."

"Tulad namin?" nagsalubong ang mga kilay ni Romano and rocked his swivel chair. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Spoiled rich boys who jump up on unsuspecting women..." akusa niya.

"Agh!" ani Romano and she could imagine him faking a heart attack. "That hurt, sweetheart," and his voice sounded like it. "I'm not spoiled and definitely not a boy. At hindi ka namin pinagkakatuwaang magpipinsan," mariin ang huling sinabi nito. "I am alone here..."

"W-where are you?" nalilitong tanong niya. She expected him to be calling from the other room with his macho cousins.

Romano laughed huskily. "Want to come here?" the invitation was very obvious.

"Romano, alam mo ba kung anong oras na?" she asked wearily.

"I couldn't sleep. Kaya nandito ako sa private office ng Uncle Nat. I've been thinking about you..."

"That flatters me," sarkastikong wika niya. "Huwag kang matulog and keep on thinking about me but please, let me sleep, okay?" lokohin mo'ng sarili mo.

"You couldn't sleep either. Nararamdaman ko pa rin ang mga labi mo sa akin. They're sweet and I could get used to it."

"Dream on," sabi niya and was glad na hindi siya nakikita nito.

"You bet I will. And be with me the whole day tomorrow, sweetheart. I'll show you the whole island."

"Thank you, but again, no. Goodnight, Romano."

"Wait!"

"What?" she snapped.

"Again, why?"

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon