16

18.3K 567 39
                                    


ANG sumunod na dalawang araw ay iniukol ng dalaga sa pagpa-practice sa graduation. Hindi tumawag si Romano subalit nagpapadala ng mga bulaklak. Sweetheart,

You know my number. Tell me if you have changed your mind. The night is getting cold and lonely and my bed is empty.

Romano.

"Flowers again, hija?" si Mrs. Fajardo mula sa likuran niya.

Agad na nilamukos ng dalaga ang card at baka mabasa pa ng ina. Tipid siyang ngumiti upang itago ang inis.

"For all we know, 'Ma, isa sa mga pag-aari ng mga de Silva at Fortalejo ay isang flower shop."

Natawa si Mrs. Fajardo. "I like that boy. Straightforward and honest. How old is he?"

"Twenty-two, I think.."

"And he wants to marry you?"

Mabilis siyang umiling. "He wants to bed me."

Na-shock ang matanda. "Roberta Lou, ang bibig mo!"

Natawa siya. "Iyon ang totoo, Mama. And you're right, Romano's honest," matabang niyang sabi. 

"Honest to tell me brutally that he hates wedding bells but would welcome me in his bed."

Shock na tumalikod ang matandang babae na bubulong-bulong. "Young people today..." pagkatapos ay huminto sa paghakbang at nilingon ang anak. "At ano ang sagot mo?"

She smiled sweetly. "I'm tempted."


Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Fajardo. "Don't you dare!"

GABI ng graduation niya. Tinanggap ni Bobbie ang karangalan bilang cum laude.

"Congratulations, hija," wika ng matandang babae.

"Thank you, 'Ma." tumingin siya sa paligid. Ewan kung bakit umaasa siyang dadaluhan ni Romano ang pagtatapos niya.

"Are you looking for him?" tanong ng ina.

"Him who?" pagkukunwari niya.

Umiling ang matandang babae. "Sinabi niyang hihintayin ka niya sa parking lot."

Nanlaki ang mga mata niya. "Nandito siya, 'Ma?"

"Oh, yes. Mula sa simula hanggang sa matapos. Siya sige, ipinagpaalam ka na niya sa akin."

Mabilis siyang kumawala sa ina at halos takbuhin ang parking lot. Hinanap sa malamlam na ilaw ang motorsiklo nito subalit pulos kotse ang naroon. Nang mula sa kung saan ay dalawang braso ang humapit sa kanya mula sa likod at iniangat siya sa lupa.Napasigaw ang dalaga.

"Hey, it's just me," nakatawang sabi ni Romano. Pinaghahagkan siya sa batok. "Hmn... Poison..." pagkilala nito sa pabango niya.

"Ibaba mo ako, ano ba!" sigaw niya. "Papatayin mo pa ako sa takot."

Nagtatawang ibinaba siya ng binata. "'Ayun ang kotse ko. Tara doon." Hinila siya nito patakbo sa nakaparadang Volvo. Binuksan ang pinto at pinapasok siya. Umikot ito sa driver's seat at sumakay.

"Congratulations," nakangising wika ng binata. "At hubarin mo iyang toga mo. Naiinitan ako."Sumunod siya. Kinuha iyon ni Romano at inihagis sa likod ng sasakyan. "Thank you for coming," nakangiting wika niya rito. "I really appreciated it. Thank you for the flowers too, they're lovely."

"The messages are even lovelier," nakangising wika nito.

Umikot ang mga mata niya pero nakangiti. She really missed him. Really, really missed him. Isang linggo ring hindi ito nakipagkita sa kanya pero dumarating sa kanila ang mga bulaklak araw-araw kasama ng mga mensaheng sa una'y kinaiinisan niya. Pero nang lumaon ay natatawa na lang siya.

Pinaandar ang ignition at ilang sandali pa'y lumalabas na sila ng university compound.

"I really missed you, you know," he said solemnly. Inabot ang kamay niya at hinagkan.

"Me, too," pag-amin niya.

"Tara sa penthouse," seryosong aya nito. "Walang tao roon. We can spend a few hours together." naroon ang provocation sa tinig nito. Kasama na ang hamon.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang sa daan. Hindi na rin muling nagsalita si Romano. Patuloy sa pagtakbo ang sasakyan nang walang nagsasalita. A silent agreement was made. Hanggang sa makarating sila sa K. Esmeralda Building.

Maliban sa mga neon light at ilaw sa building at sa mga katabing building ay madilim ang buong parking area. Binati sila ng security guards ng building at sinusian ang glass panel upang makapasok sila.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa elevator. Parehong walang nagsasalita. Si Bobbie ay kinakabahan. Hindi matiyak kung tama ang ginagawa niya.

Nang bumukas ang elevator sa rooftop ay nakadama ng lamig ang dalaga. Kung sa ginaw sanhi ng malakas na hangin o dahil sa anticipation sa maaaring mangyari sa gabing iyon.

Pero iisa ang tiyak niya. Mahal niya si Romano.

Binuksan ng binata ang pinto ng penthouse at pinapasok siya. Binuksan ang ilaw. Gusto niyang masilaw sa liwanag or perhaps it was the guilt she's feeling. Sa gabing ito'y itatapon niya sa hangin ang lahat ng bagay na pinaniniwalaan niyang mahigpit.

Naupo siya sa sofa malapit sa pinto. Nagtuloy si Romano sa bar at nagsalin ng alak. Pagkatapos ay lumakad pabalik at ibinigay sa kanya ang isa.

"Tama na ang one shot," nakangiting wika nito. Lumakad ito uli patungo sa component at may hinanap na tape. "I haven't decided kung ano ang magandang kanta para sa ating dalawa," tudyo nito at pagkatapos ay natatawang umiling. "I can't believe this. Imagine, we're almost on the twenty-first century pero heto ako at naghahanap ng magandang love song para sa atin dahil lang naisip kong makaluma ka pagdating sa courtship at hindi ako marunong manligaw kaya kinantahan kita."

"Hindi ko sinabing iyon ang gusto ko," wika niya sa gumagaralgal na tinig. "But it was lovely..."

"To tell you the truth, nahawa ako sa iyo. You made me reminish my parents' love story..." nagsalang ito ng disc sa player. "I guess my Mom and Dad would loan us their song habang hindi pa tayo nakakaisip ng sa atin."

Pumailanlang ang awitin.

It's now or never...come hold me tightKiss me, my darling...be mine tonightTomorrow will be too lateIt's now or never, my love won't wait...

Lumakad si Romano patungo sa bar at muling nagsalin. Naupo sa isang stool roon. Dinala sa bibig ang kopita and sipped slowly. Pagkatapos ay tinapunan siya ng tingin.

"I have two gifts for you..."

"R-really?"

"Yeah. Ang isa'y nasa inyo. Ipinakisuyo ko sa mama mo kaninang umaga na ilagay sa silid mo."

"What is it?"

"Malalaman mo pag-uwi mo."

"At ang isa?"

Matagal bago sumagot si Romano. "...Just like a willow, we would cry an ocean if we lost true love and sweet devotion." sinasabayan nito ang mahinang awitin sa component while staring at her intently. "...your lips excite me... let your arms invite me. For who knows when we'll meet again this way..."

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon