Kabanata 2

482 19 0
                                    

KABANATA 02 ..

“SEÑORITO, Luxe !”

“Señorito!”

“Huminto ka, Señorito!”

Narinig ni Margarita ang sigaw ng mga kalalakihan. Nag-tago siya sa malaking puno at sumilip kung totoo ba ang narinig niya.

Lumalim ang gatla ng noo niya nang makita ang isang lalaki na naka-sakay sa isang kabayo habang hinahabol ng mga kalalakihan.

Nasaan ba siya?

Ang weird ng kasuotan nila.

Akmang aalis na si Margarita ng biglang bumungad sa kaniya ang nagtitili na kabayo!

Malakas siyang napasinghap!

“Sino ka at bakit nandito ka sa aming mundo ?”

Nalaglag ang panga niya habang tumingala sa makisig na lalaki. No! No! Hindi totoo ang panaginip niya tatlong taon na ang naka-lipas! Sariwa na sariwa sa isip niya at ang lalaking kaharap niya ay ang lalaking nakita niya noon?!

Shit.. Anong nangyayari?

“I don't know—”

“Sino ka ?” Matigas na tanong nito.

“Margarita Louis Del Alfonso”

Mas lalong lumalim ang gatla ng noo nito.

Ang sungit naman niya porket gwapo siya?

Madilim ang mukha na tumingin sa kaniya.

Margarita grimaced.

“Paano ka naka-punta dito, Taga-lupa ?”

Margarita eyebrow knotted. Naguguluhan siya sa tanong nito. Ang sungit na nga at hindi pa ngumingiti?!

Hmp!

“Hindi ko alam, pag-gising ko nandito na ako.” Kasabay ng pag-tingin ni Margarita sa buong paligid.

Bumaba ang makisig na lalaki sa kabayo nito, ang walang emosyon na mukha nito ang bumalot sa kaniya. Ang kasuotan nito ay katulad ng mga Princepe sa telebisyon at may sandata itong naka-sabit sa bewang nito.

Nanaginip ba siya?

“Umalis ka sa mundo na ito at wag ka nang bumalik”

Umirap siya dito. Hindi niya ba maintindihan ang sinabi niya? Hindi ko alam kung paano ako makaka-uwi!

T-tanginang buhay to!

“Hindi ko alam kung nasaan ako” May frustration sa boses niya.

Masungit itong tumingin sa paligid. Hindi naniniwala sa sinabi niya.

“Kung hindi mo alam, bakit nakapunta ka sa mundo na ito? Pinaglalaruan mo ba ako, Binibini?”

Napataas ang kilay niya dito. Binibini? Sa mundo nila ang tawag sa kaniya. Hoy babae! Huy!

Sira na ba ang turnilyo ng utak nito?

“Nagsasabi ako ng totoo, hindi ko alam! Kailangan ko nang bumalik!”

Tumingin sa kaniya ang lalaki at agad rin umiwas sa hindi niya alam.

Ang sungit nito at suplado!

Tumalikod ito sa kaniya. “Wala na akong magagawa. Hindi ko rin alam kung paano ka makaka-balik”

Natataranta siya ng nag-umpisa itong ihakbang ang paa para bumalik sa kabayo nito. Nagmamadali ang paa niyang hinabol ito at hinawakan sa siko .

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now