Kabanata 45

178 9 0
                                    

KABANATA 45

HINAPLOS ni Luxe ang mahabang buhok ni Louis. Nang magising siya ito na agad ang bumungad sa kaniya. Masakit at nangangalay ang katawan niya, may bahagi sa katawan niya na masakit.

Hawak na hawak nito ang kamay niya, nung una ay nagulat siya sa nadatnan niya .

“Ahem!”

Natataranta na tinago nito ang kamay ni Louis sa loob nang kumot niya. Napabaling siya sa pintu-an at nakita niya si Kuya Argon. Napataas ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

“Okay kana?”

Walang pag-alinlangan na tumango si Luxe. Napapalunok siya nang makita nito na sa iba ang tingin nito.

Paulit-ulit siyang lumunok nang makita ang disgusto sa mata nito at madilim itong tumingin sa kaniya.

May nagawa ba siya? Galit ba sa kaniya si Kuya Argon?

“Kung ako sayo, bitawan mona ngayon ang kamay niya kundi itong espada ko” Sabay tingin niya sa hawak “Isaksak ko ito sayo.”

Agad siyang tumango. Maingat niyang inilapag ang kamay ni Louis sa kama. Napapamura siya dahil sa aura ngayon ni Kuya Argon. Hindi niya alam bakit ganito ito ngayon.

“Maayos kung ganun, hwag mo 'yan hahawakan” Dinuro pa siya nito.

Napapatango siya dito.

“Kapag nakita kung hinawakan mo ang kamay niya, akbayan o yakapin lang, itong espada ko..” Napatigil ito dahil sa kapatid nito.

“Kuya you're so OA.” Nakahinga siya nang maluwag nang sumulpot sa kanila si Ate Argara.

Umirap si Kuya Argon dito.

“Tandaan mo 'yan” Pagbabanta nito sa kaniya. Talagang hihiwalay ang hininga niya dito. Sobra itong magalit, nakakatakot.

“Huwag kang makinig kay Kuya, Luxe. Sobrang importante lang sa kaniya si Louis pero pwede mo siyang—”

“Argara” Suway ni Kuya Argon sa dalaga.

Umirap lamang si Ate Argara at hindi pinansin ang sinabi ng kapatid.

“Nakita mo ba ang ginawa ni Nichollo ha?”

“Anong mali dun?”

Napahilamos nang mukha si Kuya Argon.

“Argara..”

Tinaas ni Ate Argara ang kamay nito para patigilin si Kuya Argon.

“Alam ni Nichollo kung ano ang ginagawa niya, Kuya. At, isa pa sa nakikita ko hindi si Princesa Viri ang gusto nito. Try to notice how Nichollo stare to Ersyia. Hindi kona pakikialaman ang decision nila.”

Madilim parin ang mukha ni Kuya Argon. Hindi niya nga alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ng dalaga. Naguguluhan siya.

“Tandaan mo ang sinabi ko” Banta ulit ni Kuya Argon bago siya umalis at iniwan sila ni Ate Argara ..

Mahinang tumawa si Ate Argara na pumunta sa kaniya.

“Huwag kang maniwala don, okay? May saltik 'yun sa ulo. By the way, are you okay? I mean, okay kana ba? May masakit pa sayo?” Sunod na sunod nitong tanong.

Napangiwi siya.

“Okay na po ako, masakit lang ang mga sugat ko pero okay lang po ako”

Tumango-tango sa kaniya si Ate Argara.

“Oh that good to hear. Nasa gitna palang nang gabi, matulog ka muna at magpahinga.’

“S-salamat po”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon