Kabanata 33

145 10 4
                                    

KABANATA 33

YUMUKO ang dalawang kawal sa harapan ni Hiriku. Naguluhan at nalilito siya na tumingin sa dalawa. At, kahit mahina at nahihirapan siya. Pinilit parin niyang gumalaw. Halos isang linggo na siyang pinaparusahan kahit pagkain hindi na nila binibigay sa kaniya. Ngayon alam na niya kung paano pinarusahan noon ang kapatid. Naranasan na niya kung paano ito lumaban kahit na walang-wala na itong masasandalan.

“A-te Nara ?” Gulat na gulat ang mukha ni Hiriku sa nakikita.

Ang akala niya wala na ang kapatid ng ina. At, bakit naka-suot ito ng pandigma na damit?! Paano ito naka-pasok sa palasyo at paano hindi alam ni Elundreno na may dalawang pinaglatiwalaan ng kapatid niya?

Mahigpit na niyakap siya ni Ate Nara. 'Yung higpit na palagi nitong ginagawa mula nung bata pa siya. Matagal nang hindi sila nag-kita at alam ni Hiriku na hindi mawala sa alaala nila ang nangyari noon.

“A-ate N-nara” Tawag ni Hiriku sa kapatid ng ina. Nagtatagis ang bagang nito at galit ang mukha habang pinagmamasdan siya.

“G-gazo, nandito ka rin ?” Dugtong ni Hiriku.

Tumango lamang si Gazo at matiim na tumingin sa kanila.

“Arkhayl—”

“Ate N-nara, Hiriku na ngayon ang pangalan ko” Pinigilan siya ng dalaga. Masama ang tingin nito sa kaniya.

Ayaw ni Hiriku na magalit ang Ate Nara niya dahil masama ito magalit katulad ng dalawang kapatid niya. Ito ang nagturo sa kaniya mag-ensayo sa kagubatan at pinoprotektahan siya laban sa mga Dreamaniya na galit sa ginawa ng kapatid niya.

Maingat na pina-upo siya nito sa matigas na higaan niya. Hindi naman niya 'yun minsan nahigaan dahil sa parusa na binibigay sa kaniya. Hindi nga alam ni Hiriku bakit siya pinaparusahan. Ang alam lang niya, alam ng Elundreno na 'yun kung sino siya.

“Arkhayl, nahihirapan ka naba dito? Wag kang mag-alala. Kakatayin ko nang buhay ang mga sumakit sayo. Okay?” Walang emosyon ang mga mata ni Ate Nara habang nakatingin sa kaniya.

Umiling siya sa dalaga.

“Ate, magiging okay rin ako. Alam kung ililigtas ako nang mga kapatid ko. Wag mo nang ipahamak ang sarili mo dahil sa akin, ulit”

Naging malambot ang mukha ni Ate Nara habang nakatingin sa kaniya. Hinaplos nito ang galos sa mukha at braso niya.

“Alam ko 'yun. Alam na alam ko sa katunayan ay may mansahi si Argon sayo.” Masayang bati ni Ate Nara sa kaniya.

Matiim na tumingin si Hiriku sa dalaga kahit nahihirapan siya ngayon. Tinitiis niya dahil alam niyang may dalawang kapatid siyang nag-aalala sa kaniya. Kay tagal na nilang nawalay at gusto na niya mayakap ang mga kapatid. Akala noon ni Hiriku wala nang pakialam sa kaniya si Kuya Argon dahil iniwan siya nito sa palasyo, nakalimutan nilang may kapatid pa silang naiwan. Ang totoo ay nagtatampo at galit siya sa mga kapatid pero nung bumalik ang mga ito. Walang magawa si Hiriku kundi itago ang pangungulila niya.

May kapatid paba ako?

Hindi pinakita ni Hiriku na may lungkot siyang naramdaman.

“Ano 'yun, Ate ?” Mahinahon na tanong ni Hiriku.

Bumuntong hininga muna si Ate Nara bago sinabi ang dapat sabihin.

“Dalawang buwan ka pa niyang ililigtas dito. Hindi ko alam bakit ang tagal. Hindi kona matiis na makita kang nasasaktan, Hiriku!” May disgusto sa mukha ng dalaga.

Wala talaga silang pakialam sa akin? Sa kahantungan ko dito?

“Okay lang 'yun basta maligtas si Princesa Yheura” Bigla nalang 'yun ang nasabi ng bibig niya.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now