Kabanata 29

131 9 0
                                    

KABANATA 29

MABILIS na lumabas si Louis sa kaniya silid. Nasasabik siyang makita muli ang mga kaibigan. Days passed without them makes Louis sick, she can't stop thinking about them, she can't sleep all night. Palagi ni Louis iniisip kung magkikita paba ang magkaibigan.

“Ate Pipa” Maaliwalas na tawag ni Louis sa Dalaga.

Ngunit, napatigil si Louis makita ang bagsak na mukha nito. Anong nangyayari? Nawala ang ngiti ni Louis at napalitan 'yun ng pag-aalala at pangamba.

May nangyari bang masama? Seeing their expressions, Louis know that there's something wrong and she assured that it's all about Semasu, Yheura and Hiriku. Okay lang ba ang kaibigan?

“Nasaan na sina Semasu? Si Yheura at Hiriku?” Tanong ni Louis kahit alam naman niyang hindi na babalik ang mga kaibigan.

Napabuntung-hininga ang lahat. Tila, nahihirapan ang mga itong sabihin sa kaniya ang totoo.

“Nahuli sila kagabi, Louis. Baka hindi mo muna sila makita ng dalawang buwan” Paliwanag ni Kuya Argon.

Dalawang buwan?!

Bakit ang tagal? Ano ba talaga ang nangyayari sa palasyo? Wala na bang paraan para bumalik dito ang mga kaibigan? Maraming tanong ang bumubuo sa isip ni Louis. At, wala siyang magawa kundi tanggapin ang sinabi ni Kuya Argon.

Bakit sila tatakas?

“Sandali lang, bakit sila tatakas? Ano ba ang nangyayari?” Naguguluhan na tanong ni Louis.

Napahawak si Ate Argara sa sintido nito at nakikita niyang problemado ito sa nangyari.
Habang si Kuya Argon ay malalim ang tingin nito at si Nay Sora binalot ng pag-aalala ang mukha nito.

“Tatakas sana sila kagabi kaso nahuli sila. Wag kang mag-aalala, okay? Gagawa kami ng paraan para bumalik sila dito” Sabi sa kaniya ni Ate Argara.

Bumagsak ang balikat ni Louis. Nag-aalala rin siya at hindi mapakali sa mangyayari sa tatlong kaibigan.

Tinapik ni Ersyia ang balikat niya. Pilit na ngiti ang ginawad niya dito. Masaya naman sila nung dumalaw sila sa palasyo, bakit nagka-ganito na? But, if they planned to escape why they need to do that? Princesa at Princepe ang dalawang kaibigan pero bakit tatakas sila? May nangyari ba sa palasyo? Ito ba ang kalalabasan ng pag-tanggi ni Luxe sa kasal na pinagkasunduan ng Hari na 'yun, na Ama ni Viri?

“Spill it out, Louis” Tanong ni Ate Argara, tila naramdaman niyang may gusto siyang itanong sa kanila.

“Matutuloy na ang kasal ni Semasu at Viri?” Naka-ngiwi na tanong ni Louis.

Nagtatanong ang mukha ni Kuya Argon na tumingin sa kaniya. What's wrong in her question. Louis want to know, maybe that's the reason why Semasu father didn't let them to visit here again! Bakit yata dumilim ang mukha ni Kuya Argon?

“M-may mali ba sa tanong ko?”

Siniko ni Ate Argara ang kapatid nito.

“Kuya, ang oa mo masyado. Naramdaman mo rin 'yan. Sobra mo naman mahigpit” Bulong ni Ate Argara sa kapatid.

Sumimangot si Kuya Argon at nag-iba ang expression sa mukha nito.

“Hindi 'yon matutuloy, Louis. Wag ka nang malungkot, nandito pa naman kami ni Argara kahit wala na si Luxe” Madiin na sabi ni Kuya Argon.

Bakit parang galit ito? At, Anong masaya?

Mabuti nga wala ang Semasu na dito! Tahimik ang buhay ni Louis kapag hindi niya nakikita ang Semasu na 'yun.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now