Kabanata 23

143 10 0
                                    

KABANATA 23

MATALIK na kaibigan ni Ama sina Kuya Argon at Argara. Paano niyang magawa ito?! Nagngitngit sa galit ang kalooban ni Luxe sa desisyon ng Ama niya. Tila nilalayu nito ang lahat ng mahalaga sa buhay niya!

"Paumanhin po, Mahal na Princepe. Pero mula ngayon hindi na po kayo pinapayagan ng Hari na lumabas" Agad na bilin ng kawal sa kaniya.

Ano?!

Gulong-gulo si Luxe na tumingala sa itaas. Hindi na niya maintindihan ang Ama. Unti-unti nitong kinukuha ang kasiyahan nila ni Yheura.

Hindi ba iniisip ni ama na ganito ang kasiyahan namin? Ito ang nag-papasaya sa amin?!

Malalaki ang hakbang ni Luxe na pumunta sa silid ng kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya sa Ama. Galit, naiinis, malungkot at sarimo't-saring emosyon ngayon ang naramdaman niya!

"Yheura !"

Agad na hinawakan nito ang kamay niya. Parang may sasabihin ito sa kaniya at maliban doon ay hindi ito mapakali!

"Luxe ! Hindi kona alam ang gagawin ko. Nalilito na ako at naguguluhan sa desisyon ni Ama!" May pag-aalala sa mukha nito.

"Ano ba ang nangyayari ha ?"

Napatingin siya sa labas at mas lalong pang dumami ang kawal na nasa paligid.

Paano na ako makakatakas nito?

Ano ba ang nasa isip ni Ama at ganito pa ang ginawa nito? Hindi ba ito nag-iisip?!

"Kapag hindi ka tatakas dito, Luxe. Baka pwersahin ka ni Ama na ipakasal sa Princesa na 'yun. Nakikita mo ba ang ibang kawal? Kawal sila nang ibang bahagi, Luxe. Unti-unti maging isa ang kaharian natin at nang ibang bahagi na kaharian. At, napapansin ko ang kagustuhan ni Viri na pakasalan ka! Gumagawa ito ng paraan para pumayag si Ina at Ama!" Nag-alala na tumingin ito sa kaniya. May galit ang mukha at iritasyon.

Bakit ba ginagawa ito ni Ama sa kaniya?! Kahit kailan hindi ni Luxe hinangad ang lahat ng ito! Gusto niyang tumakas! Gusto niya ng kalayaan at mas gusto niyang maging Alipin na laman! Alipin na may kalayaan na mag-decisyo sa sarili kagustuhan!

"Ayoko na mag-pakasal ka sa babae na 'yun! Tumakas tayo, Luxe" Dugtong nf kapatid niya.

Bahagya nagulat si Luxe sa huling sinabi ni Yheura. Tatakas rin ito? Paano kung mapahamak siya?

Nagtatanong ang mukha na tumingin siya sa kapatid.

"Yheura, alam mo ba ang sinasabi mo ?"

"Akala mo ba ikaw lang ang hindi nasiyahan dito, Luxe?! Ako rin, ayaw ko dito!. Ayoko talaga dito, Luxe. Lahat nang kilos at galaw ko pinapakialaman ni Ama. Lahat nang gusto ko hindi ko magawa dahil palagi 'yon pinipigilan ni Ama. Wala akong kalayaan sa kaharian na ito!" Puno ng frustrasyon na sigaw ni Yheura sa kaniya.

Umiling si Luxe dito. Kapag nanatili siya sa kaharian. Ligtas ito! Hindi papayag si Luxe na siya ang dahilan ng kapahamakan nito!

"Alam ko 'yon pero ligtas ka dito, Yheura!"

"Ligtas bang muntik ka nang mamatay dito dahil sa sobrang lungkot? Ligtas ba ang mangyayari sa akin kapag pinapunta ni Ama si Hiriku sa ibang bahagi ng timog ha? Ako nalang nag-iisa dito, Luxe! Tatakas ka at aalis si Hiriku. Si Ina nasa tabi ni Ama palagi. Anong gagawin ko?! Iiwan mo ako dito ha?!" Mahinang sigaw ni Yheura sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin na aalis si Hiriku?! Lahat nalang ba papaalisin ni Ama?

Napahilamos ng mukha si Luxe sa inis at galit! Hindi na tama ang ginagawa ng kaniyang Ama. Hindi naman ganito noon! Ano na ang pinag-usapan nila ni Haring Elundreno at naging ganito si Ama?!

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon