Kabanata 44

159 10 0
                                    

KABANATA 44    

YAKAP ang sumalubong kay Hiriku pagmulat niya nang mga mata. Alam na alam niya kung sino 'yun.. Isang hawak o pag-lapit lamang nito ay alam na niyang si Yheura 'yun.

Hindi paman siya nakapagsalita nagulat siya sa biglang pag-lapit nang labi nito sa labi niya. Sa sobrang kagalakan ba kaya nagawa 'yun ng Princesa? Agad si Hiriku lumayo. Kailangan niyang pigilan ang naramdaman. Isa itong Princesa! Kahit kailan hindi sila karapatan dapat sa isat-isa. Kahit na Princepe siya noon pero iba na ang estado nang buhay niya. Isa na lamang siyang taga-bantay!

“Princesa, hindi mo dapat ginawa 'yun” Ani niya sa mahinahon na boses.

Ang nanunubig na mata nang Princesa ang sumalubong sa kaniya ngunit bigla ito tumalikod sa kaniya.

Kinastigo ni Hiriku ang sarili. Nakita niya ang sakit na bumalot sa mukha nang Princesa. Ano ang magagawa niya? Ayaw lang niyang mapahamak ito.

“P-pasensiya kana nadala lamang ako sa aking emosyon ko. Patawad" Nakatalikod parin ito sa kaniya. Gusto man niya lapitan ito pero hindi niya magawa. Naduduwag siya.

Mabigat ang dibdib niya na nakatingin sa Princesa.

“Sana hindi na 'yun mauulit”

Nakita ni Hiriku ang pag-kuyom nang kamay nang Princesa. Sa bawat bigkas ni Hiriku ay parang nabibigatan siya. Ito ang karapat-dapat na gawin kahit na mahalin niya ang Princesa mapapahamak at masasaktan lang ito. Ang Princesa ay para lamang sa Princepe. Iyon ang batas sa mundo na ito.

Nakita ni Hiriku ang libro ng kaniyang Ama noon na naglalaman nang bawal sa mundo na ito. Sobra siyang naapektuhan sa natuklasan niya sa mga kapatid. Kahit siya ay nasaktan at umiyak para kay Argon ganun rin sa kapatid niyang si Argara.

Kapag nilabag nila ang batas, kailanman hindi sila magiging masaya kahit anong gawin nila o laban.

Ayaw niyang hahantung sila ni Yheura katulad nang mga kapatid niya. Naging duwag man siya ngunit ayaw ni Hiriku mapahamak ang dalaga.

“S-sige..” Maikling sagot ng dalaga.

“Mas gustuhan ko pa ang isang alipin kaysa sa isang Princesa. Patawad pero hindi kita gusto.” Pag-sinungaling ni Hiriku.

Mas lalo itong masasaktan sa mga salita na sinabi niya. Bata pa lamang sila alam na ni Hiriku ang takbo nang isip nang Princesa.

“Pasensiya na rin ngunit nabigla lamang ako kanina at sasabihin ko sayo. Wala akong gusto sayo. Sino naman Princesa ang magka-gusto sa kaniyang taga-bantay?” Nanginginig ang boses nito.

Napa-pikit sa inis si Hiriku sa sarili. Mas pinili niya ang isip nito kaysa sa dinidikta nang kaniyang puso. Hindi niya ba pag-sisihan ang nagawa niya?

Sa loob ni Hiriku mayroon na paghihinayang subalit wala siyang magawa kundi tanggapin ang kapalaran niya.

“Mabuti na kung ganun, Mahal na Princesa”

“Huwag mo akong tawagin na Princesa!” May himig na galit ang boses nito.

Ngayon lamang ito nagalit sa kaniya. Ngayon lang siya nito sinigawan. Malambing ang boses ng Princesa at hindi kailanman pinangunahan ang emosyon pero ngayon tila mas nanaig ang sakit na nararamdaman nito.

“Yheura ang aking pangalan. 'Yun ang itatawag mo sa akin” Pagkatapos nito sabihin ay humarap ito sa kaniya. At, hindi ito makatingin sa mga mata niya. Namumula rin ang mga mata nito. Alam ni Hiriku na umiyak ito.

Pumunta ito sa maliit na lamesa at kinuha ang pagkain at binigay sa kaniya.

“Kumain kana at uminom nang gamot para bumalik ang lakas mo. Aalis na ako, pupuntahan ko ang kapatid ko”

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now