Kabanata 20

161 9 0
                                    

KABANATA 20

“NICHOLLO” Napalingon si Nichollo sa likuran niya. At, agad na bumungad sa kaniya ang kaibigan. Anong ginagawa nito dito?!

Nagtataka na tumingin si Nichollo sa kaibigan.

“Bumalik kana Ersyia, ayoko na mapahamak ka” Nag-alala na sabi ni Nichollo sa matalik nitong kaibigan.

Pupunta si Nichollo sa ibang bahagi ng mundo nila dahil gusto niyang makita ang ina. Gusto niya maranasan na maging malaya at makita ang labas ng mundo nila.

Subalit hindi gusto ni Nichollo na mapahamak ang kaibigan niya!

“Pero Chollo gusto ko sumama sayo. Isama muna ako”

“Ers, magagalit ang Ama mo at Ina. Ayoko na pagalitan ka at parusahan naman dahil sa akin.”

Ayaw niyang makita ang kaibigan nitong pinaparusahan nang ilang beses. Ang parusa na kailangan kalabanin ang mga mababangis na hayop sa kulungan.

Ngunit desidido ang dalaga na sumama sa kaniya. Ayaw nitong manatili sa mundo nila na puno nang galit ang nasa puso.

Nasasakal na ito sa kaniyang mga magulang dahil sa masamang balak nito sa mundo ng ibang bahagi.

“Malulngkot ako kapag hindi mo ako isama, Chollo. Ikaw nalang ang nagliligtas sa akin dito paano kung parusahan ulit ako ni Amang Hari? Kahit sarili niyang anak kaya niyang patayin Chollo at natatakot ako sa mangyayari. Gusto kung lumayo dito. Ayoko na dito” Nagmamakaawa na sabi ni Ersyia sa kaibigan nito.

Kilala na kilala nila ang isat-isa. Mula bata ay magkasama na sila. Alam rin nang dalaga na isang Dreaminiya ang ina ni Nichollo. Alam rin ni Nichollo na ang Ama at Ina nito ang may kasalanan kong bakit na-iwan ang kaibigan niya sa kaniyang Ama.

Galit na galit noon ang binata sa dalaga subalit nag-iba 'yon nang makita nang binata na sinasaktan ang dalaga.

Hindi naman gusto ni Nichollo na iwan ang kaibigan niya at tiyak na paparusahan ito dahil umalis ito. Ito lamang ang kaibigan niya at alam ng binata na tatanongin ito nang nakakataas kung bakit umalis ito.

“Delekado ang gagawin ko, Ers. Handa kaba sa mangyayari? Gusto ko lang makita ulit ang Ina ko”

Hindi nito sinabi na gusto rin nang binata na makita ang gusto niyang babae?

“Handa na handa ako Chollo basta wag mo lang akong iwan dito.”

Walang nagawa si Nichollo kundi tumango sa kaibigan. Niyakap nang dalaga ang binata. Alam ni Nichollo na matapang si Ersyia sa pakikipaglaban at ito ang hinahangaan sa kanilang mundo. Pero kahit na ganun ay handa niyang protektahan ito. Dahil kahit iba ang nasa isip ng kaibigan. Hindi mapapantayan ng Princesa ang naramdaman niya dito.

Kinuha ni Ersyia ang itim na bag nito at isinabit sa braso niya ganun rin si Nichollo.

“Kahit anong mangyari wag kang aalis sa tabi ko. Ako ang bahala sayo.”

Tumango ang babae at nilapit nila ang espada sa isat isa bilang sang-ayon at isang pangako sa isat-isa.

“Umalis na tayo”

Nag-tago ang dalawa sa malaking bato. Hinihintay pag-dilim para makalabas ang mga ito sa malaking tarangkahan ng kaharian ng Nykirian.

Maraming kawal ang nagbabantay sa paligid at nahihirapan silang lumabas!

Ang kaharian nila ay may limang Hari. Ang una ay NY na hari. Ito ang pinakamalakas na Hari sa buong Nykirania na pinamumunu-an nang  lolo ni Nichollo. Ang ikalawa ay KI ito ay taga-salita o balita nang nakakataas na Hari, lahat ng KI noon man at ngayon ay anak nang nakakataas. Ang ika-tatlo ay RI ito ay ang Hari na mandirigma, sila ang gumagawa nang plano sa pakikipaglaban. Ang ika-apat ay AN ang hari nang taga bantay sa kaharian ng Nykirian. Pinamumunu-an ng ama ni Ersyia kaya hindi dapat ang dalawa  makita nang mga kawal dito.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now