Kabanata 25

148 8 0
                                    

KABANATA 25

NAIIRITA na tumingin si Argon sa babae na kasama niya. Naririndi na ako sa boses nito.

"Hoy Hart! Pansinin mo ako" Ngumuso si Louisa na nakatingin sa kaniya.

Hindi niya ito pinansin at nag-lakad lakad palayo dito. Napatigil si Argon nang tumakbo ito at tumalon sa harapan niya. Nag-aba ito sa likod niya! Hindi ni Argon inaasahan ang ginawa nito..

"Pwede ba? Masakit na kasi ang paa ko, Hart." Nagmamakaawa ang boses nito.

Malalim na bumuntong hininga ni Argon. Sobrang kulit nang babae na ito at wala rin tigil ang bunganga nito kaka-salita!

Bakit ba tinatawag siya nitong Hart? Ano kahulugan nun?

"Kasalanan ko ba? Tatakbo ka nang parang baliw-"

"Baliw sayo?! Ayiee. Kiligin ka, please"

Tangina!

Tumigil si Argon at binitawan ito.

"Baliw kana talaga"

Napasimangot itong tumingin sa kaniya. Napatanga naman si Argon na tumingin sa naka-simangot na mukha ng dalaga. Ngayon lang siya naging ganito sa isang babae at taga-lupa pa talaga? Para itong dyosa kapag naka-ngiti.. Ang namumulang pisnge nito kapag ngumingiti. Ang mapupulang labi nito at ang mahabang pilikmata nito. Bagay na bagay sa dalaga.

Napa-iling si Argon sa iniisip. Umiwas rin siya nang tingin nang matiim na tumingin ito sa kaniya.

"Argon !" Sigaw nito nang mag-simula na sana siyang mag-lakad.

Bakit ba mabilis ang kislop nang dibdib ni Argon pagdating sa dalaga? Masarap sa pandinig na marinig na tinatawag nito ang pangalan niya.

"From now, you will be my boyfriend! Gwapong boyfriend" Kinikilig pa ito habang sinasabi 'yun.

Anong sabi nito? Hindi 'yon maintindihan ni Argon! Minsan nagsasalita ito na hindi niya maintindihan. Kaya kahit na wala siyang alam. Tango lang ang sagot nito dahil alam niyang hindi siya tantanan ng dalaga.

"Anong sinasabi mo ?"

Humihighik ito na tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Bakit ito tumatawa?!

Magandang baliw!

"Basta tumango ka nalang, Hart!"

Walang pinagbago ganito naman palagi ang sinasabi nito sa kaniya.

Walang pag-alinlangan na tumango si Argon sa dalaga. Bahala na ang babae na ito. Sasakit lang ang ulo ni Argon kakaisip kung ano ang kahulugan nang mga salita na 'yun.

"Happy first day my Hart!"

Nanlaki ang mata ni Argon nang dumukhaw ito palapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge?! Nanigas lang si Argon at hindi makapaniwala sa ginawa ng dalaga. Ito ang kauna-unang may humalik sa kaniya!

"A-anong g-ginagawa mo ?" Nauutal na tanong ni Argon dito.

"I kiss you because you're my boyfriend. Ang swerte mo nga dahil unang halik ko 'yan" Bulong ni Louisa sa hulihan.

Sana sa lips nalang, sayang! Ang pula-pula kaya ang Labi ni Argon. Hmmp!

Salpok ang kilay ni Argon sa sinabi nito. Hindi ko siya maintindihan!

Magkabilang Mundo (BOOK1)Onde histórias criam vida. Descubra agora