Kabanata 6

252 15 0
                                    

KABANATA 06..

SA kaharian ng Dremaniya o tinatawag na Dreaminian, ang hari ay nababahala sa kaniyang pamilya. Nanunumbalik sa kaniya noon ang nakaraan, nakaraan na noon paman niya binaon sa limot, nakaraan na nag-dala sa kanila ng kasiyahan at ma-tinding sakit, pag-dusa, pagsisisi at pangungulila.

"Paumanhin kamahalan pero kailangan po ang pahintulot niyo sa baryo ng Katinsilya"

Does he deserve to be called a King? Kung alam naman niyang wala siyang dugong bughaw?

Tumayo ang Hari at nakatingin sa labas ng kaharian niya, ang baryo ng Katinsilya ay tatlong po't lima ang layo sa kaharian na ito.

"Sabihin mo sa akin Gazo, may nangyari bang hindi kaasa-asa ?"

Yumoko ang pangalan na Gazo.

"Paumanhin ulit kamahalan, nahuli kami nang dating at hindi namin nailigtas ang mga ibang taga baryo doon, kinuha po ang lahat ng mga barya, prutas, mga kagamitang pandigma at lalo na po ay pinatay po ang lahat ng lalaki sa Katinsilya. Nanganganib na po ang mga Dreaminian kamahalan"

Napabuntong hininga ang hari at nag isip kung ano ang gagawin, sa labing walong taon ngayon lang sila ulit bumalik at sumira sa kaniyang kaharian. Anong kailangan nila? Bakit kailangan pang patayin ang walang mu-ang na mga taga Katinsilya?

"Lagyan mo nang isang da-ang kawal na magbantay sa lahat ng baryo sa kaharian ko Gazo, ayaw kong maulit ito. Protektahan at bigyan ng pagkain ang lahat ng mga taga Dreaminian huwag mong hayaan na kahit isa ay may mamatay naman ulit ."Mahinahon na sabi ng hari.

Tumango si Gazo at aalis na sana nang nag salita muli ang Hari.

"Hanapin mo ang dalawa kung anak, pauwi-in mo sila ngayon din"

"Masusunod po, Kamahalan"

Matapos 'yon ay lumabas si Gazo at may pumasok naman na isang kawal kasama ang isang lalaking naging malaking parte sa buhay ng lahat ng Dreaminiya.

"Magandang hapon sayo kaibigan"

Nagulat at hindi makapaniwala na tumayo ang hari at lumapit sa kaibigan. Hindi nito akalain na bumalik ito at nag pakita sa kaniya. Dahil sa nangyari noon kinulong nito ang sarili sa pinagbabawalan na kagubatan kasama nito ang alaga na si Louises.

"Argon bandie! Bandie !"

Bandie ang kahulugan ay kaibigan sa Dreaminiya.

"Nagagalak akong makita ka ulit, Kaibigan. Labing walong taon tayong hindi nagkita, ngayon nakikita ko maraming nag bago" May ngiti sa labi sabi ng kaibigan ng hari.

"Salamat Bandie, maaari ko bang malaman bakit nag iba ang ihip ng hangin at nandito ka? Sakit at galit pa ang nasa puso mo Argon hindi basta-basta lang ang ginawa mo labing walong taon na ang nakaraan ."

Nagkatitigan ang hari at si Argon, makikita na hinahalungkat at binabasa ang isipan ng isat-isa.

"Ayoko ulit mawalan ng mahal sa buhay Hylem, masakit at pagsisisi ang nasa puso ko."

Nawalan ang ngiti sa mukha ng hari sa sinabi ng kaibigan niya, alam niya ang nangyari noon kay Argon at sa mahal nitong babae. Katunayan ay minahal niya din noon ang babaeng laman ng puso nito pero naramdaman nila ni Louisa na hindi sila para sa isat-isa kaya pinakawalan nila ang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Minsan nakakagawa tayo ng maling desisyon dahil sa mahal natin sa buhay, Argon. Pinatay mo siya hindi dahil sa kapakanan ng taga Dreaminian pinatay mo siya dahil mahal mo sila"

Dinaluhan ng hari ang kaibigan nitong nakayuko at nakaluhod sa semento. Nasasaktan at puno ng pagsisisi ang makikita sa mga mukha nito.

"Alam mong nagdadalang tao siya sa anak namin, alam mong mahal na mahal ko siya, alam mong kung gaano ko ito pinaglaban sa ama ko, alam mong halos buhay ko binuhis ko para sa kaniya, alam m-mong. A-alam mong tinalikuran ko ang lahat dahil sa kaniya. Alam mo ang dahilan kung bakit pinatay ko siya, p-pinatay ko siya ... p-pinatay ko sila"

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now