Kabanata 32

137 11 9
                                    

KABANATA 32

“YHEURA!” Isang malakas na sigaw ni Luxe sa kapatid niya. Hindi siya mapakali hanggat hindi niya nakikita kung nasa maayos na kalagayan ang kapatid at kaibigan. Bakit? Bakit ginagawa ito sa kanila ni Ama?

Hindi ba nito alam na sinaktan siya?! At, lalo na nandito sila, kinukulong!

“Yheura! Hiriku !” Desperado ang boses ni Luxe na marinig nang kapatid niya ito. Ilang oras na siya naghihintay pero wala talaga.. Para bang ang layu ng kapatid at kaibigan niya.

Bakit?!

Hindi kona alam kung nasaan ang mga ito! Nag-aalala ako sa kalagayan nang kapatid ko at Hiriku!

Malakas ang pwersa na hinampas niya nang matibay na upu-an ang pintu-an. Kahit na masakit na ang paa ni Luxe, malakas na tinadyakan niya ang pinto ng paulit-ulit. Subalit hindi man lang bumukas.

Isang linggo na kami dito. Nasaan naba si Ama at Ina? Okay lang ba sila?

Napasabunot nang buhok si Luxe. Gulong-gulo at hindi siya mapakali! Kailangan gumawa siya nang paraan para makatakas dito! Kailangan niyang mahanap kung saan ang kapatid at Hiriku!. Baka ano na ang nangyari sa dalawa?!

Napa-atras si Luxe ng marinig ang boses ng mga kawal.

'Bibigyan naman ako nang pagkain tapos ano? Sasaktan? Ilan hampas naman ng kamay o tadyak kapag hindi ako kumain?.'

Napaayos si Luxe ng bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang kawal. Agad rin nagmamadali ang mga ito na sinirado ang pinto.

'Ang pagkain nila, kakaiba kaysa pagkain nila noong nakaraan na araw.'

Naka-kunot ang noo ni Luxe. Maingat at yumuko ang isang kawal na binigay ang pagkain sa kaniya.

'Sandali lang, bakit ganito sila sa akin? Dapat ngayon ay umalis na ang mga ito, diba?'

Naguguluhan si Luxe na tumingin sa kanila. Ano ba ang nangyayari?

“Kumain kana para bumalik ang lakas mo. Kailangan mo 'yun sa dadating na dalawang buwan” Pag-umpisa nila.

Sino ba sila?

'Ibig sabihin ganito sila dahil sa dadating na kasal ko daw?'

Napamura si Luxe sa isip niya! Kung ganun lang naman, mas mabuti nang mamatay nalang si Luxe sa gutom kaysa magpakasal sa hindi niya naman gusto.

'Bakit ba pinipilit nila yung taong kahit kailan hindi ko magugustuhan?!'

“Kung dahil lang sa kasal ang dahilan bakit niyo ako dinadalhan nang pagkain mas mabuti kung umalis na kayo—” Pinigilan siya nang isang kawal. Walang emosyon ang mga mata nito na naka-tingin sa kaniya.

Nakaramdam siya ng kaiba sa bawat tingin nito. Hindi ito kawal!

“Kumain kana” May pagbabanta sa boses nito.

Nagulat si Luxe nang kinuha nang dalawa ang takip sa mga ulo nila na nakukunekta sa kanilang mga bibig. Hindi niya mamukhaan ang dalawa kanina dahil halos mata nalang ang nakikita niya.

“Gazo ?” Gulat na tawag ni Luxe.

Bakit may babae na kawal?

Naguguluhan si Luxe sa nakikita niya. Ano ba talaga ang nangyayari?

Yumuko si Gazo sa kaniya habang ang babae ay matiim lang nakatingin sa kaniya. Binabasa ang bawat ekspresyon niya.

“Paumanhin, Princepe Luxe. Pero kahit anong mangyari nasa tabi lang po ako ninyo nang Princesa” Magalang na sabi ni Gazo.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon