Kabanata 30

146 9 19
                                    

KABANATA 30

MAHIGPIT na hinawakan ni Louisa ang kamay ng anak.

'Louis, gumising kana. Bumalik kana, baby..Please?' Mahinang bulong ni Louisa sa natutulog na anak. Kasalanan niya ang lahat. Lahat ng naranasan ng anak niya ay kasalanan niya!

Ayaw ni Louisa bumalik sa mundo na 'yun! Pero, matitiis niya kaya ang anak? Ayaw niyang maulit ang nakaraan. Ayaw niya maranasan 'yun ng anak! But, Louis eager to be with her and Louisa is heartless to left her without any words to say. Kaya gumagawa ng paraan ang anak para makuha ang atensiyon niya pero naging masama siyang Ina.

"A-argon.." Mahinang bulong niya.

Tatanggapin nalang ba niya? Papatawarin niya ba ito? Louisa can't deny anymore, she's longing for Argon presence and love. Nangungulila siya sa kasintahan. Pero 'yung sakit na binigay ni Argon ay nakabaon parin sa dibdib niya, bumibigat na. Hindi 'yun mawawala at alam naman niyang mawawala lang ito kapag bumalik siya.

But, Louisa can't forgive him. Naninikip ang dibdib niya, bumibigat kapag naalala niya ang ginawa ni Argon sa kanila.

Pinatay niya kami na parang hindi niya ako minahal! Parang, hindi nito iniisip na dinadala ko ang anak niya!

Napasubsub si Louisa sa kama ni Louis. Namilisbis ang patak nang mga luha niya hanggang sa humagulgul na si Louisa.

"Anong gagawin ko, Louis? Masakit ang ginawa nang Ama mo! M-masakit" Walang pakialam si Louisa kahit hindi man siya marinig ng anak. Gusto lang niya ilabas ang hinanakit niya. Gusto ni Louisa ilabas ang sakit na kinimkim niya sa dibdib mula nang nawalay siya sa kasintahan.

"Kahit anong gawin ko, Louis. Kahit gusto ko nang kalimutan. Nakatatak at nakabaon na 'yon sa isip ko, anak.
Gusto ko siyang patawarin pero hindi mawala ang sakit na binigay niya sa akin! Sa atin! Bumalik kana dito, Louis. Bumalik kana dito, baby" Hinaplos niya ang pisnge ni Louis.

"I'm sorry, Louis! I'm sorry. Mama was bad. Mama miss you. Bumalik kana."

"Sorry Louis dahil hindi kita nabigyan nang kumpletong pamilya. Sorry dahil pinabayaan kita, anak. Nasasaktan lang talaga si Mommy, sobrang galit si Mommy, wasak na wasak si Mommy, baby. Kapag nalaman mo ang totoo baka hindi mo makaya 'yun. Kahimuhi-an mo ang daddy mo. Even though it's painful still I don't want you to hate him like what I've felt, Louis. Gusto ko maramdman mo ang pagmamahal nang isang Ama. Ayoko na matulad ka sa akin. Wag mo nang tanungin kung ano ang nangyari sa amin nang Daddy mo, Louis. Dahil kapag ginawa mo 'yon baka mas lalo akong masaktan.." Basag na basag ang boses ni Louisa habang kinakausap ang anak.

Being with Argon is the most amazing and best choice in her life but everything has an ending and that ending is, he killed her and Louis in his world. Pero, kahit ang sakit-sakit umaasa parin siyang mag-kikita sila ulit.

NAPABALIKWAS si Louis nang bangon dahil sa panaginip niya. Lumalakas ang iyak ni Louis ng makita niya sa panaginip ang Ina. Napayuko si Louis at napasubsub sa nakatapat niyang tuhod. Something inside her crumpled in pain hearing those painful sobbed of her mother. Dahil sa ama niya?

"M-mommy?" Bulong niya sa sarili.

Totoo ba ang panaginip niya? Bakit sapalagay niya totoo 'yun? Bakit nararamdaman niya ang hawak o yakap ng Ina niya?! 'Yung iyak ng ina, 'yung boses nito, 'yung sakit sa mata nito bakit ang sakit-sakit na makita at marinig 'yun?

Tuloy-tuloy ang luha ni Louis kapag naalala ang panaginip na 'yun. Why it's too hard from Mom to be with her? Why?! Sa bawat sakit niya noon, sa bawat takot niya sa dilim at sa bawat bagsak niya. Kailangan na kailangan niya ang aruga ng Ina at pagmamahal nito. But, no one's there for her, ony herself. Ang sakit-sakit sa dibdib na maalala ang pinagdaanan noon! Nag-iisa siya at takot na takot pero walang Ina at Ama ang nasa tabi niya!

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now