Kabanata 39

141 10 0
                                    

KABANATA 39

A-ARGON!Agad na nilapitan ni Argon si Louisa nang nanginginig ito sa lamig. Mabuti nalang at may nakita silang maliit na kweba. Tumigil muna sila at sumilong dahil ang lakas ng ulan. Basang-basa silang dalawa at nanginginig.

Hinawakan ni Argon ang noo ng dalaga at mahina siyang namura nang mainit ito! Namumutla at nanginginig rin ito.

“Sandali lang gagawa ako nang apoy, H-hart.” Nag-alala na tumingin siya dito.

“Ang l-lamig, Hart. Ang lamig” Niyayakap nito ang sarili at pikit ang mata nito.

Mabilis ang kilos ni Argon. Kailangan niya gumawa nang apoy para mabawasan ang lamig sa katawan nila lalo na ang kasintahan niya.

Matapos niyang gawin 'yun, pumunta siya sa kasintahan at tiningnan kung ano ang magagawa niya. Wala akong alam sa ganito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!

Natataranta si Argon. Nagiging blangko ang isip niya dahil sa pag-alala dito.

H-hart

Bumaling ang tingin niya kay Louisa. Hindi na nito kaya ang lamig!  Napakurap-kurap si Argon sa ginawa nito. Nag-hubad ito nang damit?!

L-louisa, anong ginagawa mo?” Pinigilan niya ang kasintahan subalit napatigil siya ng makita ang pakiusap nito. Basang-basa sila at dumadagdag ang malakas na simoy ng hangin.

Agad na umiwas siya ng tingin dito at tumingin sa paligid. Baka may iba pa dito maliban sa kanila. Nakahinga si Argon ng maluwag ng makitang wala naman tao maliban sa kanila. Kaya naman niya ang lamig pero hindi yata kakayanin 'yun ng kasintahan.

Nag-aalala siya ng husto kay Louisa!

Y-yakapin mo ako? H-hindi kona kaya ang l-lamig, higit isang oras na tayong basa” Nanginginig ang labi ni Louisa habang nagsasalita ito.

Huminga ng malalim si Argon.

Maingat na pumunta siya kung saan ang kasintahan at pinulupot ang katawan niya dito. Sinubsub ni Louisa ang mukha sa dibdib niya at mahigpit siyang niyakap. Sa isip ni Argon, kasalanan niya kung bakit mas lalong napupunta sa peligro ang kasintahan. Pero, wala siyang magawa kundi mag-tiis para makasama ito, para makalayo

L-louisa. Magiging okay ka rin, diba? Gusto mo bang umalis nalang tayo—”

Umiling ito. Naninikip ang dibdib niya ng maramdaman ang panginginig nito. Wala natin kulay ang labi at pagod rin ito.

Pumikit muna si Argon at hinubad ang damit. Siguro, makakatulong ito para mabawasan ang malamig na katawan nila. Hinila niya ang kasintahan at ulit na niyakap ito. Kinuha niya ang balabal at binalot 'yun sa katawan nila.

Paulit-ulit niyang hinalikan ang noo ng kasintahan. Mariin na kumuyum niya ang kamay sa naramdaman.

Hindi lang lamig ang nararamdaman ni Argon. May bumalot na ibang emosyon doon na hindi niya mapangalanan. Kailangan niyang kontrolin ito. Kailangan dapat! Minsan lumalampas sila sa limitasyon nila pero ang ganitong sitwasyon, hindi niya alam kung paano niya pipigilan ito.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon