Kill #6

2.3K 238 107
                                    

"What are you doing here?" Nanigas sa kinatatayuan niya si Eyz. Hindi dahil sa malamig na boses nito, kun'di dahil may nakakita sa kaniya sa restricted area at isa lang ang ibig-sabihin no'n…

MADE-DETENTION SIYA!!!

Unti-unting tumingin si Eyz sa kinaroroonan nang boses at halos maiyak siya sa tuwa— hindi dahil guwapo ito, kung hindi dahil mag-isa lang ito. Ibig-sabihin ay maaari niya itong takasan.

At ibig-sabihin din no'n ay hindi pa siya nakikita nang mga estudyanteng akala mo ay manliligaw niya kung makahabol sa kaniya. Huminga nang malalim si Eyz.

"Anong pake mo? Ikaw nga nandito tapos ako bawal? Wow, naman discrimination 'yan." Napansin niya naman na nainis ito sa kaniya, pero wala naman siyang pake. Agad din itong nagseryoso, bipolar siya.

Pamilyar kay Eyz ang kaharap niya ngayon, pero hindi na siya nag-aksaya nang oras na alamin kung kailan at saan niya ito nakita. Papagudin niya lang ang isip niya sa pag-iisip.

"Lady, this is a restricted area." Malamig ang boses na saad nang lalaki. Ginawa niya 'atang almusal, tanghalian, meryenda, hapunan at midnight snack ang yelo kaya gan'yan kalamig ang boses niya.

"Alam ko, hindi ako tanga. Nabasa ko." Pabalang na sagot ni Eyz at tinuro ang sign board na nakasabit sa pader. "Ayan oh!" Napapikit ang kausap niya, napipikon na. Hindi niya tuloy naiwasan na puriin ang mahabang pilik-mata nito nang pumikit ito, sana lahat.

"Don't you know me?" Nagtitimping saad ni Kevin— ang kausap at napipikon kay Eyz.

"Bakit bagong member ka ba nang Exo?" Nag-isip kunwari si Eyz at tumingin pa sa taas habang hawak ang chin niya. "Shit! Hindi ako na-inform do'n ah." Kunwaring nanghihinayang na saad niya. "Pa-autograph naman, Oppa." Malambing na saad ni Eyz.

"Stop playing with me, Lady." Nagpipigil nang galit na saad ni Kevin. Kaunti na lang talaga at kakalimutan niya na babae ang kaharap niya. Masyadong malakas mang-asar, at hindi niya gusto 'yon.

"At kailan naman ako nakipaglaro sa'yo?" Tumaas ang kilay ni Eyz. "Hindi ko matandaan, paalala mo nga sakin."

"Nevermind. Get out of here, before I lose my patience."

Ngumisi nang nakakaloko si Eyz. "Edi hahanapin ko kapag nawala." At wala na, ubos na ang pasensya ni Kevin.

"You little witch!" Galit na sigaw ni Kevin. Akmang sasampalin niya si Eyz nang mahawakan ni Eyz ang kamay niya at itinulak. Hindi naman siya napaatras do'n kahit na malakas ang pagkakatulak sa kaniya. Parang tapik lang 'yon sa kaniya, masyadong mahina.

"Hoy! Badtrip na nga ako sa tang'nang Student Council na 'yan, Tapos makiki-epal ka pa? 'Wag gano'n brad." Umiling-iling si Eyz. "At hindi naman ako mapupunta diro kung hindi ako hinahabol nang mga tang'nang mga estudyante na 'yon dahil sa pauso nang mga baliw na Student Council." Huminga nang malalim si Eyz, pilit kinakalma ang sarili. "At nananampal ka nang babae? Bakla ka ba?" Nang-aasar na saad ni Eyz.

Ngumisi si Kevin. Alam na niya ang ganitong mga linyahan nang mga babae, gusto lang nitong magpahalik kaya sinabihan siya nang bakala. Napailing si Kevin, mga babae nga naman. Luma na ang style na ginagamit. "Gay? Want me to prove my sexuality?"

"Sure." Anong akala ni Kevin aatrasan siya ni Eyz? Sa panaginip niya lang mangyayari 'yon.

Unti-unting lumapit si Kevin kay Eyz.  Blangko lang ang ekspresyon nito. Habang si Eyz naman ay nanatili lang sa kinatatayuan, hindi dahil kinakabahan siya. Kun'di dahil wala namang sense kung aatras siya, mako-corner din naman siya ni Kevin at wala naman sila sa pelikula na kapag ganito ang eksena ay aatras siya, tapos mabubunggo siya sa pader, mapapalunok siya at ilalagay nang lalaki ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nang ulo niya para hindi siya makaalis. Walang gano'n dahil nasa reality siya, at hindi papayagan ni Eyz na mangyari 'yon sa kaniya.

"So…" Kinagat ni Kevin ang lower lip niya. At nakatanggap na naman siya nang papuri sa isip ni Eyz, sana all sexy ang dating kapag gan'yan ang ginagawa. 'Yung iba kasi kapag ginagawa 'yan nagmumukha lang na manyak. "Smack or French?" Pinigilan ni Eyz ang pagngiti sa tanong ni Kevin.

"Men, hindi naman halikan ang tinutukoy ko. Ito oh!" At sinuntok ni Eyz si Kevin. Napaatras si Kevin sa lakas nang suntok ni Eyz. Hinawakan niya ang nagdudugong ilong.

"Fuck!" Inis na bulong ni Kevin. Tiningnan niya nang masama si Eyz, na hindi man lang natakot sa halip ay nginisian pa siya.

Para siyang nireregla sa dami nang tumutulong dugo sa ilong niya. Panlalait ni Eyz kay Kevin.

Kumuha nang panyo si Kevin sa bulsa nang suot na slacks at pinunasan ang ilong na patuloy na dumudugo.

"You know what? I'm pissed." Blangko ang mukhang saad ni Kevin.

"Hello, pissed. I'm happy." Kumaway pa si Eyz, nang-aasar at nagtagumpay naman siya dahil naasar niya si Kevin. Sa paningin ni Eyz ay isa nang dragon si Kevin, guwapong dragon.

May kinuhang papel si Kevin sa bag na dala at sinulatan iyon. Ibinigay niya 'yon kay Eyz, na kinuha nman ni Eyz. Napataas ang kilay ni Eyz nang makita kung ano iyon, detention slip lang naman. "Detention for two hours.''

Aalis na sana si Kevin nang biglang hawakan ni Eyz ang braso nito. Ngumiti si Eyz kay Kevin, 'yung ngiti na nang-uuto at may kailangan. "Bakit naman? Wala naman akong ginagawa na against sa rules." Inosenteng tanong ni Eyz, kahit hindi naman talaga siya inosente. Dahil may nagawa naman talaga siyang against sa rules. Nagbabakasakali lang naman siya na makalusot siya, hindi naman masama mag-try.

"Try harder, witch." Tinanggal ni Kevin ang kamay ni Eyz sa braso niya. Suminghap si Eyz at sinampal si Kevin. Makaganti man lang sa pagtawag sa kaniya nang witch. Hindi siya papasa bilang witch, prinsesa pwede pa.

"Jerk. Sino ka ba para bigyan ako nang detention slip?"

"I'm the President."

"Ah. Ikaw pala ang pinuno nang mga taong kinainisan ko." Napailing si Eyz. "Alam mo bang nahihirapan at napapagod na ako?" Mahinang saad ni Eyz. Hinawakan niya si Kevin, na agad nagtaka sa ginawa niya. "At gutom na din ako!" Biglang sigaw ni Eyz, sabay tinuhod ni Eyz ang 'family jewel' ni Kevin. Napasigaw at napaluhod si Kevin sa sakit, habang hawak ang kaniyang 'family jewel'.

Agad na tumakbo paalis si Eyz para hindi na makaganti sa kaniya si Kevin. Rinig niya ang sigaw nito na gagantihan daw siya. Hindi pinansin'yon ni Eyz, wala naman kasi siyang pake kung gaganti man si Kevin. Napahinto si Eyz sa pagtakbo nang nasa tapat na siya nang girl's dorm.

Pagkapasok niya sa kwarto ay agad siyang nahiga sa kama, napagod siya sa pagtakbo. Hindi pa man nakakapagpahinga si Eyz ay may pumasok na kwarto nila ni Shella mula sa bintana. Napabalikwas siya nang bangon, nanlalaki ang matang nakatingin kay Watch na hinihingal na nakahiga sa sahig.

Anong nangyari sa baliw na 'to? Ang tanong niya sa isip.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Eyz. Ngumiti si Watch at napakamot sa ulo.

"Ang dami kasing humahabol sakin, kaya dito ko naisipan na pumunta." Inis na napasinghal si Eyz. Ipapahamak pa siya ni Watch, imbes na hindi matutuloy ang pagpunta niya sa detention ay baka matuloy na 'yon kapag nahuli nila si Watch sa kwarto niya.

"Baliw ka ba? Paano kapag may nakakita sayo dito? Edi yari tayo pareho. Bakit kasi hindi ka na lang do'n sa dorm mo. Hindi ka nag-iisip."

"Hinahabol din kasi ako nang roommate ko." Rason ni Watch. Tumayo si Watch at umupo sa sofa.

"Pahamak ka talagang Relo ka." Sumusukong saad ni Eyz. Natawa naman si Watch dahil do'n.

"Eyz! Pabukas naman nitong pinto." Nanlaki ang mata nang dalawa nang marinig ang sigaw ni Shella.

They're doomed.

****

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now