Kill #56

694 37 0
                                    

"Eyz!" sigaw ni Watch at tinulungan ang dalaga na maupo. Nakahinga sila ng maluwag dahil gising na ito matapos ang dalawang oras.

Hinawakan ng dalaga ang ulo niya ng makaramdam ng hilo. "A-ano ba ang nangyari?"

"May bumaril sa'yo kanina, Eyz," sagot ni Watch. Nilingon niya si Yera, "Paabot naman ng tubig sa bag." Agad naman itong binigay ni Yera. "Inom ka muna, Eyz." Itinapon lang ni Watch ang plastic bottle na wala ng laman sa kung saan, matapos uminom ng dalaga.

Tiningnan ni Eyz ang mga kaibigan at nagsalubong ang mga kilay niya ng mapansin na may dalawang nawawala. "Nasa'n 'yung dalawang yelo?" Nagtataka niyang tanong.

"A-ah, may pupuntahan lang daw sila."

"Saan naman 'yon? Mas importante pa ba 'yon keysa sa'kin?"

Tumango si Watch. "Oo daw, e. Pero malapit na 'yon, three hours lang daw silang mawawala."

"Ah, talaga?" Walang ganang tanong ng dalaga. Hinawakan niya ang brasong may benda at tumayo. Inalalayan siya ni Watch pero pinatigil niya ito, hindi naman paa ang may sugat sa kaniya, kun'di braso. Hindi siya lumpo para kailangin pa ng alalay.

"Ilang oras na ba silang wala?" tanong niya kay Watch.

"Dalawang oras na." Tumango siya at nilingon ang mga kaibigan na nakatingin lang sa kanila. "Oh, problema niyo? Nagandahan na naman kayo 'no?" Pagyayabang niya at hinawi ang buhok niya.

"Ang hangin mo talaga, Eyz. Tinitingnan lang namin kung paano kayo maglambingan ni Watch." Panunukso ni Sier.

Awtomatikong napairap ang dalaga. "Nasa'n banda ang lambingan do'n? Paki-explain nga."

"Wow, magaling ka na, Eyz." Manghang saad ni Daria.

"Alam mo na magaling na ako, pero bakit ako hindi? Abnormal ka?" Sarkastikong ani Eyz. Mabuti pa si Daria alam ng magaling na siya, pero siya ay 'di niya naman dama. Medyo nahihilo pa nga siya, pero kaya pa naman niyang tiisin.

"Nang-aasar at nagtataray ka na e." Nakangiting sagot ni Daria na para bang isang sagot sa mahirap na tanong ang sinabi niya.

Napabuntong-hininga si Eyz, hindi na siya muling nagsalita pa. Mas lalo lang siyang mahihilo kung makikipag-usap pa siya kay Daria, nakakabaliw itong kausap.

"Kevin!" sigaw ni Kyrie at kumaway sa dalawang bagong dating. Tango lang ang sagot sa kaniya ng binata, at hindi na bago 'yon.

"Nahanap niyo ba?" tanong ni Watch.

"Anong nahanap? May hinanap kayo? At bakit may  nakasabit na shotgun sa likod mo pinsan? Ikaw din, Kevin, anong meron ay mayroon ka namang tatlong baril d'yan sa bewang mo?" Nagtataka at nagdududang tanong ni Eyz, habang nakatingin sa pinsan na hindi naman siya pinansin.

"We'll do your plan, Eyz." Seryosong ani Kevin. Hindi niya sinagot ang isa pang tanong ng dalaga.

"Eh?" Naguguluhan na sabi ni Eyz. Tiningnan niya ang dalawang binata, magkasalubong ang mga kilay niya. Nawala sa isip niya na may hindi pa pala sinasagot ang dalawa, sa halip ay napuno 'yon ng kaguluhan.

Anong kinain ng Presidenteng 'to at bigla na lang pumayag sa stupid plan ko daw? Namaligno ba siya?

"Bakit naman bigla ka na lang pumayag, Kevin?" Nagtataka ring tanong ni Watch.

Hindi sumagot si Kevin kaya napakamot sa batok si Watch, ang saya talagang kausap ni Kevin.

"Sungit," bulong naman ni Eyz na nainis sa hindi pagsagot ni Kevin sa tanong ni Watch. Curious din siya sa dahilan nito, gusto niya tuloy iuntog sa puno si Kevin baka sakaling magbago ang ugali nito kahit slight lang. Masyado nitong pinapanindigan ang pagiging yelo.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now