Kill #17

1.1K 90 34
                                    

Nag-ingay, at nagsigawan ang mga estudyante. Lahat ay nasasabik, kinakabahan at 'di mapakali.

"May you survive." Huling sabi ni Kyrie bago ito bumaba sa stage at tumabi sa mga kasamahan na Student Council officers. Hindi nagtagal ay pinatawag naman nang Headmistress ang mga leader nang bawat grupo, sa kabuuan ay fifty groups ang nabuo.

Kasama si Watch at Kevin sa pumunta sa stage, dahil pareho silang leader nang grupo nila. May kinuha sila sa isang malaking kahon na naglalaman nang mga quest na gagawin nila. Nang makabalik si Watch ay may dala na siyang isang maliit na black envelope.

Binuksan niya ito at kinuha ang papel na nakapaloob dito. Isang scented paper ang nakapaloob do'n at may nakasulat dito.

'Find the Necklace of the Headmistress, finish the quest for one week and your group will move to final quest. Goodluck, students.'

Isang kwintas na napapaligiran nang mga silver diamond na may iba't-ibang hugis at laki, may gold diamond itong pendant. Nang lahat ay makuha na ang kani-kanilang mga quest, pinapasok na sila sa kagubatan at do'n magsisimula ang kanilang laban para sa buhay.

Ang grupo nila Eyz pumasok na, magkakahawak-kamay sila dahil sa kaba at siyempre ay si Watch ang nakahawak sa kanang kamay ni Eyz, dumidiskarte lang siya. Habang ang dalawang mag-ex naman na may issue sa isa't-isa ay magkahawak kamay— pinilit kasi sila nang mga kasama— siyempre hindi kasama si Dajiel at Eyz do'n.

Mga dahon na nagkalat, mga patay na puno at ang huni nang mga ibon, may naaamoy din silang masansang at parang nabubulok hindi lang nila matukoy kung ano ba ito. Palinga-linga ang grupo nila Eyz, alerto sa anuman ang maaring mangyari. Napahinto sila sa paglalakad nang biglang may narinig silang kaluskos, agad na binuhat ni Eyz si Eyxciel, hindi niya pinansin ang mga kasama na agad natakot. Mas importante sa kaniya ang aso niya, sa 'di niya malamang dahilan.

Hindi nagtagal ay lumabas si Kevin at ang apat niyang kasama. Nakahinga nang maluwag sila Eyz, akala niya pa naman ay kung ano na.

Agad na tumuon ang mga mata ni Kevin kay Eyxciel, nangunot ang noo niya at napamaang, nang mapansin 'yon ni Eyz ay agad niyang itinago si Eyxciel sa kaniyang mga braso. Iniisip niya na baka may balak na masama o gustong kunin ni Kevin si Eyxciel, hindi siya makakapayag do'n.

"You…" Itinuro ni Kevin si Eyz na pilit pang itinatago si Eyxciel sa paningin ni Kevin. Itinuro ni Eyz ang sarili.

"Ako?" Nagtataka niyang tanong. Nagtatanong sa isip kung anong problema sa kaniya ni Kevin at kailangan pa siyang ituro.

Tumango si Kevin. "Yes. Where did you get that dog?" Tanong nito kay Eyz. Napatingin tuloy si Eyz kay Eyxciel, tapos ibinalik ang tingin kay Kevin.

"Bakit mo naman tinatanong?" Sa halip na sagutin ay tinanong ni Eyz si Kevin. Sasagutin niya lang ang tanong ni Kevin kapag may maayos itong dahilan kung bakit ito nagtatanong kung saan niya nakuha si Eyxciel.

"Just answer me." Madiin na saad ni Kevin. Naiinis kay Eyz dahil sa halip na sagutin na lang ang tanong niya ay tinanong siya nito pabalik.

"Ayoko nga, nanliligaw ka ba?" Pang-aasar ni Eyz. "At kung manliligaw ka man ay hindi pa rin kita sasagutin." Dagdag pa niya na nagpainis kay Kevin.

"Just answer my damn question, Witch." Galit na sigaw nito. Napaatras naman ang mga kasama ni Kevin dahil sa lakas nang sigaw ng leader nila.

"Mama mo witch." Pang-aasar pa ni Eyz kay Kevin. Hindi man lang siya natakot kay Kevin na galit nang nakatingin sa kaniya.

"You… Witch! Just answer my fucking question before i lose my patience." Nagtitimping saad ni Kevin.

"Ayaw ko." Nakangising sagot ni Eyz.

Sasagot pa sana si Kevin nang biglang nagsalita si Watch.

"Uh… Bakit mo tinatanong, Pres.?" Hindi niya na gustong humaba pa ang bangayan nang dalawa dahil nakakarindi na at nakakaramdam siya nang kaunting selos.

"You don't need to know." Masungit na sagot ni Kevin.

"Hindi kasi sasagutin ni Eyz ang tanong mo kapag wala kang maibigay na dahilan sa kaniya." Pagpapaliwanag ni Watch kay Kevin.

Tinapik ni Eyz ang balikat ni Watch. "Very good, Relo. You know me to well." Nakangisi itong nakatingin kay Kevin na napapikit na lang sa inis, kaya naman hindi niya nakita ang pamumula nang mukha ni Watch dahil sa kilig.

Kaniya-kaniyang tukso naman ang siyam na kasama nila Eyz kay Watch na nakangiting nakatingin kay Eyz at namumula.

"Yiieee... Improvement 'yan." Tukso ni Chail.

"Kailan ang monthsarry?" Ang advance na tanong ni Lixon. Monthsarry agad hindi pa nga nanliligaw si Watch at hindi naman nila alam kung papayag ba si Eyz na magpaligaw kay Watch.

"Anong date ang kasal?" Mas advance na tanong ni Breil.

"Abay ako." Si Daria.

"Ako bestman." Si Kairon.

"Bridesmaid si Yera." Saad ni Chiro na nagpatawa sa kanila. Napasimangot naman si Kairon at Yera.

"Ninong ako." Si Lixon.

"Sagot ko na ang gown ni Eyz." Si Sier. Naghiyawan sila dahil do'n.

"Paniguradong million ang halaga niyan." Si Yera.

"Manahimik nga kayo." Masungit na saad ni Dajiel. Natigil naman sila dahil sa pagsaway ni Dajiel.

Si Eyz naman ay nang-aasar na nakatingin kay Kevin, rinig niya ang pangtutukso nang mga kasama kay Watch pero hindi niya na lang pinansin.

"We should go now." Pagyaya ni Angelica— isa sa mga kaibigan ni Kevin.

"Yeah, we should." Pagsang-ayon ni Emira.

"Right, before i lose my patience." Pagsang-ayon din ni Kevin. Umalis na sila at iniwan sila Eyz.

Hinawakan ni Eyz si Eyxciel at kinausap na naman ito. "Hmm… Wala pala siya e, galing ko 'di ba?" Hinalikan ni Eyz ang ulo nang aso at tumingin sa mga kasama na patuloy pa rin ang pangtutukso kay Watch— nang mahina lang dahil baka magalit pa si Dajiel, na hanggang ngayon ay namumula pa rin. Masyado siyang kinilig.

"Tigilan niyo na nga 'yan." Pag-awat ni Eyz sa mga kasama. Tumigil na sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa isang oras na paglalakad nila, wala naman silang naging problema. Naging maayos ang kanilang paglalakad. Sa 'di kalayuan ay may nakita silang isang bahay na kulay puti. Gawa ito sa bricks at may ikalawang palapag, may nakita rin silang isang maliit na screen sa katabi ng doorbell.

Naglakad sila papunta do'n at nang kakatok na si Watch sa pinto, ay may biglang nahulog na palakol sa itaas. Agad siyang nahila ni Eyz, at ang resulta ay natumba sila. Si Eyz na nasa ilalim at si Watch na nasa ibabaw niya. Nagkatitigan sila, at walang nagsalita. Malakas ang tibok ng puso ni Watch, at namumula rin siya.

Naputol ang pagtititigan nila nang biglang maghiyawan ang mga kasama. Agad na tinulak ni Eyz si Watch at tumayo, inayos niya ang sarili at masamang tumingin sa mga kasama na nanunukso ang mga tingin. Kitang-kita nila ang pamumula nang mukha ni Eyz, hindi nga lang nila alam kung dahil ba sa hiya o kilig.

Si Watch naman ay namumula na naman, kinilig. At sigurado sila na dahil ito sa kilig at hindi sa hiya.

Tumunog ang isang napakalas na alarm kaya naman natigil ang pag-uusap nila. Napatakip sila nang tenga dahil sa lakas nito, mahigit dalawang minuto din itong nagtagal bago tumigil. Kung nagtagal pa siguro ito nang limang minuto, baka nagdudugo na ang mga tenga nila.

May narinig silang boses mula sa screen.

"You must answer the question first."

Napatango sila, pinapahirapan talaga sila dahil kailangan pa nilang magsagot ng mga tanong.

"Tap, 'Yes' for agree and 'No' for disagree."

Lumapit si Watch sa screen at pinindot ang 'Yes'.

"Everyone of you must answer the question correctly. Three wrong answer and you're all dead."

***

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now