Kill #27

889 59 1
                                    

"Israfel." Banggit ni Kevin sa pangalan nang taong nakatayo sa bukana ng kwebang kinaroroonan nila.

"Si Tubig." Mahinang bulong ni Eyz habang nakatingin kay Israfel. Hindi niya tuloy nakita ang nagtatakang tingin ni Watch habang nakatitig ito sa kaniya.

Nakaramdam nang pagseselos si Watch sa nakikita, ang kislap ng mga mata ni Eyz ay kakaiba. Kung paano ito tumingin sa tinawag na Israfel ni Kevin ay gano'n din kung paano tumingin si Watch kay Eyz.

May gusto ba sa lalaking 'yon si Eyz? Pero paano? Kailan pa? Paano na lang siya? Nahuli na ba siya?

Parang sinasaksak, pinupunit at paulit-ulit na tinatapakan ang puso niya. Masakit. Napaisip tuloy siya kung talagang crush lang ang nararamdaman niya. Hindi naman siguro siya mapapaisip nang gan'to kung crush lang 'di ba?

Bakit ngayon nila lang ito na-realize? Matagal na bang nagbago ang tingin niya kay Eyz? Mula sa simpleng crush, hanggang sa mahal. Napakamanhid niya para hindi agad 'yon ma-realize.

"What are you doing here?" Ang tanong ni Kevin kay Israfel.

Ipinasok ni Israfel ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon, diretso ang tingin nito kay Eyz na hindi din inalis ang tingin sa kaniya. Naglakad ito papalapit sa kanila, hindi inaalis ang tingin kay Eyz.

Ang mga kasama naman nila ay nagpapalit-palit ang tingin sa kanila, nagtataka kung bakit gano'n na lang kung umasta ang dalawa.

May namamagitan ba sa dalawa? Kailan pa? Bakit hindi nila alam?  Ang mga tanong nila sa kanilang isip. Ang ka-grupo naman ni Watch ay may isa pang tanong sa isip na hindi pumasok sa isip nang grupo nila Kevin...

Paano na lang si Watch?

Napatingin sila kay Watch na nag-iwas lang ng tingin, malungkot ang mga mata nito. Nasasaktan talaga siya, dahil ngayon niya nga lang nalaman na hindi na lang isang simpleng crush ang nararamdaman niya kay Eyz, ganito pa ang mangyayari.

Ang taong mahal niya ay nakikipagtitigan sa isang lalaki, may kung anong kislap ang mga mga mata nito. Ito ang naging resulta dahil sa katorpehan niya.

"Again, what are you doing here?" Naiinis na tanong ni Kevin kay Israfel. Sa wakas ay inalis na ni Israfel ang tingin kay Eyz at ibinaling ang tingin kay Kevin, sunod ay kay Watch.

Ngumiti ito, ngunit ang ngiti nito ay hindi umabot sa mga mata nito. "I just came to see someone." Saglit itong tumingin kay Eyz bago ibinalik ang tingin kay Kevin.

"And who is that someone?" Tanong ni Kevin. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pakikipagtitigan at pagsulyap ni Israfel kay Eyz. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, may kakaiba sa kaniya at hindi niya matukoy iyon.

Wala siyang maisip na scientific explanation na makakapagsabi kung ano ang nangyayari sa kaniya, kung may doktor lang siguro na malapit sa kaniya ay pupuntahan niya ito at tatanungin kung nababaliw na ba siya.

Kailangan niya na talaga ng tulong ng isang propesyonal, baka tuluyan na siyang mabaliw kung walang makakapagsabi sa kaniya ng nararamdaman niya.

"You don't need to know." Walang emosyon na sagot ni Israfel. Inayos ni Israfel ang salamin na suot at tumango sa kanila. "Bye. See you when I see you." Ngumiti pa ito ng tipid kay Eyz bago umalis.

"What the heck is that?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Emari. Hindi niya matanggap na tinitigan nang matagal at nginitian ni Israfel si Eyz.

Si Eyz na may attitude problem, si Eyz na palamura at si Eyz na...

Wala na siyang maidagdag pa, nasabi niya na ang mga hindi magandang katangian ni Eyz. Pero hindi niya pa rin tanggap na tinitigan ito ng lalaking pinapangarap, at minamahal niya. Hindi niya ito matanggap at kahit kailan ay hindi niya ito matatanggap.

Dapat na ba akong kumilos? Tanong niya sa sarili. Dahil kung hindi siya kikilos, mawawala sa kaniya ang nag-iisang lalaking minamahal niya. Pero...

Napatingin siya kay Eyz, napaisip kung kaya niya ba.

Parang... hindi ko ka—

Nawala ang pagdududa niya sa isip nang mapagtanto na wala dapat sa bokabularyo niya ang salitang "hindi ko kaya" dapat lahat ay kaya niya, siya si Emari Sandra Smith at wala siyang inuurungan. Hindi isang tulad lang ni Eyz ang makakatalo sa kaniya. Wala itong laban sa kaniya, isa lamang itong malditang spoiled brat.

At hindi isang spoiled brat lang ang makakatalo sa kaniya.

"I don't know." Kibit-balikat na sagot ni Asura kay Emari.

"Did he...?" Hindi matapos ni Emari ang sasabihin dahil kahit sa sarili ay ayaw niyang marinig ang katagang 'yon.

Nagtatakang tingin ang ibinigay ni Asura kay Emari, hindi niya maintindihan ang nais iparating nang kaibigan.

"You know... If he—" Hindi na natapos ang pagsasalita ni Emari nang unahan na siya ni Angelica. Napapapikit siya dahil narinig niya ang salitang 'di niya nais marinig.

"If he like Eyz, that's what she's trying to say." Nakangisi ito habang nakatingin kay Emari na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya. Alam kasi ni Angelica na may gusto si Emari kay Israfel, nais niya lang itong asarin. Palagi na lang kasing ito ang nang-aasar sa kaniya, kaya naman gusto niya na siya naman ang mang-aasar dito. Minsan lang ito mangyari, kaya gusto niya itong samantalahin.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakabawi ka sa taong lagi kang inaasar.

"Huh? Paano mo naman nasabi?" Hindi maintindihan ni Asura kung bakit gano'n ang iniisip ng mga kaibigan. Hindi naman porke't tinitigan ni Israfel si Eyz ay may gusto na siya dito. Hindi ba pwedeng nagagandahan lang ito kay Eyz? O kaya naman ay may dumi sa mukha ni Eyz.

"Basta. Hindi mo maiintindihan 'yon." Mataray na saad ni Emari. Hindi niya na gustong magpaliwanag kay Asura. Naiinis lang siya kapag iniisip ang bagay na 'yon.

Napailing naman si Asura sa narinig. Ang mga babae nga naman. Naiiling na saad niya sa isip. Kaunting tingin at ngiti lang ay binibigyan na ng mga ito ng kahulugan. Masyado nila itong ginagawang big deal. Kaya minsan ay nasasaktan sila.

"Eyz..." Mahinang tawag ni Chail kay Eyz. Nilingon siya ni Eyz.

"Bakit?" Mataray nitong tanong.

"May tanong ako..."

"Ano naman 'yan?" Nakataas kilay na tanong ni Eyz.

"C-crush mo?" Nauutal at 'di makatinging tanong ni Watch. Hindi niya rin naman gustong malaman ang sagot ni Eyz, pero hindi talaga siya pinapatahimik ng kuryosidad niya. Bahala na kung masaktan sita, ang mahalaga ay alam niya kung may gusto ba si Eyz kay Israfel.

Hindi din kasi si patatahimikin nang curiosity niya.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Eyz.

"Si I-israfel." Mahinang sagot ni Watch. Napapikit pa siya.

"Ah..." Tumango-tango si Eyz. "Si Tubig." Ngumiti ito kay Eyz, saka sumeryoso. "Hindi." Diretso ang tingin kay Watch na sagot nito.

Dahan-dahan na napatingin si Watch kay Eyz. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at hindi nakatakas kay Eyz ang pagliwanag nang mukha ni Watch.

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Watch.

"Oo." Seryoso pa rin na sagot ni Eyz. Napangiti si Watch, nawala na din ang kaninang masakit na damdamin, napalitang nang tuwa.

"Sure?" Paninigurado pa ni Watch.

"Oo nga, at bakit mo ba tinatanong?" Nagtataray na tanong ni Eyz.

"Wala lang." Hindi na pinansin ni Eyz si Watch at binuhat si Eyxciel na hawak ni Kairon.

"Tara alis na tayo." Pagyaya niya sa mga kasamahan. Tumango ang mga ito, ngunit... sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman natuloy ang pag-alis nila. Hindi dahil nakatayo muli sa bukana ng kuweba si Israfel, kun'di dahil sa tumawag sa pangalan ni Eyz.

"Eyz."

***

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now