Kill #42

781 40 0
                                    

Isang dalaga ang nakaupo sa itaas nang isang puno, nakatingin ito sa kubo kung saan pumasok ang grupo nila Eyz. Binabantayan niya kung may magtatangka man na pumasok sa kubo, hindi puwedeng may ibang pumasok do'n. Walang dapat makaalam na may underground hideout sila sa ilalim ng kubo.

Akmang aalis na siya nang matanaw niya ang isang lalaki na naglalakad papunta sa kubo, nakasuot ito nang itim na hoodie jacket, black ripped jeans, black converse shoes. Kinuha ni Althea ang kulay itim na point forty-five pistol at kinabitan ito ng silencer.
Masama ang kutob niya sa lalaki, kahina-hinala ito.

Mas lalong tumindi ang paghihinala ni Althea nang makitang pumasok ito sa kubo at parang may hinahanap, nang tumapat ito sa litrato nang talon ay agad na itinutok ni Althea ang hawak na pistol sa lalaki at kinalabit ang gantilyo.

Napapikit at napakapit ang lalaki sa kaliwang braso niya nang makaramdam siya nang matinding sakit. Tiningnan niya ang braso at napamura nang makitang may dugong umaagos dito.

Nagpalinga-linga siya at pinunit ang ibabang bahagi nang suot na t-shirt na pinapatungan nang suot na hoodie jacket. Itinali niya ang pinunit na piraso nang tela ng suot na t-shirt sa braso.

Bumaba mula sa puno si Althea, naka-ponytail ang mahabang buhok nito na hanggang bewang niya, nakasuot ito nang itim na t-shirt, na pinatungan niya nang itim na leather jacket, maong shorts na kulay itim, at combat boots.

May nakalagay din na handgun holster sa dalawang binti niya at nakalagay do'n ang dalawang forty-five pistol. At may nakasabit sa likod nito na isang shotgun. Kung sino man ang makakakita sa babae ay iisipin nila na isa itong bida sa isang action movie.

"Sino ka naman?" Maangas na tanong nang lalaki kay Althea.

Ngumisi si Althea bilang sagot, "Hindi mo na kailangang malaman 'yon, dahil mamamatay ka na rin naman."

Nagtagis ang bagang nang lalaki, ang ayaw niya sa lahat ay ang inaasar siya. Kinuha niya mula sa likod ang isang revolver, at itinutok ito kay Althea.

Sa halip na matakot ay napa-oh si Althea, hindi naman pala magiging boring ang pagpatay niya sa lalaki. Ito ang gusto niya sa isang laban, may thrill. Kinuha niya mula sa holster na nasa kanang binti niya ang isang pistol at itinutok sa lalaki.

"Bakit hindi ka muna magpakilala para naman alam ko ang pangalan nang papatayin ko 'di ba?" Pang-aasar ngunit may halong panghahamon na sabi ni Althea. "Kung hindi mo kasi alam, ay inaalam ko muna ang pangalan nang mga papatayin ko, at ililista ko sa death book ko." Dagdag pa niya.

Ngumisi ang lalaki, nang-aasar. "Hindi ako interesado sa death book mo, pero sige pagbibigyan kita sa gusto mo, dahil isa akong gentleman." Pagyayabang pa niya. Kahit hindi naman talaga siya gentleman, may gentleman ba na tututukan nang baril ang isang babae?

"Kung gano'n ay magpapakilala na rin ako at nang malaman mo naman kung sino ang tatapos sa walang kwenta mong buhay." Pang-aasar din ni Althea.

Nagtagumpay siya do'n dahil kita niya ang galit sa mga mata nang lalaki, ngunit agad din iyong napalitan nang ngiti.

Mapagpanggap ang gago. Saad niya sa isip.

"Sanjo Eris Rewor is my name, beautiful lady." Pagpapakilala nang lalaki, nang may halong pambobola.

Napangiti si Althea, ang mga lalaki talaga kahit na magpapatayan na sila ay hindi pa rin maiwasang lumandi.

"Rewor? Interesting. Nakakapagtaka lang dahil ang alam ko ay si Sanim lang ang anak nang mga Rewor." Makahulugan niyang saad na ikinagalit ni Sanjo. "Althea is my name, bastard Sanjo."

"So, may alam ka pala sa mga magulang ko." Pilit itinatago ni Sanjo ang galit. May kung ano sa sinabi nito na nakapagpalito sa kaniya.

"Marami akong alam." Nakangisi at makahulugan na sabi ni Althea, na para bang alam niya ang lahat ng gustong malaman ni Sanjo.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now