Kill #24

1K 66 0
                                    

Isang hindi magandang umaga para sa grupo nila Eyz, nananakit ang kanilang katawan at hindi sila masyadong nakatulog nang maayos. Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos kung ang hinihigaan lang nila ay isang malaking bato, wala rin silang unan kaya naman hindi sila naging komportable at ang malala ay wala silang kumot at aircon kaya naman ginawa silang hapunan nang mga lamok.

Namamantal ang kanilang mga balat dahil sa mga kagat nito. Sensitive at hindi pa naman sanay ang kanilang mga balat na makagat nang lamok, pero mas kapansin-pansin ang pamumula nang balat ni Sier para siyang kumain nang napakaraming siling labuyo sa sobrang pula nang balat niya.

Ito kasi ang unang beses na nakagat siya nang mga lamok, masyadong sensitive ang balat niya. Ngayon ay nakaramdam siya nang slight na inis sa mga magulang dahil ipinasok siya sa EU. Alam niya naman na may kasalanan din siya kung bakit siya nandito sa sitwasyon niya ngayon.

Hindi niya lang talaga maiwasang mainis sa mga magulang. Palibhasa puro business lang ang inaasikaso nila ay hindi nila pinag-aksayahan ng panahon na alamin kung anong klaseng paaralan ang papasukan nang anak nila.

Panay pa rin ang kamot ni Sier sa nangangating balat, kaya naman lalo lang itong namumula. Gusto man niyang tumigil ay ayaw naman mawala nang kati, nahigad din 'ata siya. Ang swerte niya talaga sa buhay. Grabe kailangan niya sigurong maligo nang holy water baka sakaling mawala ang malas niya sa katawan.

Habang si Sier ay problemado sa namumulang katawan, si Eyz naman ay nakaupo lang sa pinaghigaang bato. Nakasimangot hindi dahil sa kagat nang mga lamok at hindi komportableng higaan, nakasimangot siya dahil sa gutom.

Simula pa kahapon siyang hindi kumakain at ito ay unang pagkakataon. Parang biglang gusto niya na lang mamatay, ayon din naman ang purpose nang larong ito, pinapatagal at pinapahirapan lang sila.

Pwede rin naman na hanapin niya 'yung nagpauso ng larong 'to at 'yon ang patayin niya. Mas magandang plano 'yon keysa buhay niya ang sayangin niya. Hindi naman siguro siya makukulong kung gagawin niya 'yon 'di ba? Pumapatay din naman ang nagpauso nang larong 'to e.

Habang abala si Eyz sa pag-iisip kung paano makakakuha ng pagkain at kung dapat niya bang hanapin ang nagpauso nang larong Death Game. Ang isa naman sa kanila ay kasama sila Relo ay pinindot ang nasa kaliwang button ng remote na hawak.

Isa iyong senyales para sa kaniyang kasama sa plano, na gawin na nila ang ikatlo nilang plano. Napangisi siya sa pananabik sa magiging reaksyon ni Eyz. Tinanggal niya ang ngisi sa labi nang magtanong ang isa sa mga kaibigan kung bakit gano'n ang itsura niya, para daw siyang manyak.

Nagdahilan na lang siya na naalala niya ang isa sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay niya. Halata naman na hindi naniwala ang kasamahang nagtanong, dahil ang mga tingin nito ay nanunukso at may malisya. Umiling na lang siya at hindi na pinatulan pa ang pang-aasar nang kasama.

Habang ang kasabwat naman ng taong iyon ay nasa isang kubo na malayo sa kagubatan, ngunit nasa loob lang din nang paaralan. Napapalibutan nang mga TV na nagpapakita nang bawat sulok nang gubat na kinaroroonan nila Eyz. Lahat ng mga estudyante ay nakikita niya, ang mga galaw nang mga ito, rinig niya rin ang mga pinag-uusapan nila.

Ngunit ang kaniyang paningin ay nasa grupo nila Eyz at Kevin, nakita niya rin ang pasimpleng pagtingin nang kaniyang kapatid sa isa sa mga camera na nakapaligid sa kanila. Napangiti nang makita ang pag-ilaw nang kaniyang cellphone, mas lalo pang lumaki ang pagkakangiti niya nang makita ang laman nang mensaheng iyon.

Isang 'go sign' ang laman ng mensahe na indikasyon na gagawin na niya ang planong napag-isipan nila.

Magbabayad kayo.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now