Epilogue

1.6K 57 17
                                    

Sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga pumanaw, mapapansib ang batang lalaki na nasa edad sampu. Nakatayo ito sa tapat ng dalawang magkatabing lapid  Nakatingin lang sa lupa kung saan nakahimlay ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya, sa lapida ay nakalagay ang pangalan nila. Blangko lang ang tingin niya dito, wala s'yang nararamdaman kun'di ang pangungulila. Tila nawala na ang lahat ng emosyon niya nang mawala sila, pakiramdam niya ay nasa hukay na rin siya. Humihinga pero walang buhay.

Sila ang nagbigay ng buhay sa bata ngunit sila rin pala ang babawi no'n, sa pagkawala nila ay isang parte ng pagkatao niya rin ang nawala. Parang gusto niya q na lang mamatay at sumunod sa kanila, p'wede naman siguro 'yon 'di ba? Wala na rin namang saysay ang buhay niya kung wala sila.

"Dajiel! Nand'yan ka lang pala!" Hindi sita nilingon ang mga dumating, umupo sila sa tabi ng batang lalaki pero hindi man lang siya lumingon. "Kanina ka pa namin hinahanap, ang akala nga namin ay nagbigti ka na."

Hindi sumagot ang bata at nanatili lang na nakatitig sa lapida. "'Wag ka ng malungkot, nandito naman kami e."

"Pabayaan mo muna siya, Chail, iniinis mo lang siya e," pagsaway ni Sier. "Nasa moving on stage pa lang siya, kaya 'wag ka munang manggulo," dagdag pa nito.

"Kaya nga."

"Tumahimik ka muna kasi, Chail, wala sa lugar ang pagiging madaldal mo e."

"Paano kapag naisipan n'yang magpakamatay dahil walang kumakausap sa kaniya? Mas maganda kung kakausapin ko siya." Pangangatwiran pa ni Chail. Bumuntong-hininga ang bata at tumayo, ang ingay nila, hindi ba sila p'wedeng tumahimik kahit isang oras lang?

Umalis na si Dajiel at 'di sila pinakinggan kahit ilang beses nila 'tong tinawag. Pumunta siya sa bahay namin na dati ay napupuno ng halakhalakan ng mga magulang, pero ngayon ay napuno na ng katahimikan.

Pumasok siya sa kwarto, nahiga sa kama habang pinaamasdan ang litrato naming magkasama. Ang Mama at Papa niya, ang dalawang tao na nag-alaga at nagmahal sa kaniya, ang tanging tao na nakakaintindi sa kaniya. Ngayon ay wala na sila dahil sa isang aksidente, hindi niya matanggap dahil sa murang edad ay nawalan siya ng magulang.

Walang may gustong kumupkop sa bata, kaya naman ngayon ay mag-isa na lang s'yang mamumuhay. Hindi niya rin gustong pumunta sa mga kaibigan dahil alam niya na ayaw din sa kaniya ng mga magulang nito, hindi alam ni Dajiel kung bakit pero sa tuwing makikita nila 'to kulang na lang ay patayin nila ang bata sa sama ng mga tingin nila. Siguro dahil sa naiinis sila sa ugali niya? Wala s'yang ideya, pero kung ano pa man 'yon wala na s'yang balak alamin pa ang rason no'n.

"Bata!" Lumingon si Dajiel sa batang babae na tumawag sa kaniya, maliit 'to at sa katunayan ay mas malaki pa nga siya dito, kaya hindi niya alam kung bakit bata ang tawag nito sa kaniya.

"Pakuha nga no'n?" Tiningnan niya lang ang tinuro ng batang babae barbie na nasa taas ng puno. Nakaupo kasi siya sa ilalim ng puno, at hindi niya man lang namalayan na may sumabit na pala do'n dahil sa pagiging tulala niya. "Kunin mo na dali, papagalitan ako ni Mommy e."

Ibinalik ni Dajiel ang paningin sa kaniya, nakasimangot na siya at pinagkrus niya ang braso. "Kung hindi ko kasi alam, binato ko 'yan kasi 'yung isang bata do'n." Inginuso ng bata ang parte ng park kung saan may mga bata ring naglalaro. "Ang pangit ng ipit niya, para s'yang tanga. Kaya ibinato ko sa kaniya 'yan, kaso napalakas kaya sumabit."

Hindi alam ni Dajiel kung matatawa ba siya sa paliwanag nito dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang ipit ng kapwa niya bata ay babatuhin na niya ito?

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now