Kill #44

747 47 0
                                    

Ang mga kaibigan ni Eyz at Watch ay hindi alam ang gagawin, at hindi nila alam kung may dapat ba silang gawin. Basta ang alam lang nila ay nang sunapit ang umaga ay kapansin-pansin ang hindi pagpapansinan nang dalawa. Hindi nila alam kung nag-away ba ang dalawa o pareho lang na nag-iinarte.

Kanina pa nila gustong sabihin na kailangan na nilang umalis upang hanapin ang isa pa nilang kaibigan— si Chiro. Ilang araw na rin nila itong hindi nakakasama, nag-aalala na sila sa kaibigan at bukas ay simula na rin ng ikalawa at huling quest nila.

Kaya naman bilang mababait sila ay si Dajiel ang pinilit nilang magsabi sa dalawa kung ano ang gusto nilang mangyari, hindi naman kasi pwedeng maghintay na lang sila nang himala na darating.

"Eyz. Watch." Malamig na saad ni Dajiel.

"Ano?" Singhal ni Eyz. Wala siya sa mood ngayon, naiinis siya kay Watch. Napaka-arte nito, sa sobrang arte ay gusto niya na itong ilagay sa sako at isabit sa puno. Dinaig pa nito ang isang babae, na gustong magpasuyo sa boyfriend.

Masamang tingin ang isinagot ni Dajiel kay Eyz, kaya naman natahimik si Eyz. Natakot siya do'n nang slight lang naman, iba din kasi kapag si Dajiel na ang nagalit.

"Umalis na tayo dito."

"Ha? Bakit naman?" Bakit naman sila aalis kung ligtas sila dito?

Nababaliw na ba ang Yelong 'to? Gusto ba niyang magpakamatay? Tanong ni Eyz sa sarili.

"Stupid, we still need to find, Chiro." Napa-ah si Eyz, hindi niya na pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Dajiel nang stupid. Nawala sa isip niya si Chiro, ang dami kasing nangyari kahapon kaya naman nawala na sa isip niya si Chiro na nag-iinarte kaya naman kailangan nilang hanapin.

Bwisit na Chiro, kung maka-arte ay parang babae.

"Sige, magpapaalam lang ako kay Tubig." Iniwan niya ang mga kasama at pumasok sa kwarto nang pinsan.

Gusto niya sana na makapagpaalam sa mga magulang, pero lumabas ito sa EU— na hindi niya alam kung paano nila nagagawa. Kailangan daw nilang ipa-DNA ang mga nakuhang sample sa mga lalaki. Kasama din nilang umalis si Eyxciel— na ayon sa ina niya ay ang ama niya daw ang tunay na may-ari, ibinigay lang daw ito ni Ariela sa kaniya para kahit papaano ay makasama niya ang ama niya.

Ayon kay Israfel ay isang linggo ang aabutin bago nila makuha ang resulta, at naiinis si Eyz dahil matagal pa niya malalaman kung sino ang Kuya niya sa pito. Naiinip na siya, gusto niya nang makilala ang kapatid. Dahil hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa loob nang isang linggo, maraming maaaring mangyari na hindi nila inaasahan. Kaya naman hangga't maaari ay gusto niya nang makilala ang kapatid.

Napabuntong-hininga si Eyz, at nilapitan ang pinsan na nakahiga sa kama. Nakapikit ito, nakapatong ang dalawang kamay sa dibdib. Napangiwi si Eyz, para itong isang patay sa ayos nito, idagdag mo pa ang puti nitong kasuotan. Kabaong na lang ang kulang at mapagkakamalan na talagang patay ang pinsan niya.

Umupo sa kama si Eyz at mahinang tinapik ang kamay ng pinsan, ilang beses niya pa iyong ginawa bago ito magmulat ng mata.

Diretso lang ang tingin nang pinsan niya sa kaniya at hindi man lang ito nag-abalang bumangon at iritado ang boses siya nitong kinausap.

"What do you want?" Hindi gusto ni Israfel na nagugulo ang pagtulog niya, sa pagtulog niya lang nararanasan ang kapayapaan. Hindi katulad kapag gising siya, marami siyang problema na dapat kaharapin.

"Aalis na kami." Nakangusong saad ni Eyz.

Napabangon si Israfel mula sa pagkakahiga, magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa pinsan niya na sa tingin niya ay nababaliw na.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now