Kill #16

1.2K 106 49
                                    

5 pm at the back of building D…

Magulo at maingay gan'yan kung ilalarawan ang mga mag-aaral nang Eirlo University. Halo-halong kaba, takot at excitement ang nadarama nang bawat isa. Nasa bungad sila nang kagubatan na nasa likod lang nang building D. Ang mga transferee ay walang ideya na may kagubatan pala do'n, dahil may mataas na gate na nakaharang do'n. Tanging mga senior lang ang may alam na gubat pala sa likod nang building.

Do'n din kasi naganap ang event last year. Pareho man nang lokasyon ang paggaganapan nang Death Game, alam naman nila na iba ang kanilang makikita do'n, 'di katulad no'ng nakaraang taon.

Hindi pa sila nakakapasok dahil hinihintay pa nila ang mga Board of Directors nang University, at naiinip na sila dahil isang oras na silang pinaghihintay ng mga ito, masyado silang pa-importante.

Sa isang gilid na medyo malayo sa mga mga nagkakagulong mga kapwa estudyante ay nakatayo ang grupo nila Eyz, kasama din ni Eyz si Eyxciel— ang ipinangalan niya sa aso. Kinakabahan silang lahat at 'di nila maitatanggi 'yon dahil sa malakas na tibok nang kanilang puso at 'di sila mapakali.

Nasa isang open area sila kaya naman kahit kinakabahan ay hindi maiwasan ni Eyz na magreklamo dahil sa init. Nakasuot pa rin kasi sila nang uniform kaya naman talagang naiinitan sila. Ito na din naman daw ang huling beses na masusuot nila 'yon dahil hindi na uniform ang susuotin nila sa oras na do'n na sila mamalagi nang dalawang linggo sa kagubatan.

Ayon din kasi sa sinabi ni Dajiel— na nasagap lang ang chismis sa kakilalang senior, ay may mga bahay na ipinatayo ang Headmistress para matuluyan nang mga estudyante. May mga nakalagay na daw do'n na mga damit na gagamitin nang mga tutuloy sa bahay.

Nalait na naman tuloy sila ni Eyz sa isip niya. May panggawa daw nang mga bahay at pambili nang mga damit, pero walang pampaayos nang mga kinakalawang na gate, nilulumot na fountain at sirang elevator.

May point naman si Eyz dahil kailangan din nang mga estudyante nang kaaya-ayang environment, kahit pa na hindi kaaya-aya ang mga matutuklasan nila sa Unibersidad.

Habang hinihintay nila Eyz ang Board of Directors, sa isang opisina naman ay nakaupo sa swivel chair ang isang babae na nasa mid-40's, sa harap niya ay nakatayo ang Headmistress.

"What brings you here, Madam?" Tanong ni Blaire sa babaeng nakaupo sa swivel chair. Bigla na lang itong pumunta sa kaniyang opisina kaya naman nagulat siya at kaya rin hindi pa sila makapunta nang mga Boards of Directors— na naghihintay sa isa pa niyang opisina, sa likod nang building D.

"Just checking your workplace, Little Minion." Nang-uuyam na saad nito. Little Minion ang tawag nito sa Headmistress. Napatungo si Blaire sa narinig, kahit na ilang beses na siyang tinatawag na gano'n nang kausap ay hindi pa rin siya masanay. Sanay kasi siya na kinakatakutan nang mga estudyante at ibang tao, kaya hindi niya kayang tanggapin na isang laruan lang ang turing sa kaniya nang kausap.

"How is it, Madam?" Tanong ni Blaire. Pilit itinatago ang pagkadigusto sa sinabi ng kausap.

"Hmm… It looks like a cave of slaves, it suits you." Nakangisi nitong saad. Mas lalong napatungo si Blaire sa sinabi ng kausap.

"T-thank you for c-compliment, Madam." Nakapikit siya habang sinasabi 'yon.

"Your welcome." Nakangiti na nitong saad. Nalilibang dahil sa reaksyon ni Blaire. Para itong isang maamong tupa sa harap nang kaniyang amo, malayong-malayo sa totoong katauhan nito. "Anyways, I came here to ask you something."

Nag-angat ng tingin si Blaire. "What is it, Madam?"

"Is is true that 'she's' here?" Nakangisi nitong sagot.

"It's not yet confirm, Madam. I'll report it to you, Madam once I confirm it."

"To bad. I want to meet 'her' now." Kunwaring may panghihinayang na saad nito.

"I'll make it quick, Madam. So you can meet 'her'."

"Good. Continue that good work of yours, and I might consider your request." Nanlaki ang mata ni Blaire sa narinig.

"R-really, Madam?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

"Yes." Blangko ang mukhang saad nito.

"T-thank you, Madam." Nakangiting saad ni Blaire.

"No need to thank me, just do your work and we'll be good." Tumayo na ang babaeng kausap ni Blaire. "I'll go now." At umalis na ito. Nakahinga naman nang maluwag si Blaire nang makaalis ang kausap. 'Di kalaunan ay napangiti siya dahil magkakaroon na din nang magandang bunga ang ginigawa niyang pagsunod sa mga utos nang kausap, kahit na minsan ay hindi niya gusto ang mga pinapagawa nito.

Pumunta na siya sa isa pa niyang opisina at inanyayahan ang mga Boards of Directors na pumunta na sa likod ng building D.

Nang makarating ang hinihintay nang mga naiinip nang mga estudyante, nakasakay ang mga ito sa limousine.

Si Eyz ay nakatingin lang sa Headmistress na nakangiti na naman daw ng parang baliw. Kasunod nito ang tatlong matatandang lalaki na nasa mid-50's.

Umakyat si Kyrie habang may hawak na microphone sa maliit na stage na sinet-up nang mga SC members.

"Good morning my fellow students." Pasigaw nitong saad kahit na may hawak naman siyang microphone, napapikit ang mga nasa unahan dahil sa lakas nang boses ni Kyrie. "And a pleasant morning for our Headmistress and Boards of Directors." Tumango lang naman ang apat na binati niya.

"Before the game start, let me introduce to you the Boards of Directors of our University." Tumayo ang isang panot na lalaki na may malaking tiyan. "Mr. Alfred Guzman. Owner of Guzman Hotel that has branches worldwide." Nang makaupo ito ay sunod na tumayo ang isang panot din na lalaki at hindi naman masyadong malaki ang tiyan. "Mr. Walter Frei, owner of Frei Real State."

Sunod naman na tumayo ang isang kalbo, malaki ang tiyan at mabigoteng lalaki. "Mr. Henry Choi, owner of Dragon's Construction."

"And of course we can't forget our very own Headmistress, Mrs. Blaire Arisa." Tumayo ang Headmistress at nagpalakpakan ang mga estudyante. Hindi kasama do'n si Eyz dahil napapaisip siya na bakit sa mga napapanood at nababasa niya ang mga binata, guwapo at may matipunong katawan ang mga may-ari nang isang company, ang unfair naman.

"And today is the we've waiting for—" Hindi natapos ni Kyrie ang pagsasalita dahil sa malakas na sigawan ng mga estudyante. "Calm down, calm down my fellow students." Natatawang saad ni Kyrie at sinenyasan ang mga kapwa estudyante na kumalma. "I know, you're all excited but let me finish first."

"Today we've now officially announced that the most awaited game will begin any minute from now." Nagsigawan ang mga estudyante na parang mga nakawalang sa zoo. Nawala ang kaba at napalitan nang excitement, sandaling nalimutan ang maaaring kahantungan nila sa oras naagsimula na ang laro.

Ang laro na buhay ang nakataya at walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan. Ang laro na susubok sa kanilang tatag, at ang laro na maaari ring sumira sa kanilang buhay at pagkakaibigan.

"Remember our most important rule, You. Must. Survive."


***

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now