Kill #47

781 43 0
                                    

Samantala si Kevin at ang kaniyang mga kaibigan ay nakaupo sa mga sanga ng puno, sa 'di malamang dahilan ay inutusan sila nang leader nila na sa sanga maupo at magpalinga-linga sa paligid, kaagad daw nilang sabihin kung may mapapansin silang kahina-hinalang mga bagay o tao. Nalilito man sila at nagtataka sa inuutos ni Kevin ay hindi na sila nagreklamo pa, at sinunod na lang ito.

Gano'n talaga si Kevin, basta na lang itong may iuutos, pero hindi naman sila sasabihan kung para saan, basta ay magugulat na lang sila sa mangyayari kapag nasunod na nila ang utos nito, kaya naman sanay na sila sa leader nila.

Patuloy lang sila sa pagmamasid sa paligid, kahit saan sila tumingin ay wala na silang makitang mga estudyante na pakalat-kalat. Hindi katulad noong unang araw, maraming mga estudyante ang nakakalat.

Nakakapanibago lang para sa kanila, ngunit alam naman nila na ang ganitong pangyayari ay normal na lang sa loob ng University.

"Ano sa tingin niyo ang last quest?" biglang tanong ng nakapalumbaba na si Kyrie. Napatingin sa kaniya si Asura, at Angelica. Nagkibit-balikat silang pareho.

"Who knows, they're unpredictable," sagot ni Angelica.

Natawa do'n si Kyrie at Asura nang maalala kung ano ang last quest nila, last year. Ang quest lang naman nila ay hanapin ang dating Headmaster, at sampu silang nakahanap nito, dahil ang Headmaster ay hinati sa sampu. Ulo ang napunta sa grupo ni Kevin, kaya namam gano'n na lang ang pandidiri nila.

"'Di ko pa rin talaga makalimutan 'yung quest last year e." Natatawang saad ni Asura.

"Sino ba naman ang makakalimot do'n kung pira-pirasong katawan ng dating Headmaster pala ang hinahanap natin," saad naman ni Angelica. Sa tuwing maaalala niya ang nangyari ay hindi niya pa rin maiwasang kilabutan.

"Stop talking nonsense." Natahimik sila nang marinig ang malamig na boses ni Kevin.

Seryoso lang ang tingin nito sa baba ng puno, nagkatinginan sila at nagkibit-balikat. Nanatili lang silang tahimik na nakaupo sa sanga ng puno, panay ang lingon sa paligid.

"Ano ba kasi ang trip ni Kevin?" 'Di mapigilan na tanong ni Emari sa katabing si Angelica, naiinip na siya sa ginagawa nila. Hindi niya malaman kung ano ang trip ni Kevin sa buhay.

"Hindi ko din alam e." Balewalang sagot ni Angelica.

"Tanungin mo na kasi kung ano ang plano niya, at bakit kailangan nating magmanman dito." Pangungulit ni Emari.

"Baliw ka ba? Gusto mo bang magalit sa'kin si Kevin? Kung gusto mo ikaw na lang, 'wag mo kong idamay d'yan," asik ni Angelica.

Umirap si Emari sa kaibigan at hindi na sumagot pa, hindi niya maiwasan na mapaisip. Palagi kasi siyang kinokontra ni Angelica, kaya naman napapaisip siya kung may lihim na galit ba ito sa kaniya.

Hindi naman imposible 'yon dahil halos araw-araw niyang inaasar si Angelica. Siguro kailangan na niyang bawasan ang pang-aasar sa kaibigan.

Samantala si Kevin naman ay abala sa pagmamasid sa paligid, habang ang kaniyang mga kaibigan ay nagku-kwentuhan. Naningkit ang mata niya nang may makitang dalawang pamilyar na tao na naglalakad papunta sa direksyon nila, bahagya siyang nagulat ng makilala ang isa sa lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ito ay ang kaibigan ni Eyz, na si Chiro.

Habang ang isa naman ay hindi niya matandaan kung saan ito nakita o kung nakita niya na ba ito, basta pakiramdam niya ay matagal niya nang kilala ang lalaking kasama ni Chiro. Pilit niyang iniisip kung saan niya ito nakita, pero bigo siya.

Who are you? Ang tanong ni Kevin sa isip habang nakatingin sa lalaki.

At ng sa tingin niya ay naramdaman ng lalaki ang tingin niya, ay nagpalinga-linga ito, mas lalong lumaki ang pagdududa ni Kevin sa lalaki. Mga taong may matalas na pakiramdam at sinanay ang makakaramdam ng tingin ng kahit sino mula sa malayo.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now