Kill #58

743 37 0
                                    

Nanigas sa kinatatayuan niya ang isa sa kanila, kumuyom ang kamao niya at ang dating mukha nito na hindi makikitaan ng emosyon, ngayon ay puno na ng galit. Pagkatapos ng ilang taon ay muli niyang narinig ang boses ng taong nagpahirap sa kaniyang buhay at ang pumatay sa kakambal niya..

Madami itong nagawang kasamaan sa kaniya at maging kay Eyz, ito ang gumulo sa tahimik nilang buhay at madaming buhay ang nawala dahil sa babae. Kaya naman hindi niya pinagsisihan ang naging plano nila ng ama laban dito...

Napansin ni Daria ang ekspresyon ng katabi, nag-aalala niya itong tinanong, "Ayos ka lang ba? Bakit parang galit ka?"

Malamig na tingin ang ibinigay ng binata sa dalaga, "Don't mind me."

"Okay, sabi mo e." Kibit-balikat na sagot ni Daria, ang weird talaga ng binata kahit kailan. Madalas ay tahimik, pero minsan ay masungit.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang nakakairitang ngisi na nakapinta sa labi ng Headmistress.

Tang'na, kung may sinulid at karayom lang ako dito tatahiin ko talaga ang bibig ng matandan 'to e.

"Nice too see you here."

Umirap si Eyz at pabalang na sumagot, "Not nice too see you, tanda."

"Respect, Eyz respect." Nakangisi pa ring saad ng Headmistress.

"Sorry ka na lang pero hindi ka dapat nirerespeto, sira na ulo mo e, parang 'yung isa lang d'yan." Pang-aasar at pagpaparinig niya, bahagya pang sinilip ang taong nakaupo sa isang Queen's chair.

Feeling reyna ang matandang 'to.

Hindi maintindihan ni Eyz ang sarili kung bakit boses pa lang ng babae ay naiirita na siya, at ngayon na nakita na niya ito ay nakaramdam siya ng galit. Galit na hindi niya alam kung saan nagmumula, may dahilan naman siguro kung bakit gano'n ang nararamdaman niya sa babae 'di ba? Hindi naman kasi p'wedeng wala, dahil kung wala namang basehan ang galit niya, papasok na lang siya sa mental at do'n magpapagaling.

"Like mother, like daughter." Natatawang ani ng babaeng nakaupo sa Queen's chair.

"Sikat ba si Mommy at kilala mo siya? Hindi ako na-inform na celebrity pala si Mommy." Pabalang na sagot ni Eyz sa babae.

Ngumisi ang babae, naaaliw siyang makausap ang dalaga, hindi tuloy siya makapaghintay na makausap ito sa ibang paraan.

"Of course, I know her. She's a whore after all."

Sumama ang tingin ni Eyz sa kausap at akmang lalapit dito ng hawakan siya sa braso ni Israfel at Kevin. "Gago! 'Wag mong masabihan na whore si Mommy! Sa inyong dalawa mas mukha ka pang malandi! Matandang hukluban! Kulay pa lang ng lipstick mo, sumisigaw na ng kalandian!" sigaw niya.

"Annoying. Rats." Nagulat sila Eyz nang biglang may lumabas na mga lalaki sa kung saan at pinalibutan sila, may mga hawak itong baril na nakatutok sa kanila at mukhang mga adik ang mga ito dahil sa namumulang mga mata, mga tattoo sa katawan ang ngisi na nakapaskil sa mga labi nito.

"Tang'na!"

"Fuck!"

"Tss."

Nang makabawi sa pagkagulat ay itinutok din nila Israfel ang mga hawak na baril sa mga lalaki.

"Papatayin kita, Tanda! Bwisit ka!" Sigaw ng dalagang si Eyz na walang maitulong sa mga kasama dahil sa sugat. Wala rin siyang alam sa paghawak ng baril, kaya naman gano'n na lang ang inis niya sa babae at sa sarili.

"Manahimik ka nga, Eyz, mas lalo tayong mapapahamak sa ginagawa mo e," bulong ni Watch. Bakit kasi hindi marunong tumahimik si Eyz? Saan ba ito nagmana? Hindi naman maingay ang mga magulang nito, sa katunayan ay tahimik ang mga ito.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now