Kill #50

735 41 0
                                    

Magkasalubong ang kilay na nakatingin si Eyz sa pinsan niya, sa paningin niya ay may dalawang ulo ang pinsan, hindi naman talaga literal na may dalawang ulo. Hindi niya lang talaga ma-gets ang takbo ng utak ng pinsan niya, at kung bakit pa ito nag-imbita ng mga bisita.

Sunod niyang ibinaling ang paningin sa limang bwisita nila, umingos siya at tiningnan ng masama ang pinsan. Nag-feeling sleeping beauty lang siya nang isang oras, tapos ganito na ang madadatnan niya?

Sira ulo talaga 'tong si pinsan, masyadong magulo takbo ng utak niya. Epekto siguro ng sobrang-sobra niyang talino, kaya ayokong maging matalino e.

"Anong nahithit mo? At nag-imbita ka pa?" Walang preno niyang tanong sa pinsan, hindi alintana ang tingin sa kaniya ng bisita nila.

"Shut up, Alas." Malamig na saad naman ni Israfel.

"Ayan! Ayan!" Tinuro niya si Israfel, na tinapik lang ang daliri niya, "'Yung pagiging yelo mo, umiiral na naman." Naiiling na saad ni Eyz na tila ba disappointed siya sa pinsan.

"Crazy," ang nasabi na lang ni Israfel sa inaasta ni Eyz. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang pagiging baliw, sa pagkakaalam niya ay hindi gano'n ang mga magulang nito. Oo, minsan ay hindi niya makuha ang ugali ng dalawa, pero kahit kailan ay hindi niya nakita na umastang parang baliw ang dalawa, samantalang ang anak naman nila ay parang palaging nasisiraan ng bait.

Napapatanong tuloy siya sa sarili kung si Eyz ba talaga ang pinsan niya, baka kasi napalitan ito ng ibang baby sa hospital. Kailangan na din bang ipa-DNA test si Eyz?

"Mama mo, crazy." Pang-aasar ni Eyz.

Hindi na pinansin ni Israfel ang nababaliw niyang pinsan at ibinaling ang tingin sa limang bisita nila. Tiningnan niya ang leader ng mga ito, "Don't mind, Alas. She had a mental health problem." Seryosong saad niya.

Inambahan ni Eyz si Israfel ng sapak, pero napakamot na lang siya sa ulo ng bigang lumingon ang pinsan.

Bwisit na, Yelo! Paninirang puri ang ginagawa niya ah?

"See? She's crazy," saad ni Israfel sa natatawang bisita— maliban sa leader nila na poker face lang. Matagal na niyang alam na maluwag ang turnilyo ni Eyz sa utak, hindi na nakakagulat 'yon.

"Seryoso kasi, pinsan. Bakit ka pa nag-imbita ng mga..." Tiningnan niya ang mga bisita nila. Ibinaling niya ang paningin sa katabing si Watch, "Ano ba ang dapat kong itawag? Bisita o bwisita?" Tanong niya sa binata.

Napakamot si Watch sa ulo, umiral na naman kasi ang pagiging mapang-asar ni Eyz at sinasama pa siya nito sa kalokohang ginagawa nito.

"'Wag ka na lang umangal pa, Eyz. Ginusto 'yan ni pinsan e, wala ka ng magagawa pa." Ang nasabi na lang ni Watch.

Napataas ang kilay ni Eyz do'n, at si Israfel naman ay tiningnan lang siya ng masama.

"Pinsan? Kapatid ba kita? Bakit hindi ako na-inform d'yan?" sarkastikong saad ni Eyz. Makapal talaga ang mukha ni Watch, siguro kapag hinampas niya ng bakal ang mukha nito, hindi ito masasaktan at mababaluktot lang ang bakal.

"Ang slow at manhid mo talaga, Eyz." Naiilang na sabi ni Watch.

"Tanga, hindi ako slow, makapal lang talaga ang mukha mo," asik ni Eyz.

"Tumigil na nga kayo, baka magkatuluyan kayo n'yan e." Pag-awat ni Sier. Ngumiti si Watch sa binata, "Gusto ko 'yan, magdilang anghel ka sana, Sier."

"Pag-untugin ko kayo d'yan e, sinisira niyo ang araw ko." Wala ng ibang sumagot pa kay Eyz, hindi na nila gusto pa na pahabain ang usapan nila na wala namang sense, sayang lang sa oras nila 'yon.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now