Kill #34

776 51 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising sila Eyz dahil sa maingay na tunog, para itong alarm sa fire truck. Nakakarindi at masakit sa pandinig nila. Nagmamadali silang tumayo, at dahil nga kakagising pa lang nila at agad silang tumayo ay nahilo sila, at ang iba ay nagdilim ang paningin.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na sa dati ang paningin nila, napatingin sila sa paligid at may nakita silang mga speaker na nakasabit sa bawat puno. Nagtaka sila, dahil wala do'n ang mga 'yon kagabi bago sila matulog.

Ano na naman ba ang pakulo nila? Istorbo sila sa tulog ah. Tanong at reklamo ni Eyz sa isip. Kinuha niya si Eyxciel na nakahiga pa rin sa lupa at binuhat ito.

"Anong ganap?" Takang tanong ni Watch at nagpupunas pa ng muta sa mata. Nagpagpag din siya ng damit, dahil sa mga kumapit na dahon.

"Istorbo naman 'to sa tulog. Ang ganda na nang panaginip ko e." Reklamo ni Kairon.

"Tsk." Si Dajiel 'yan, may improvement na dahil kung dati ay halos walang lumalabas na salita sa bibig niya, ngayon ay madalas na itong magsalita. Naiinis na rin kasi siya sa sitwasyon nila ngayon, at mas lalo siyang naiinis sa tuwing naalala niya ang posibilidad na buhay pa ang mga magulang niya dahil sa mali ang sagot niya na patay na ang mga magulang niya.

"Nakakainis talaga." Reklamo naman ni Yera. Inayos niya ang nagulong pagkaka-ipit ng buhok at yumakap sa katabing si Daria.

"Inaantok pa ako..." Tamad na saad ni Breil at naghihikab pa.

"Hindi lang ikaw. Halos lahat tayo." Si Sier.

"Ano ba kasing meron? Nakakainis talaga ang tang'nang nagpatunog ng nakakabinging alarm na 'yan." Iritadong reklamo ni Eyz.

"Update as of six in the morning, fifth day of Death Game. Forty groups has been eliminated."

Nanindig ang balahibo nila sa katawan sa narinig, marami na ang mga namatay kaya naman hindi nila maiwasang matakot para sa sariling kaligtasan. Lalo na at hindi pa rin nila mahanap si Chiro. Hindi nila alam kung ano na ang kalagayan nito, umaasa na lang sila sa kaalaman na wala pang nagpupuntang catcher sa kanila upang parusahan sila, at ibig-sabihin no'n ay ligtas pa si Chiro.

At nangangamba din sila dahil dalawang araw na lang bago matapos ang nakatakdang araw nila para mahanap ang kwintas.

"Ano nang gagawin natin? Dalawang araw na lang bago ang seventh day, at kapag hindi natin nakita ang kwintas. Paniguradong mapapabilang tayo sa i-a-announce na na-eliminate." Nag-aalalang tanong ni Sier sa mga kasama.

"Natatakot na ako ah." Si Yera.

"Hindi lang ikaw Yera." Si Kairon.

"At hindi pa natin kasama si Chiro, kaya mas lalong delikado tayo." Si Watch.

"Nakakainis talaga!" Sigaw ni Eyz. Na-b-bwisit na siya sa kalagayan nila ngayon, at may part sa kaniya na sinisisi ang sarili kung bakit humiwalay sa kanila si Chiro. Alam niya naman na may kasalanan siya do'n, pero masisisi ba nila siya kung talagang hindi niya kayang manahimik kapag sinabihan na walang pakialam ang magulang niya sa kaniya?

Ibinalik niya lang naman ang sinabi ni Chiro sa kaniya, pasalamat nga si Chiro dahil 'yon lang ang sinabi ni Eyz. Dahil itinuring na niya itong kaibigan sa tagal nilang magkasama.

Kung ibang tao 'yon ay may masakit na salita pa do'n ang sasabihin ni Eyz.

"Announcement, students. You only have two days to do your quest. If your group fail, get ready for the punishment."

Nagkatinginan si Kevin at ang apat niyang kaibigan. Tumango sila sa isa't-isa, kahit hindi sila nag-usap ay alam na nila kung ano ang susunod na gagawin.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now