Kill #31

802 51 0
                                    

"MOMMMM!!!!"

Tanging sigaw ni Eyz ang maririnig sa kwarto, ngunit kahit na anong lakas nito ay walang makakarinig sa kaniya mula sa labas, dahil soundproof ang kwarto ni Nina.

Ilang hakbang na lang ang layo ng tatay ni Nina sa kaniya, hindi makapag-isip ng maayos si Eyz dahil sa kaba. Na-blangko ang isip niya, at hindi siya makapag-isip ng maayos.

Habang si Eyz ay hindi alam ang gagawin dahil malapit na siyang malapitan ng ama ni Nina, sa kabilang kwarto naman ay nakasilip sa isang maliit na butas si Nina, patuloy ang pagtulo nang luha nito sa kaniyang mata. Nanginginig ang labi, at halos hindi na siya makahinga sa sobrang pag-iyak.

Gusto man niyang tulungan ang kaibigan ay hindi niya magawa, natatakot siya sa posibleng gawin sa kaniya ng ama sa oras na makialam siya.

Hindi niya naman talaga gustong ipahamak si Eyz, pero wala na siyang choice dahil kapag hindi niya sinunod ang gusto ng ama ay siya naman ang mapapahamak.

Hindi niya na kasi kaya ang araw-araw na pananakit nito sa kaniya, muntik na rin siyang gahasain ng ama. Kung hindi niya lang ito napukpok sa ulo ng isang vase at nakatakas ay baka nagawa na nito ang masama nitong balak. Gumagamit din ito ng droga, kaya gano'n na lang ang takot niya sa ama.

At isang araw ay nagulat siya ng kausapin siya nito at sinabing kung makakapagdala siya ng isang kaibigan niya sa bahay nila, ay hindi na siya nito sasaktan. Ilang linggo niya itong pinag-isipan, nagawa na rin niyang magdala ng prostitute pero mas lalo lang siyang sinaktan ng ama dahil do'n.

Ang kailangan niya daw dalhin ay isang kaibigan, hanggang sa pumasok sa isip niya ang nag-iisa niyang kaibigan, si Eyz.

Sa una ay pilit niyang inaalis sa isipan ang hindi magandang plano sa kaibigan, pero nang pagbalakan na naman siya ng ama na gahasain ay do'n nabuo ang desisyon niya.

Alam niya na maaaring hindi na sila bumalik sa dati ni Eyz, matapos niya itong ipahamak. Pero, sa ngayon ay sarili niya muna ang gusto niyang iligtas, selfish right?

"S-sorry, Eyz." Umiiyak niyang bulong at rinig niya ang paghingi ni Eyz nang tulong ng mahila ito sa buhok ng ama. Tinakpan niya ang tainga at paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Eyz.

Sa loob ng kwarto ni Nina...

Nagpupumiglas si Eyz sa ama ni Nina, na hawak ang buhok niya at kinakaladkad siya patungong kama. Sigaw siya ng sigaw, umaasa na may makarinig nito at tulungan siya. Pabalibag siyang ibinagsak nang tatay ni Nina sa kama, napaigik siya sa sakit dahil tumama ang ulo niya sa headboard ng kama.

Malapit ng tumulo ang luha ni Eyz sa sobrang takot, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Muli siyang sinigaw ang pangalan ni Nina, sa hindi mabilang na pagkakataon.

Pinanghihinaan na siya ng loob, nawawalan ng pag-asa. Sa kawalan ng pag-asa ay tuluyan na siyang napaiyak. Ang tatay naman ni Nina ay nakangisi habang nakatingin sa kaibigan ng anak, hinubad nito ang suot na damit at itinapon sa kung saan.

Unti-unti nitong kinalas ang belt, sunod ay ang suot nitong shorts. Hanggang sa tanging boxer na lang ang natira. Ang mga mata nito ay namumula, dahil sa ginamit na droga.

Napagapang paatras si Eyz gamit ang braso, ang mga mata niya ay namamaga sa sobrang pag-iyak. Sa isip ay nagsimulang bumalik sa ala-ala niya ang mga sandaling kasama niya ang mga magulang.

Ang mga sermon nito sa tuwing late na siya kung umuwi, ang mga asaran nila at ang mga okasyon na magkasama sila. Hindi man lang niya naiigay ang binili niyang regalo para sa—

Natigil sa pag-alala si Eyz sa mga memoryang kasama ang mga magulang ng may maalala siya. Nagmamadali niyang hinawakan ang suot na kwintas at aligagang hinawakan ang pendant at madiin na pinindot ang maliit na diyamante. Kung iisipin ay parang isang disenyo lang 'yon, pero ang kwintas na 'yon ay sadyang ipinagawa ni Ariela para kay Eyz. Ang diyamante ay hindi lang isang simpleng pendant, kapag madiin itong pinindot ay magbibigay ito ng alarm sa cellphone ni Ariel.

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now