Prologue

8.9K 178 73
                                    

Deanna's POV

"DW, tutuluyan na ba namin ito?" Tanong ni Bea na may hawak na patalim habang nakatitig sa lalaking duguan ang mukha.

"Your choice. Basta ayoko ng anumang dumi ang maiiwan dyan na ikakasira ng gang." Malamig kong sagot at lumapit ng dahan-dahan si Bea.

"M-maawa ka. W-wag mo akong patayin. S-sinunod ko l-lang ang u-utos ni boss." Pagmamakaawa ng lalaki pero hindi siya pinakinggan ni Bea. Napapikit na lang ako ng sinimulan niyang pagsasaksakin ang lalaki.

That's the 'SV Gang'. Sa mundo ng mga gangs, legal ang pagpatay. Pwera na lang kung magpapahuli ka sa ibang gangs at baka ikaw ang mapatay nila.

"Clean that mess up. Let's go." Utos ko at naglakad paalis.

"So, wala na tayong problema." Sabi ni Maddie at umakbay sakin.

"Yeah, pero hindi tayo dapat magpakampante dahil marami pang mga gangs ang nakapaligid satin." Sagot ni Alyssa. Pumasok kami sa kanya-kanyang kotse at nagmaneho pauwi ng mansion. Pinark ko muna sa garage ang car ko.

"Good evening DW." Bungad sakin ng mga maids and guards namin at nagbow nang makita nila ako.

"Nakahanda na po ang dinner ninyo." Dagdag ng isa sa mga maids.

"Okay. Thank you." Naglakad ako papunta sa dining area at aba, nauna pala ang mga mokong na to.

"Oh Deansh, dumatingsh ka pa." Natatawang sabi ni Bea na lumalamon na.

Kapag kami-kami na lang ang magkakasama, we call each other by our names. Pero kapag sa ibang tao na, they call us by our gangster's name at walang ibang nakakaalam sa pagkatao namin.

"Hey! Don't talk when your mouth is full." Suway sa kanya ni Maddie. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang.

"Jaycel, ang tahimik mo naman." Sabi ni Tots habang nakatingin kay Jaycel na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Parang hindi ka na nasanay dyan dude. Kaya nga magkasundo sila ni Deans dahil gusto nila ng tahimik e." Sagot naman ni Aly.

"Can you guys just shut up? Finish your food and take a rest. Start na naman ng class natin bukas. It's going to be a long day." Malamig kong utos sa kanila kaya wala niisa sa kanila ang nagtangkang nagsalita.

Pagkatapos naming kumain, pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto. I did my night routine and sat on my bed while looking at the top 2 gang in Ateneo. We are the Top 1 noh.

'REPLEC Gang'
• LA Revilla
• Nico Evanglista
• Kobe Paras
• Zolo Ligot
• Fhen Emnas (Leader)
• Michelle Cobb

Highschool pa lang kami sila na ang greatest rival namin. Hindi marunong matakot at mayayabang.

Pumunta muna ako sa basement dahil hindi ako makatulog at naglaro ng billiards.

"I thought you're already asleep." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Jaycel na nakasandal at nakacross arms pa.

"Tss. Samahan mo nga akong maglaro dito." Sabi ko sa kanya at iniabot ang cue stick.

"Kahit kailan talaga bossy mo sakin." Maktol niya at kinuha yung cue.

"Magpasalamat ka na lang sakin dahil hinayaan kitang sumali sa gang."

"Edi thank you buddy." Pamimilosopo niya kaya napailing na lang ako.

Kung gaano siya katahimik tuwing kasama namin ang ibang members ng gang, ganun siya kaingay kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.

Gangsters of AteneoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon