VI

4.8K 138 5
                                    

Jema's POV

"Arghh!! Nakakainis yung DW na yun!!!" Sigaw ko nang makalabas na si gunggong.

"Hindi mo man lang ba siya susundan? Paano na yung bag mo?" Tanong ni Yumi.

"Bakit ko siya susundan? Baka ano pang gawin sakin nun." Bigla namang natawa yung mga kaibigan ni DW.

"Anong tinatawa-tawa niyo dyan?!" Inis na tanong ni Jho.

"Ano namang gagawin sayo ni Boss D? HAHAHA!" Bea chuckles.

"Hay bwiset!!" Padabog akong lumabas sa room.

"Jema!"

"Saan ka pupunta?!"

"Bumalik ka dito!"

Rinig kong tawag nila sakin pero hindi ko na sila pinansin. Asan na ba yun?!

Halos maikot ko na yung buong campus pero wala akong nahanap na DW.

"Hmm what are you looking for?"

"Ay jusmeyo!" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita.

"You're funny, Miss??" Tanong niya. Humarap ako sa kanya. Medyo matangkad siya. Pang volleyball player ang height niya.

"Nobody." Sabay irap ko sa kanya.

"Sungit mo naman. So who are you looking for?" Tanong niya ulit. Feeling close at ang kulit nito ah!

"It's none of your business." Walang ganang sagot ko at naglakad.

"Tell me. Malay mo makatulong ako." Pangungulit niya. Tumigil ako at hinarap siya.

"Si DW."

"At bakit mo yun hinahanap?" May halong inis yung boses niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong?!" Inis ko ring tanong sa kanya at naglakad ulit.

"Mag-iingat ka kay DW. Hindi mo pa alam ang kaya niyang gawin." Rinig kong sabi niya pero hindi ko na yun pinansin. Nakakainis talaga! Hindi na ako nakapasok sa class dahil sa pagkuha niya sa bag ko.

Umupo muna ako sa may ilalim ng puno dito sa may open field ng Ateneo.

"Pagod ka na nga?" I heard a familiar voice. Agad kong hinanap yung nagsalita. "Tanga ka talaga. Dito sa taas oh." Tumingin naman ako sa taas ng puno.

"Aba, sinong tanga?!"

"Hindi ka lang pala tanga. Bingi rin." Nakangisi niyang sabi kaya mas nainis ako.

"Akin na yung bag ko!!"

"Go get it." Walang gana niyang utos at ngumisi.

"Ano ka sinuswerte? Ako aakyat?" Taas kilay kong tanong.

"Ano ka rin sinuswerte? Ako pa bababa?" Panggagaya niya sakin. "Hahah buti na lang talaga mabait ako." Bigla niyang binuhos yung laman ng bag ko at natamaan pa ako ah!

"Bakit mo ginawa yun?!!?"

"Ayaw mong umakyat. Edi binuhos ko na para hindi mo na kailangang umakyat. Am I smart?" Nakangiti niyang tanong sabay bitaw ng bag ko. Sinalo ko naman yun at tinignan siya ulit.

"Sana mahulog ka!" Inis kong sigaw sa kanya at pinulot yung mga gamit ko.

"Sasaluhin mo ba ako?" Natigilan ako sa tinanong niya at tumingin ulit sa kanya. "HAHAHA wag kang feeling Ms. Galanza. Hindi ako papatol sa masungit at tangang katulad mo." Tawang-tawa pa niyang sabi.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now