XII

4.9K 142 18
                                    

Deanna's POV

"Coach, pwede pa ba silang sumali sa team?" I asked when we entered the BEG for the morning training. Kasama na rin namin sila Kat, Dani, Jules, Faith at Roma.

"Ano ang mga position nila? And ano ang pangalan niyo?" Tanong din ni Coach O.

"Kat Tolentino po. Open spiker."

"Jules Samonte. Middle blocker."

"Faith Nisperos. Outside hitter."

"Dani Ravena. Libero."

"Roma Mae Doromal. Libero."

"Wait, Dani right? Ikaw yung lumapit samin nung minsan sa soccer field?" Singit ni Ponggay.

"Yes. It's nice to finally meet you all." Nakangiting sagot ni Dani. Nabanggit na samin ni Dani kahapon ang tungkol dyan.

"That's great! We will divide all of you into two groups at magkakaroon tayo ng match up mamayang hapon para malaman namin kung sino ang magiging first six." Sagot ni Coach O. "By the way, where's the sister of Jho? Nakausap niyo na ba siya?"

"Yes Coach. Pupunta daw po siya dito mamaya pagkatapos ng class niya para ma-check ang campus." Jho answered.

"Okay then. Let's start!" They changed their clothes and started to warm up. We are just watching dahil tinatamad pa kami makipagtraining. Hehehe.

"Deans, is it okay kung hindi na tayo makisali sa kanila sa afternoon training? Because we really need to go back to the ground. Kailangan na rin nating mag-ensayo dahil mabilis lng ang oras. Malapit na ang battle." Mahabang sabi ni Aly habang pinapanood ang mga babaeng nagdi-drills.

"Good idea. I guess they'll understand naman because we are also known for being busy people." I responded.

We just stayed quiet until Coach O gave them a water break. We walked towards them and gave some drinks. Nagtataka pa sila sa ginawa namin pero tinanggap din nila yun at ininom.

"Baka gusto niyo rin kaming bigyan." Pagpaparinig ni Mika sabay siko pa kay Bea. Natawa naman kami at binigyan din sila ng maiinom.

After the break, bumalik na rin sila sa training na pinangungunahan nila Coach O at Ate Dzi dahil kakaiba ang training nila ngayon. It's not just a normal training. Parang binabatak na nila agad ang mga players kaya para kaming audience the whole time.

Pagkatapos nilang magtraining, they did the usual routine at nagsipunta sa kanya-kanyang buildings. As usual, humiwalay sila Mika, Bang, Myla, Mela, Kat, Dani, Jules, Faith and Roma kaya kami-kami na lang magbabarkada at sila Jema ang magkakasama papunta sa building 1.

"Saan nga pala kayo pumunta kagabi? Anong oras kayo umuwi?" Tanong ni Ponggay habang naglalakad.

"None of your business." Maddie coldly replied. Napairap na lang si Ponggay at nanahimik na lang.

Walang nagsalita samin hanggang sa makarating kami sa room.

Lagi na lang boring ang class namin. Tapos halos 4 hours ang morning class. Pwede kaming magcut ng classes dahil matatalino naman kami pero malalagot kami kay Dad kapag nalaman niya ang mga kabalastugan namin.

After our morning class, humiwalay samin sina Jema dahil may kailangan daw silang kunin sa library. Para ma-make sure namin ang kanilang safety, pinasama ko sina Tots at Bea sa kanila. Kami naman nina Jaycel, Aly at Maddie are going somewhere. We are not hungry kaya napagpasyahan naming maglibot-libot.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now